Proverbs chapter 24 verse 10. hindi ko alam, pero sa tuwing bubunot ako ng verse para sa advice ko araw-araw, iyan ang madalas kong nabubunot. hindi ko alam kung ano ang nais ipakahulugan ng bersikulong iyan. gusto kong mainis. subalit kung pag-iisipang mabuti, tama naman ang nasasaad diyan. tumutugma sa aking buhay. sa aking kakayahan.
at napag-isip-isip ko, maaaring iyan ang daan upang imulat ko ang aking mata at isipan sa isang katotohanan na siyang magiging daan ko tungo sa pagbabago.
maikling kasulatan. simpleng kataga. pero may mabigat na kahulugan... Proverbs 24:10 "if you are weak in a crisis, you are weak indeed..."
No comments:
Post a Comment