Saturday, June 16, 2007
mahabang byahe.
mas mabilis ang byahe pabalik?
kaysa pag papunta pa lang?.."
_________________________________
Sunday, June 10, 2007
if only tears could bring you back.
kanina lang, habang pinapanuod ko sa pangalawang pagkakataon ang polar express sa star movies, bigla naming napag-usapan ng mga kapatid ko ang tungkol sa isang mahalagang bagay. nasa scene na kasi kami kung saan nawala nung bata ung maliit na bell na bigay sa kaniya ni santa. sabi ng kapatid ko, kung ikaw ang nasa kalagayan niya ano ang gagawin mo..? sabi ko naman, siguro maglulupasay ako sa kaiiyak. ang sakit kaya nun. isang mahalagang bagay mula sa isang mahalagang tao sa napakahalagang oras at pangyayari, mawawala, bato ka kung di ka man lang masaktan dun. kahit sabihing maliit na bagay lamang iyon. at kahit sabihin pang pwede namang mapalitan. oO nga, pwede un, pero iba pa rin talaga ung tunay. may halaga. may sentimental value 'ika nga.
sa katunayan hindi naman talaga un ang punto o ang nais kong sabihin sa post na 'to. nabanggit ko kasi na kapag nawala un, masasaktan ako at maglulupasay sa kaiiyak. ayun. iiyak ako. tama. un nga. pagkatapos kong sabihin un, bigla akog napaisip, para san nga ba talaga ang mga luha..?
kapag nasasaktan tayo, umiiyak tayo. inilalabas natin ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng mga luha. hindi ba..?
pero bakit pag natutuwa..? hindi ba't minsan sa labis na kaligayahan napapaiyak din tayo..? kapag halos hindi mo na makayanan ang labis na tuwa, at wala ka nang mapaglagyan nito, hindi mo mamamalayan lumuluha ka na..? tama di ba..?
ngayon hindi ko na maintindihan kung ano ba ang luha. kung anong silbi nito. para san nga ba talaga ito..? sa sakit o sa tuwa..? bakit tayo lumuluha sa parehong pakiramdam na iyon na lubhang magkaiba..? bakit nga ba..?
________________________________________________________________________
hay, ewan. nawawala na naman ako sa sarili ko kaya kug ano-ano pinapopost ko. ibang klase talaga ang epekto ng katol. nakow.
Friday, June 8, 2007
wake up. stop dreamin'.
bakit ganito. minsan ka lang makaranas ng konting kasiyahan, ilang saglit lang babalik na naman ung kalungkutan.
lagi na lang nagpapapansin kung kelan hindi pinapansin.
ang masaklap, lagi ko rin namang pinapansin. isang emosyong ksp. naku, san ka pa?
ngayon lang, narealize ko, that I really don't belong. I've been searching for someone, for anyone to make me feel that I belong.
I've been into groups also, makahanap lang ng security. ng care. ung tatanggapin ako. at akala ko natagpuan ko na un.
may mga nakilala ako. sa iba't ibang groups [The Anime Addicted, Societas Triskaideka, Youth On Fire, A Seek for Solace,]...
nung una ayos lang. masaya. pagtagal, ayun. hindi pa rin pala ako makacope-up. i still feel left-out.
they're all nice. they treat you as a friend. a family.
pero bakit ganito pa rin pakiramdam ko. hindi pa rin sapat. kulang pa rin.
ang selfish ko para isipin lang ang sarili ko. pero ano ba? I've been pleasing everybody for my whole damn life!
pero walang nangyayari. they still leave..
leaving you behind when you most need them. treating you like some trash after they've got all they needed from you!
sabi ko sa sarili ko, bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ito para sa kanila.
bakit ko sila kailangang i-please? why not please myself instead?
ano ba ang kasagutan sa mga tanong na ito?
ayun.
alam ko na.
gusto ko silang i-please dahil gusto kong magustuhan nila ako.
at kapag nagustuhan nila ako, tatanggapin nila ako.
mamahalin.
ituturing na kaibigan.
o higit pa.
pag nangyari un, na-please ko na rin ang sarili ko.
ganun nga siguro.
pero bakit ba hindi ko naisip na sa ginagawa ko, dalawa lang ang pwedeng mangyari.
ang tanggapin ako o ang i-reject ako.
at kailanman hindi ko natutunang paghandaan ung huli.
at un ang dahilan kung bakit nagawa ko ang post na 'to.
hayan ang napala ko.
kung bakit kasi naghangad pa ako ng kaibigan e.
ng kasama.
ng karamay.
masaya naman ako sa pag-iisa ko.
masaya ako sa paniniwalang hindi ko kailanman kailangan ang kung sino sa buhay ko.
sapat na ang ako lang.
sapat nang ang blog na 'to lang ang tanging karamay ko.
masaya na ako dito.
secured na rin ako. dahil alam kong kahit kailan, hindi ako iiwan ng blog ko.
Thursday, June 7, 2007
i will not kill you. i will break you..!
hmm. ano ba. nung isang araw. sa kapitbahay namin. may namatay. ahem. sabi nila nagpakamatay. sabi naman ng mga pulis, mukhang foul play. or let's just say, pinatay siya mismo. hindi rin napaghahalatang tsismosa ako noh..?
hmm. actually, kaya ko kinukwento 'to kasi. uhm, honestly, hindi ako naniniwalang
kayang gumawa ng isang tao ng ganung kagrabeng krimen. not until that fatal day.
oO, tama. hindi nga ako naniniwala. o mas tamang sabihing ayokong paniwalaan.
marami akong napapanuod sa news tungkol sa mga ganyang klase ng kwento. i even watch SOCO. totoong mga pangyayari. pero mas gusto kong isiping gawa-gawa lang un ng media para kumita ang palabas nila.
pero hindi ko na maisip na ganun nga un.
masaklap.
pero wala akong magagawa sa bagay na un. ito ang totoong mundo. hindi panaginip. hindi kathang isip. *sigh*
nilikha ng Diyos ang tao na mas mataas sa hayop.
pero sa ginagawa ng tao, ipinapakita niya na mas masahol pa siya sa hayop.
isa lang 'to sa mga masasaklap na katotohanan ng pagiging tao.
