Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, May 27, 2007

in my solitude. you aren't there.

11.35PM. tulog na naman silang lahat. ako na lang yata ang gising. tahimik na ang paligid. maliban sa mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan sa kalye.
nitong mga nakaraang araw, maliban sa panunuod anime dvds, naging abala ako sa muling paglpat ko ng paaralan.
tama. sasabak na naman ako sa mundo ng blackboard, chalk at mga libro. ayoko ng magdetalye ng mga naganap.
isa lang ang ipinapanalangin ko. sana. maging maayos na ito.
hindi na ako pwedeng magpatalo ngayon. ilang beses na akong humingi ng  panibagong pagkakataon. sabi nila, kaya may 2nd chances daw, dahil meron pang 3rd, 4th, 5th.. etc. nagamit ko na ang 2nd at 3rd chances ko. kalabisan na kung paaabutin ko pa sa 5th chance bago ako magising sa pagkakatulog ko.
siguro naman ngayon, tuluyan na akong magising.
pag natalo pa ako ngayon. habang-buhay na akong talunan.

*sigh.
matutulog ako ng maaga ngayon.
ewan ko ba.
bukas ko na ulit itutuloy ang panunuod ng air gear.
hindi naman tatakbo ang dvd e.
anjan pa rin yan bukas.
*sigh.
kung magiging masaya ba ako..
ngingiti ka na rin?
o tanging luha ko lang ang makakapagpasaya sa'yo?
*sigh.
kung aalis ba ako.
babalik ka na sa akin?
hindi siguro.
*sigh.
sa buong buhay ko...
kailan man di ko naramdaman
na may kwenta ako.
*kailanganin mo ako... nang maramdaman kong.
may silbi din ako sa mundo.
sige.
muli akong tatakbo.
at kung madapa man ako.
sana nariyan ka na para alalayan ako.
dahil sa pagtakbo mo,
andito lang din ako, sasabay sa'yo.
at kung madapa ka man.
papasanin kita, at ako na ang magtutuloy
ng pagtakbo mo.
sana... bumalik ka na.
dahil... miss na miss na kita.
__________________________________________________

'you should know that i can't smile alone.
if we're not together, there's no meaning in it..'
~ sakura mikan. (gakuen alice)

nais kong maging katulad mo... mikan.

3 comments:

  1. ang magmahal ulit ang tanging solusyon sa pagkabigo. kaya ok lang kung umabot ka pa ng tenth bacause thats how you set your self free from burden. to love again. trust me.

    ReplyDelete
  2. yeah,..i wasn't there,..huh

    ReplyDelete