sama ng loob. hanggang ngayon, hindi pa rin ito naaalis sa sistema ko. ewan ko. pero sobrang nasasaktan ako. nasabi ko na 'to sa lahat. at hanggang ngayon hindi ko pa rin ito maintindihan.
lahat sila. lumalapit. nakikiusap. dahil mahal ko sila. pagbibigyan ko sila. may ipagawa sila sa akin, ginagawa ko agad. may hihilingin sila, pinabibigyan ko agad. sabihin mong kailangan mo ako, lalapitan kita ng buong puso. hindi ako aalis. dahil iyon lamang ang paraan ko upang maiparamdam sa iyo. sa inyo. na mahal ko kayo.
pero bakit sa akin hindi niyo magawa ang mga bagay na iyon? hindi ako nanunumbat. hindi ako naninisi. may sari-sarili kayong buhay. sino nga ba naman ako? iyon ang sabi ko sa sarili ko. pero hindi ko maiwasan magtampo. tao lang ako. gaya niyo. may pakiramdam. nasasaktan. nanghihina. nalulugmok.
pero ayos lang. sanay naman akong mag-isa. sanay akong harapin ang kalungkutang matagal ko nang kinasadlakan. pero nais kong malaman mo. wala pa rin pinag-iba. ako pa rin ito. lapitan mo ako. yayakapin kita agad. hindi ako mang-iiwan. dahil sa mga oras na kailanganin mo ako ay ang mga sandaling nararamdaman kong may halaga pa rin ako sa'yo. balewalain mo na ako pagkatapos nun. maghihintay pa rin ako.
at gaya ng dati, ngingiti ako. ganu man kahirap ang mag-isa hindi ko kakalimutang numiti. at alam kong sa likod ng mga ngiti ko, ay ang mga bagay na kahit kailan ay hindi niyo maiintindihan.
...
hindi ko masabi kung ano ang nais kong sabihin.
No comments:
Post a Comment