*sigh ulit*
Friday, June 1, 2007
sana ang buhay ay tulad lang ng isang gitara.
'always have the courage to love one more time. always one more time..'
na-inspire ako noon sa sinabi niya. sabi ko sa sarili ko, tama siya. masaktan ka man ng paulit-ulit, di mo dapat isara ang puso mo para magmahal muli. ayon e. go lang ng go. ma-try nga rin minsan sabi ko pa.
isang taon na ang nakaraan. o mahigit pa. kumalas ako sa boypren ko dahil lang sa kadahilanang hindi kami lubos na magkaintindihan.
puro kami away. nagkakabati rin naman agad, pero hindi lumilipas ang isang araw nang hindi kami nag-aaway. nung una, ayos lang. mahal ko siya. sakripisyo lang. at alam ko rin namang mahal niya ako. tiwala ako sa bagay na yun.
pero nagsawa din ako sa ganung bagay. away-bati. kung talagang mahal niya ako, bakit puro na lang away ang nangyayari sa amin? nagkaroon ng konting pagdududa. nagkaroon ng lamat. nagkaroon ng butas.
di nagtagal, napuno na ako ng pagdududa. kumalat ang lamat. lumaki ang butas. sabi ko, ayoko na. mabuti pa, tigilan na lang natin 'to. sumuko na ako. napagod.
ayaw niya. bakit ganun? kung ayaw niya akong pakawalan ibig sabihin mahal niya talaga ako di ba? pero dahil bobo ako. bumagsak ako.
isang taon na ang nakararaan. o higit pa. at sa paglipas ng panahong un, may mga nakilala din akong iba. pero lahat sila hindi nagtagal. akala ko sa una, mahal ko na. pero di pa tumatagal ng isang linggo, sawa na ako. hindi ko pala mahal. ilang beses akong sumubok. ilang beses nabigo.
sabi ng huling boypren ko, bato daw ang puso ko, hindi raw ako marunong magmahal. tinamaan ako dun. halos mayanig ako sa realisasyong un. paulit-ulit umuukilkil sa isipan ko ang bagay na un. paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung totoo nga ba ang bagay na un. nasaktan ako. at dahil dun, nalaman kong, may damdamin pa rin naman ako.
_________________________________
*itutuloy.
hindi gumagana ang utak ko.
pagdating sa mga bagay na ganito.
wala akong kwenta.
haaayz..!
sana mas gumaling pa ako sa pagsulat.
tulad ni jaja.
o kaya ni luiren.
o ni ein.
katulad din ni jeanette.
katulad ng mga miyembro sa deluge of colors.
katulad ni hiroki.
haaayz ulit.
si hiroki ang pinakadakilang inspirasyon
ko sa pagsusulat.
wala lang.
naalala ko lang nung una kong mabasa
ang mga blog entries niya.
sheesh.
im glad i met him.
kahit sa pamamagitan lang ng mga titik
na isinulat niya. ;p
Sunday, May 27, 2007
in my solitude. you aren't there.
11.35PM. tulog na naman silang lahat. ako na lang yata ang gising. tahimik na ang paligid. maliban sa mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan sa kalye.
nitong mga nakaraang araw, maliban sa panunuod anime dvds, naging abala ako sa muling paglpat ko ng paaralan.
tama. sasabak na naman ako sa mundo ng blackboard, chalk at mga libro. ayoko ng magdetalye ng mga naganap.
isa lang ang ipinapanalangin ko. sana. maging maayos na ito.
hindi na ako pwedeng magpatalo ngayon. ilang beses na akong humingi ng panibagong pagkakataon. sabi nila, kaya may 2nd chances daw, dahil meron pang 3rd, 4th, 5th.. etc. nagamit ko na ang 2nd at 3rd chances ko. kalabisan na kung paaabutin ko pa sa 5th chance bago ako magising sa pagkakatulog ko.
siguro naman ngayon, tuluyan na akong magising.
pag natalo pa ako ngayon. habang-buhay na akong talunan.
*sigh.
matutulog ako ng maaga ngayon.
ewan ko ba.
bukas ko na ulit itutuloy ang panunuod ng air gear.
hindi naman tatakbo ang dvd e.
anjan pa rin yan bukas.
*sigh.
kung magiging masaya ba ako..
ngingiti ka na rin?
o tanging luha ko lang ang makakapagpasaya sa'yo?
*sigh.
kung aalis ba ako.
babalik ka na sa akin?
hindi siguro.
*sigh.
sa buong buhay ko...
kailan man di ko naramdaman
na may kwenta ako.
*kailanganin mo ako... nang maramdaman kong.
may silbi din ako sa mundo.
sige.
muli akong tatakbo.
at kung madapa man ako.
sana nariyan ka na para alalayan ako.
dahil sa pagtakbo mo,
andito lang din ako, sasabay sa'yo.
at kung madapa ka man.
papasanin kita, at ako na ang magtutuloy
ng pagtakbo mo.
sana... bumalik ka na.
dahil... miss na miss na kita.
__________________________________________________
'you should know that i can't smile alone.
if we're not together, there's no meaning in it..'
~ sakura mikan. (gakuen alice)
nais kong maging katulad mo... mikan.
Monday, May 21, 2007
stop being so kind. it hurts so much...
gusto kong tumawa.
gusto kong ngumiti.
hindi dahil masaya ako..
hindi dahil natutuwa ako..
hindi dahil gusto ko lang..
kundi dahil nais kong punan nang saya
ang kalungkutang nadarama.
at ang aking pag-iisa.
_______________________________________
haay! eto napapala ko sa pakikinig
ng mga piano instrumentals..
*Luiren..
Saturday, May 5, 2007
buhay anime.
hmm. three days akong hindi nakapanood ng detective conan.. pero pakiramdam ko parang ang tagal na.. parang ilang million years na..
taz palabas kaninang 2.30pm dn angel. pero hindi ako nanuod. wala lang.. napanood ko na kasi ung episode na un. advance ba.. pero nakakainis, kasi ung mga videos ni ljanime2 ng dn angel sa you tube nawala na. na-delete na yata. T_T ewan kung bakit. sayang, un pa naman pinapanuod ko. pangit kasi kung english dubbed, mas maganda pa rin pag japanese. e un pa nman ung mga naiwan na videos. may mga japanese pa rin naman, pero mas gusto ko pa rin ung kay lj. oh, well.. wala na ako magagawa dun.. kahit paano naman meron pa rin naman natira, at okay na iyon..
naiinis ako sa bleach sa gma.. nakakaasar ung mga dubbers. walang kabuhay-buhay. nakakawalang-gana tuloy. kaya minsan ung law of ueki na lang inuuna kong panuorin kesa sa bleach.. err. sayang. ganda pa naman ng bleach. kaasar lang talaga mga dubbers. sana palitan na sila.
ang boring panuorin ng beck kasi walang background music kahit nagdra-drama sila, wala lang. ang tahimik. pero okay pa rin. gusto ko ung story. taz maganda ung mga songs na kinakanta nila. un. ayoko lang ng boses ni sam concepcion. la rin buhay. walang expression.
hmm. wala na talaga si sasuke. ang tagal.
naaalala ko ung time na nahumaling (nahumaling talaga ha..) ako kay yoh asakura ng shaman king. sobra ko siya naging crush at inisip ko pa na sana ako na lang si anna. *_* (dreamy expression..)
nami-miss ko ung story ni tamahome at miaka. nakaka-miss ung feeling ng kilig ng love team nila.
pati rin ung kay yoshke at momoco. hmm. naaalala ko pa. sobrang nakakaasar nuon kasi tuwing darating na ung time na ipapalabas un saka naman ipapapatay ng mga nakakatanda ung tv. hapon kasi un. ayun. sobrang bad-trip. pero syempre, la pa rin sila panalo sa akin.
akazukin cha-cha. pinakaunang anime na napanuod ko. ewan kung anong grade ko nuon. magkasunod sila ng time slot ng fortune quest dati. kasali din ung blue blink. famous line ni blink? "tawagin mo lang ng tatlong beses ang pangalan ko, darating na ako.."
actually dragon ball Z talaga pinaka-unang anime na napanuod ko. pero ayokong i-consider un dahil sa uhugin pa lang ako nun, hindi ko naman naiintindihan ung palabas dahil nga english un dati. sa rpn9 un pinalabas. ang alam ko lang natutuwa ako pag nakikita ko si gokou at gohan na nakasakay sa lumilipad na ulap.
hmm. at madami pang iba..
______________________________________________________________
isipin mo na lang na may kwenta ang binabasa mo ngayon kahit wala. at isipin mo na rin na sa isang kisapmata e darating sina naruto, sasuke, sakura, ino, hinata, rock lee, tandang tsunade, inuyasha, seshumaru, sango, shippu, miroku, lupin III, luffy, dark, tamahome, ang bandang beck, ang mga tropang muglux (nu ba spelling ng muglux?), ren tao, yoh asakura, hao asakura, horo-horo, super gals, voltes 5, knight hunters, detective conan, ichigo, son gokou, son gohan, vegeta, zenki, ueki, chii, goimon, ang buong liga ng gundam wing, gundam seed at iba pang gundam, at syempre sasali din sina haru, musika, at elie ng rave, at ang mga may buhay na manika ng angelic layer at super doll lica at lahat na ng mga tauhan sa buong anime world para iligtas ang mundo sa mga mapagsamantalang monsters na nakaupo sa gobyerno.. ^_^
Wednesday, May 2, 2007
A PROMISE o_O
That sometimes i seem to forget
To tell you how i feel,
To show you that my love's real.
But..
Please let me tell you now,
If ever you have any doubt,
Just look into my eyes, so
You can see my truthfulness
And..
When it comes to loving you
Take my word and hear;
I will love you,
Until the beat of my heart stands still.
But..
Time may not always be good,
Whoever said it would?
When life is not there,
Just know that I'll be here
With my shoulder to lean on.
And a heart that'll always be strong!
_________________________________________
audee andrada 05020706.56PM
questions left unanswered.
"what?"
"i can feel your pain.."
"yeah right.. as if.."
"no. really. you're feeling so much pain.."
"shut up! i don't need you!"
"you need me! i'm you!"
"huh?"
"i care for you. i'm the only one who can understand you.."
"(sobs)"
"can i give you a hug?"
And they embraced each other..
_________________________________________________________
audee andrada.0502070648PM
Tuesday, May 1, 2007
smile. it makes a world of difference.
lahat sila. lumalapit. nakikiusap. dahil mahal ko sila. pagbibigyan ko sila. may ipagawa sila sa akin, ginagawa ko agad. may hihilingin sila, pinabibigyan ko agad. sabihin mong kailangan mo ako, lalapitan kita ng buong puso. hindi ako aalis. dahil iyon lamang ang paraan ko upang maiparamdam sa iyo. sa inyo. na mahal ko kayo.
pero bakit sa akin hindi niyo magawa ang mga bagay na iyon? hindi ako nanunumbat. hindi ako naninisi. may sari-sarili kayong buhay. sino nga ba naman ako? iyon ang sabi ko sa sarili ko. pero hindi ko maiwasan magtampo. tao lang ako. gaya niyo. may pakiramdam. nasasaktan. nanghihina. nalulugmok.
pero ayos lang. sanay naman akong mag-isa. sanay akong harapin ang kalungkutang matagal ko nang kinasadlakan. pero nais kong malaman mo. wala pa rin pinag-iba. ako pa rin ito. lapitan mo ako. yayakapin kita agad. hindi ako mang-iiwan. dahil sa mga oras na kailanganin mo ako ay ang mga sandaling nararamdaman kong may halaga pa rin ako sa'yo. balewalain mo na ako pagkatapos nun. maghihintay pa rin ako.
at gaya ng dati, ngingiti ako. ganu man kahirap ang mag-isa hindi ko kakalimutang numiti. at alam kong sa likod ng mga ngiti ko, ay ang mga bagay na kahit kailan ay hindi niyo maiintindihan.
...
hindi ko masabi kung ano ang nais kong sabihin.
Monday, April 30, 2007
lifeless
at napag-isip-isip ko, maaaring iyan ang daan upang imulat ko ang aking mata at isipan sa isang katotohanan na siyang magiging daan ko tungo sa pagbabago.
maikling kasulatan. simpleng kataga. pero may mabigat na kahulugan... Proverbs 24:10 "if you are weak in a crisis, you are weak indeed..."
im not o-fuckin-kay!
i mean, i dont know how to explain how i am feeling right now. it is so intense i couldn't even hold my tears back. it was so strong i could even break a glass with my hand.. and once again i wished i wasn't alive..
'kung panu maging isang daisuke...'
huwag mo akong tingnan sa mukha..
mamaya ngingiti rin ako..
mamaya magiging masaya na rin ako...
________________________________________
Tuesday, April 24, 2007
+i.cry.because.i.suck+
last night i was so afraid to sleep. i wanted to stay up until the sun rises in the east. i dont want to sleep for fear i might have a nightmare once again.. yes. a nightmare.
it isn't the usual kind of nightmare that we know. you know, people-chasing ghosts, people-eating monsters and other stuffs like that. no. it wasnt like that. it's different.
i dreamt of my mom. we were on a place i can't distinguish where. i dont remember how the story goes. or how it happened so fast. i just suddenly saw her being killed by someone. and i was there. i stood there watching her being killed. then holding her as she was gasping for more air to breathe. she died. in my arms. i was so hurt knowing i didnt do anything to save her. then i woke up. sobbing and crying. i know it was just a dream. it isn't real. but the feeling is still there when i woke up. i felt so scared. it was so real i felt so frightened.
________________________________________________________________________
Saturday, April 7, 2007
'im waiting here for you.. to remember how much you loved me.'
thanks for being a smile on my lips. for being the rope i keep on holding on. for being the star that I've always strive to reach. for being the moon, that I've always admired. for being the sun that keeps me hoping for a new tomorrow. for being the book that i read. the pepsi that i drink. the song that i sing. the food that i eat. the movie that i watch. the dreams that i dream. the bed that i used to sleep on. the nonsense things that made sense. (aw! here it goes again!)
thanks for being the gerard way of my life ( though I'm still wishing and hoping and praying for the real gerard way to come along).
thanks for being you who always brighten up my everyday.
and through these, misery will forever live on to be the smile on somebody else's lips. and to be the everything on other people's lives.
i hope i made you smile. the way you did to me.
happy Easter everyone!
___________________________________________________________
* misery now signing off on friendster. ^_^
'not all fairy tales end with happily ever after'
una, dahil nag-uusap na kami ni papa. maundy thursday. umatend kami ng misa. at dahil myembro ng choir ang dalawa kong kapatid, kaming tatlo nina mama at papa ang magkakasamang nagpunta ng simbahan. hindi pa rin kami nagpapansinan nun. at nung banggitin na ng pari ang salitang 'peace be with you' haay. natural lahat ng tao mkikipag- 'peace be with you' din. hindi sana ako tatango pero napilitan ako dahil tinawag ako ni mama. nakipag- peace si papa. tumango lang ako. at un na nga. wala ng iba pang salitang namagitan sa amin. ang simpleng 'peace be with you' lang ay sapat na para burahin ang mga hinanakit na isang linggo din naming itinago sa kasuluksulukan ng aming puso.
sumunod. alam kong hindi habang buhay ako magiging ganito. hindi pwedeng habang-buhay na lang ako kakanta sa videoke, o patuloy na magtitipa sa keyboard minu-minuto. o ang makipagsabayan sa ingay ng mga kanta nina pareng gerard way ng my chemical romance araw-araw. alam kong darating at darating ang oras na kailangan kong harapin ang mga sarili kong pangangailangan. kailangan kong harapin ang naudlot kong pag-aaral labag man sa kalooban ko. kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagkuha sa diploma na sabi nga ni pareng bob ong e, ang tanging requirement para makuha mo ang respeto ng mga tao.
ngayon bukas na ko sa mga magagndang posibilidad sa buhay. pag iniisip kong muli akong tatapak sa isang paaralan ay hindi na ko tinatakasan ng kaluluwa. marahil, magiging maayos na rin ang susunod kong paglalakbay. nasugatan ako ng pakpak dati ngunit alam kong kailangan kong gamutin ang sugat ko at nang muling matutong lumipad. patungo sa aking minimithing pangarap.
maayos ang pag-iisip ko ngayon. puno ng bagong pag-asa. sana lang magtagal to.
_______________________________________________
marami akong natatanggap na mensahe nitong mga nakaraang araw mula sa mga taong hindi ko kilala. lahat sila nagbibigay ng payo na kailangan ko na raw iwan ang pagiging miserable at mag-move on. sa tuwing nakakatanggap ako ng mga ganitong mensahe, napapangiti ako. akala kasi ng iba madalas ehh nasa suicidal state na ko at kailangan ko na ng enlightenment o kaya ng basbas ng pari. hehe. oO maaring naisip ko na ang magpatiwakal at mag-goodbye world sa tuwing dinadalaw ako ng kumare kong si problema ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y sa isip lamang. kahit kailan hindi ko ito magagawa. maraming dahilan. una dahil nakakatakot din. kung maglalas-las ako, masakit iyon. ganundin ang magbigti. kung over-dose naman, baka di ako matuluyan at sermon tiyak ang aabutin ko kung sakali. pangalawa baka pangit ang maging kalalabasan ng itsura ko sa kabaong ko, di ko naman gugustuhin yun noh. dapat ma-beauty pa rin kasi minsan lang naman ililibing ang isang tao buong buhay niya di ba? pangatlo, maaring tama si pareng bob ulit ng sabihin niyang hindi naman iiyak ang buong mundo para sa isang tao lang. oO, tama iyon, sino nga naman ba ako para iyakan ng buong mundo? hindi naman ako si rizal na nagtanggol sa ating bayan, o si bonifacio na nakipagsapalaran sa digmaan, o si rico yan na nakipag-bolahan sa kaniyang kapwa artista. pero magkaganun man, may pamilya ako. pamilyang alam kong tiyak na siyang unang-unang mag-aaksaya ng ilang bote ng vicks tumulo lang ang luha pag nawala ako. mahal ko ang pamilya ko, at ayokong bigyan silang muli ng pasakit para lang sa isang kabaliwang pag-iisip.
balik tayo sa mga nagsesend ng mga mensahe sa akin. ayun. akala yata ng iba, masyado na akong lugmok sa kamiserablehan ng buhay. dahil lang sa maitim kong profile at miserableng pangalan, at kakila-kilabot na mga photos, nag- 'i therefore conclude that misery is in deep misery' na sila. gusto kong malaman nila na oO, minsan nasasadlak ako sa putikang dala ng pagiging tao, ngunit hindi ibig sabihin nun, hindi na ako marunong tumawa o gawing maayos ang buhay ko. kahit ganito ang buhay ko, nagagawa ko pa rin namang ngumiti sa mga maliliit na mga bagay gaya ng uhm... ewan. basta, un na un. nagagawa ko pa rin namang i-appreciate ang brighter side of life ko. na masaya pa rin ang buhay dahil nakakainom pa rin ako ng pepsi at kape araw-araw. at higit sa lahat alam ko pa rin naman ang ibig sabihin ng salitang pagbabago. hindi ko pa nga lang iniintindi un sa ngayon pero darating din ako sa puntong yun. hindi pa nga lang sa ngayon, o bukas, ngunit darating din ang araw na magagawa ko ng magbago.. for the better of me.
_____________________________________________________
*para lang sa kaalaman ng lahat, ang pangalan kong misery ay isa lamang panlinlang. nabasa ko ang nobela ni pareng stephen king na misery, naadik ako sa pangalang un kaya yun ang ginawa kong pangalan ng profile ko.^_^
a love story... toinks!
itong post na ito, wala to kinalaman sa mahal na araw. tungkol to ke church guy ( yiikes! ang korni!) hmmm. pagdating namin ng simbahan, sabi ko sa kapatid ko. pag nakita ko siya ngayon, ibig sabihin kami ang para sa isa't isa. nyaaay! wishful thinking@! syempre sa dami ng tao, malabong makita ko siya... magkaiba pa kami ng patron na susundan sa procession kaya, ayun. but still wishing and hoping and praying na makita ko siya. kahit sulyap lang. naks!
ang then, finally, tapos na ang procession. balik simbahan na naman para sa konting basbas. ahem.. and then... tentenenen! i saw him! waah! what does that mean again? hmmm.
Monday, April 2, 2007
'dont try to fix me. i'm N O T broken.'
nagtampo ako sa aking mga kaibigan. nasaan sila sa mga sandaling kailangang-kailangan ko sila? nasaan sila nung mga sandaling kailangan ko ng karamay? ng makakausap? pero naisip ko, hindi lahat ng problema kailangang iasa sa kanila.
mahilig ang mama ko sa videoke. madalas sabay kaming kumakanta. sabay naming inaawit ang mga paboritong awitin na kahit sablay ay tunay namang nakakapagpasaya. kapag tinatanong niya ako kung anong gusto kong awitin niya, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kislap ng kaligayahan. kasiyahang tulad ng sa isang musmos na binigyan ng lollipop. pero alam ko na sa likod ng mga matang buhay at masaya ay nagtatago ang kalungkutang siya lamang ang nakakaalam. mga pait at pasakit na idinulot ng mga awiting hindi natapos. nawalan ng tono. maging ng liriko. pait ng awiting siya lamang ang nakakarinig. siya lang ang umaawit.
mabait ang papa ko. maunawain. hindi siya nananakit ng pisikal. tunay na amang maituturing. pero ang lahat ng magagandang katangian, minsan humahantong din sa hangganan.
kasalanan ko ang lahat. hindi ko iyon ipagkakaila. nagkamali na naman ako. kung bakit ganito ako. hindi ko alam. o mas tamang sabihing alam ko ang dahilan. ayoko lang tanggapin. ayoko lang damhin.
+++++++++++++++++++++++
'alam mo, namimiss ko na ang batang ikaw.' ang sabi ng papa ko. nasa tuktok kami ng bubong ng mga sandaling iyon. madilim ang paligid. malalim ang gabi. dun ako dinala ng mga paa ko pagkatapos ng kaguluhang naganap.
'ang batang puno ng pangarap at ambisyon sa buhay' patuloy lamang ako sa pagluha. ni hindi ko man lang siya tiningnan o sinulyapan man lang. ngunit nakikinig ako sa bawat salitang binibigkas niya. tumatagos ang lahat ng iyon sa aking pagkatao.
'naaalala ko pa ang mga pangarap mong iyon. hindi iyon nawawala sa puso ko. at hindi iyon mawawala kailanman...'
'nasaan na nga ba ang batang iyon? hindi ko na makita sa'yo ang batang iyon. wala na ni anino man lang.. gusto kong intindihin mo na hindi sapat ang minsang pagkabigo para sirain mo ang buhay mo. hindi ko alam ang nararamdaman mo. ang iniisip mo, dahil hindi ka nag-abalang buksan ang puso at isipan mo sa amin. hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa'yo.'
patuloy lamang ako sa pagluha.
tama ang aking ama.
wala na ang batang sinasabi niya.
kahit ako, hindi ko alam kung ang batang iyon ay totoo o maaaring isa lamang bunga ng mapaglarong imahinasyon.
buhay ko ito. lahat ng gagawin ko ang huhulma sa kinabukasan ko. ako ang susulat ng sarili kong kinabukasan. gagamit ba ako ng eraser para burahin ang mapait na karanasan at nang maging malinis ang pagbabago o patuloy na gagamit ng nagtataeng bolpen at ipagpatuloy ang nasimulan nang maduming pagkatao? ako rin ang magpipinta ng sarili kong pag-asa. bughaw at hindi itim. nasa akin ang desisiyon. nasa akin ang pagkakataon. ang huwag nang manatili sa kinatatayuan. kailangan lang ng isang hakbang patungo sa pagbabago...
+++++++++++++++++++++++++
i am feelin' blue.
Wednesday, March 28, 2007
i hurt myself so you can't.
nahihiya na akong lumapit sa'yo. para bang may nakipalibot na mataas na pader sa pagitan natin. hindi ko matawid dahil sa sobrang taas. isinara mo na ang puso mo sa akin. pakiramdam ko, kahit di mo sabihin nais mo ng bawiin ang susi nito at nang kailanman ay di na ako makapasok pa sa puso mo.
alam ko napapagod ka na. dahil wala na akong ibang ginawa kundi magsabi ng problema sa'yo. problemang hindi ko man lang magawang resolbahin. alam kong sawa ka ng makinig sa mga hinaing ko. pero masisisi mo ba ako? ikaw lang ang itinuturing na tunay na kaibigan ko.
sana kahit pagod ka na, malaman mong, nandito pa rin ako. maghihintay sa'yo na muling ibalik ang susing binawi sa akin. muling tibagin ang pader sa pagitan natin. at muling damhin ang pagkakaibigang nananalaytay sa ugat natin. andito lang ako. hindi magsasawa. hindi mapapagod. dahil ikaw...
______________________________________________________________________________________
elaine,
thanks about last night. ewan ko, hindi sapat para sa akin ang paghingi ng pasasalamat. kahit di ako nagrereply kagabi di ka pa rin tumigil sa pag-aalala sa akin, thanks po talaga. tunay ka ngang kaibigang maituturing. hope i can repay for the things you've done for me last night. thanks.
Friday, March 23, 2007
none of the people i love love me ..I..
the other day, nagsend sa akin ung 'ex-bestfriend' ko ng isang chain text tungkol kay Jesus. un bang kapag di mo cnend un sa iba e ibig sabihin, hindi mo Siya mahal. not that i'm against chain texts like that. kung minsan nagsesend din naman ako ng mga ganun, pero ewan ko ba. sinapian yata ako ng demonyo nung araw na iyon at nagawa ko siyang kontrahin. i mean sinadya ko talaga siyang kontrahin. nagreply ako sa kanya. sabi ko, hindi naman kailangan ng chain texts para mapatunayan sa Kanya na mahal mo talaga Siya. kilala ko siya. ayaw na ayaw niya ng kinokontra, pero ginawa ko pa rin. sinabi ko pa na parang ginagawa na nilang kalokohan ang Panginoon dahil sa mga chain text na iyan. e di syempre reply naman siya kaagad. 'ano ba nangyayari sa'yo?' sigurado ako, sa lagay pa lang ng text niya e napipikon na siya. wala naman sabi ko. naiinis lang ako dahil pwede naman nilang ipakita sa pamamagitan ng ibang paraan na mahal mo nga Siya. hindi iyong sa chain text lang. minsan kasi nagiging walang kabuluhan iyon. isinesend lang naman nila iyong mga iyon para sabihin ng iba na maka-Diyos sila. nakikinita ko na salubong na ang kilay niya dahil sa reply ko. parang naririnig ko na rin ang iniisip niya 'bakit mo ba ako kinokontra?' hmmm. gusto ko siyang asarin ng sobra. gusto kong magalit siya. nag-reply siya. 'depende naman sa tao iyon' tama nga naman siya. malay ko kung seryoso nga naman siya sa pagsesend nun. pero kinontra ko pa rin siya. 'kahit na. mas mabuti pa rin kung ipapakita sa ibang paraan. di ka naman Niya ijujudge sa pamamagitan ng kung ilang chain texts tungkol sa Kaniya ang naisend mo di ba?' nagreply siya kaagad. 'oO na panalo ka na' ayun. alam ko sobrang inis na siya. ayos, sabi ko sa sarili ko. nagawa ko na siyang inisin. 'ang laki na ng pinagbago mo!' muli reply niya sa akin. natawa ako. nakangiti ako habang nagtatype ako ng reply. 'kung ano ako ngayon, dahil ito sa listahan ng mga taong nanakit sa akin.' matagal bago siya nag-reply. akala ko pa nga hindi na siya mag-rereply. sa wakas. nasapol ko rin siya sabi ko sa isip ko. 'am i on your list?' reply niya after an eternity. di ko diretsahang sinabi na 'Oo. kasali ka sa listahan ko. ikaw pa nga ang nangunguna e.' hehe. syempre masyadong brutal naman iyon. kaya ang sabi ko. 'what do you think?' di man diretsahan, alam kong nakuha na rin niya ang ibig kong sabihin.
best friend ko siya. uhm, dati. or that's what i think. there was this incident back in high school kung saan nawalan ako ng tiwala sa kaniya. iyon din ang dahilan kung bakit nagsa-suffer ako ngayon ng i'm-afraid-of-the-crowd syndrome ng dahil sa sobrang pagkapahiya noon. naging paranoid ako. natakot ako sa mga tao. pakiramdam ko [kahit hindi] e pinagtatawanan nila ako. hehe. psychologically impaired ang dating. and after all these years, di ko pa rin nagawang alisin ang sama ng loob para sa kaniya. dahil sa lintek na hiyang iyan. sa lintek na takot. sa lintek na pagiging paranoid na baka mapahiya akong muli, nawalan ng saysay ang mga pangarap ko. ang buong pagkatao ko.
nangunguna siya sa hate list ko. silang dalawa ng principal namin nung high school. may kapit kasi kaya nagagawa niya lahat ng gusto niyang gawin. sa mga nakakaalam ng kwentong ito [uuyy, tsismis.] malamang masabi niyong napakababaw ng dahilan ko para magtanim ng galit sa 'ex-best friend' ko. pero para sa akin, kahit gaano pa kababaw, nagiging malalim lalo at dahil sa mababaw na pangyayaring iyon, natutunan kong pagdudahan ang sarili ko. ang kakayahan ko. at nadevelop ang nag-iisang talento ko: paranoia. natakot ako. napahiya.
at ngayon, after so many years na pagtatago ng galit, gusto ko ng lumaban. 'ika nga, lintek lang ang walang ganti. oO, alam ko. walang saysay kung lalaban ako dahil matagal na panahon na ang lumipas nang mangyari iyon. pero kahit ano pang pangaral ang gawin niyo sa akin ngayon, isasara ko ang isipan ko sa mga iyon. malaki ang bahaging naidulot niya sa kung ano ako ngayon. malaking bahagi ng pagkatao ko ang napunit ng dahil sa pangyayaring iyon. ayokong isipin niya na isa akong talunan. na isa akong walang-kwentang tao. walang halaga. mababaw.
pero sa nais kong mangyari, napag-isip-isip ko, na isa na nga akong talunan. walang-kwenta. mababaw. mahina. tama. hindi mangyayari sa akin ito kung naging matatag lang ako. hindi ako magtatanim ng sama ng loob kung sa minsang pagkakalugmok ko e, natuto na akong tumayo muli. at hindi mapupunit ang ilang bahagi ng pagkatao ko kung hindi ako nagpadaig sa mababaw na pangyayaring iyon.
mahina ako dahil pinili kong maging mahina. takot ako dahil pinili kong matakot. talunan ako dahil pinili kong maging talunan. wala akong kwenta dahil pinili kong mawalan ng kwenta. at nawalan ng saysay ang mga pangarap ko dahil hindi ko ito nagawang ipaglaban. mas pinili kong mawalan na lang ito ng saysay.
ganito ako ngayon dahil ito ang pinili kong buhay. ito ang pinili kong landas na dapat tahakin. ang maging mahina. takot. talunan. at walang-kwenta. walang 'ex-bestfriend' na dapat sisihin kundi ang sarili ko lang. dahil pinili ko ito. kung ano ako, ito ay dahil ito ang ginusto ko. dahil ito ang pinili ko//
Sunday, March 18, 2007
Saturday, March 17, 2007
'how can you say you love me, then throw that on my face?'
nasasaktan ako. sa katunayan gusto kong umiyak. gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ngayon. gusto kong sumigaw para maibsan ang paninibughong nararamdaman. dati, sa akin ang buong atensyon niya. dati sa akin madalas siyang mag-alala. walang sandali na hindi nya ako tinetext para makakwentuhan o makamusta man lang. dati un. nung wala pa si ___ sa buhay niya. dati ako ang una niyang takbuhan pag may problema siya. dati, ako ang una niyang sinasabihan pag masaya siya. dati un. nung wala pa si ___ sa buhay niya. ngayon, sa kaniya na ang buo niyang atensyon. siya na ang una niyang takbuhan. ang una niyang sinasabihan ng nararamdaman. madalang na rin siya magtxt sa akin. syempre nga naman. kasi meron na si ___ sa buhay niya.
ngayon, ako... heto. mag-isa. karamay ang kompyuter sa sakit na nararamdaman. nami-miss ko na siya. hindi man lang niya nalaman na mahal ko na siya. at nasasaktan ako ngayon dahil alam kong iba ang laman ng puso niya. na meron na siyang mas importanteng pinaglalaanan ng oras niya. ilang beses kong nahiling na sana tayo na lang dalawa. o sana hindi mo na siya nakilala pa. pero aaminin ko. hindi mo man siya nakilala. hindi man siya dumating sa buhay mo, o ako man ang minahal mo, alam ko pa ring kahit kailan ay di magiging tayo. o mas tamang sabihing, hindi pwedeng maging tayo. dahil lang sa nag-iisang dahilan: IKAW AT AKO, TAYO AY PAREHO. ='c
Friday, March 16, 2007
'with great expectations come great disappointments'
haay, it's already past 2 in the morning and i'm still wide awake. ewan. di pa ako inaantok. haay, geh, isang post na lang at mananaginip na ako. hmmm. well, i am just missing someone. i don't know what had happened that suddenly i am missing him.^_^. i wish i could spend time with him. maybe a day or perhaps an hour, or even for a second, any will do just to be with him again. to see him, talk to him or hear him sing. and then we will sing together. exchange talks with him about 'how's life been doin,' just some friendly talks. a light chat. no worries. no sad, tear-jerking moments or regrets about the yesterdays between us. just plain, simple talk.
*sigh*
I miss him.
'hey, audee! i bet you knew i'm talkin' about you. hehe. miss you much! :')
unmasked.
malamig. malapit na ang summer pero pakiramdam ko giniginaw ako. sa katunayan malalim na naman ang gabi. gising naman ako kung kelan tulog ang mundo. nagiging baliktad na ang mga pangyayari sa buhay ko. nagiging mabilis na ang ikot ng mundo. nahihirapan na akong sumabay sa agos ng buhay. nahihirapan na ako.
ang daming problema. ang daming pagsubok ang dumarating. may mga simple lang na sa isang iglap, solb na. me mga mabibigat naman na talagang sumusubok sa kakayahan at tatag ng sistema. kung hanggang kailan ba ito kakayanin o kung makakaya nga ba. haharapin na lamang ba o tatakasan na lamang. sa mga pagkakataong ganito, mas pinipili ko ang huli. mas magiging madali kung tatakasan na lamang ito. babalewalain. tatawanan. hahayaan. pero naisip ko, kung patuloy ko itong tatakasan, patuloy din itong babalik. at sa bawat pagtakas sa anu mang problema, ay siya ring paglalim at pagbigat ng suliranin. hanggang sa tuluyan na nga itong hindi kayanin.
alam kong ang blog na ito ay walang kwenta kumpara sa iba. ni hindi ito pag-aaksayahan ng oras para basahin ng iba. pero hindi ko ito ginawa para makipag-kompetensya sa mga magagaling sumulat. ginawa ko ito para maipakita at mailabas ko ang tunay na ako.
dito sa tahimik kong mundo nagagawa kong magpakatotoo ng walang pag-aalinlangan. nagagawa kong tumawa ng malakas kapag masaya ako, umiyak na parang bata pag nasasaktan o magmura pag nagagalit. dito sa tahimik kong mundo, ako ay ako. mabait. malambing. maldita. masama. dito, nagagawa kong tanggapin ang mga pagkakamali at kahinaan ko ng walang kumokondena. at walang naninisi sa akin. nagagawa kong damhin ang bawat sugat na tumatagos sa puso ko. ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko at ang bawat ngiti sa labi ko. lahat dito ay totoo. walang bahid ng. kasinungalingan. pagkukunwari. pag-aalinlangan.
sa paglabas ko sa aking mundong itinatago, muling ibabalik ang maskara ko. maskarang nagtatago sa kung ano ako. dahil ang kalakaran sa tunay mundo ay hindi tungkol sa pagpapakatotoo. sa tunay na mundo, matira ang matibay. kung hindi ka manggagago, ikaw ang gagaguhin. ngunit hindi lahat ng gago ay matibay. hindi lahat ng matibay ay walang kahinaan. at hindi lahat ng totoo ay walang maskara//
Tuesday, March 13, 2007
pieces of dreams had been shattered.
His side
-"tell her how you feel" is what my friends said
-so i picked up the phone
-called your house
-you answerd
-i said "i love you"
-and hung up right after
-the next day
-i told you it was a bet from a friend
-it was partly true
-but you didnt answer
-no sassy come back which you always do
-just stood there
-then walked away
My side
-he called my house
-i picked up
-he told me he loved me
-then hung up
-the next day
-i was going to tell you i loved you back
-but you said it was a bet
-i had everything planned out
-every move i planned
-every word
-but when you said that...
-i had nothing to say
-i stood and watched you
-as you broke my heart
just a memory.
Boy:I saw her today...
Girl:I saw him today...
Boy:It seems like its been forever
Girl: I wonder if he still cares...
Boy:She looks better than before...
Girl: I couldn`t help but stare
Boy:I asked her how she was
Girl: I asked him about his new girlfriend
Boy: I`d choose her over any girl
Girl: He`s probably happy now
Boy:I couln`t look at her without thinking i would cry.
Girl: He couldn`t even look at me...
Boy:I told her I missed her...
Girl: He told me he missed me...
Boy: I meant it...
Girl: He didn`t mean it...
Boy:I love her
Girl: He loves her...
Boy: I held her
Girl: He gave me a friendly hug...
Boy: Then I went home and cried...
Girl: Then I went home and cried...
Boy: I lost her
Girl: I lost him
Boy: *Sigh*
Girl: *Sigh*
Sunday, March 11, 2007
expired!
kanina ko pa pinapapak etong chicken adobo na sinasawsaw sa bagoong dahil lasang expired. ewan ko ba. kakaluto lang naman neto kanina pero lasang expired na talaga. pagtyagaan. kanina pa ko gutom e. eto mga napapala ng mga naghuhunger strike, nakakakain ng kahit hindi expired e lasang expired naman na pagkain. pero ok lang, no choice e. sasabayan ko na lang eto ng paborito kong energy drink: PEPSI! sabi nga ni luiren minsan (miss ko na siya, dko na kxe xa ntetex sa globe e. walang panlod bru!pambihira naman kxe sa mahal ang unli!) ayun, balik tayo sa sinabi nya, kung nailuluha lang daw ang mga iniinom naten, malamang pepsi ang lumabas na luha ko. hehe. malamang nga. kaya mula ngayon dapat water therapy na tayo... kung nde, naku. teka, kung magkaganun nga, e panu yan, e di ung mga babies gatas ang iluluha nila at ung mga mahilig tumagay, e anu pa? di ba? hehe.
ayan, natapos din. ayos. solve na. hihintayin ko na lang ang mga consequences ng ginawa kong paghuhunger strike na nauwi sa pagkain ko ng lasang expired na adobo na malamang mauwi rin sa LBM ( kung expired nga. eew. gross.) at sa pagsalubong sa galit ng nanay ko dahil amoy bagoong na ang keyboard at mouse neto. eew.
o sya sige. bago pa ko maexpired dito sa kakabanggit ko sa salitang expired, eto la-log-out na. matulog ng mahimbing mga kaibigan. piZawT!mwaah!*wink*