eto na naman ako. inaabala ang sarili sa pamamagitan ng pagtipa ng mga letra sa keyboard. hindi ako nalulungkot o pinagsakluban ng langit at lupa gaya ng madalas kong pakiramdam tuwing nag-popost ako sa blog na to. maayos ang pakiramdam ko ngayon. maari kong masabi na masaya ako. dahil sa mga simpleng bagay na nangyari.
una, dahil nag-uusap na kami ni papa. maundy thursday. umatend kami ng misa. at dahil myembro ng choir ang dalawa kong kapatid, kaming tatlo nina mama at papa ang magkakasamang nagpunta ng simbahan. hindi pa rin kami nagpapansinan nun. at nung banggitin na ng pari ang salitang 'peace be with you' haay. natural lahat ng tao mkikipag- 'peace be with you' din. hindi sana ako tatango pero napilitan ako dahil tinawag ako ni mama. nakipag- peace si papa. tumango lang ako. at un na nga. wala ng iba pang salitang namagitan sa amin. ang simpleng 'peace be with you' lang ay sapat na para burahin ang mga hinanakit na isang linggo din naming itinago sa kasuluksulukan ng aming puso.
sumunod. alam kong hindi habang buhay ako magiging ganito. hindi pwedeng habang-buhay na lang ako kakanta sa videoke, o patuloy na magtitipa sa keyboard minu-minuto. o ang makipagsabayan sa ingay ng mga kanta nina pareng gerard way ng my chemical romance araw-araw. alam kong darating at darating ang oras na kailangan kong harapin ang mga sarili kong pangangailangan. kailangan kong harapin ang naudlot kong pag-aaral labag man sa kalooban ko. kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagkuha sa diploma na sabi nga ni pareng bob ong e, ang tanging requirement para makuha mo ang respeto ng mga tao.
ngayon bukas na ko sa mga magagndang posibilidad sa buhay. pag iniisip kong muli akong tatapak sa isang paaralan ay hindi na ko tinatakasan ng kaluluwa. marahil, magiging maayos na rin ang susunod kong paglalakbay. nasugatan ako ng pakpak dati ngunit alam kong kailangan kong gamutin ang sugat ko at nang muling matutong lumipad. patungo sa aking minimithing pangarap.
maayos ang pag-iisip ko ngayon. puno ng bagong pag-asa. sana lang magtagal to.
_______________________________________________
marami akong natatanggap na mensahe nitong mga nakaraang araw mula sa mga taong hindi ko kilala. lahat sila nagbibigay ng payo na kailangan ko na raw iwan ang pagiging miserable at mag-move on. sa tuwing nakakatanggap ako ng mga ganitong mensahe, napapangiti ako. akala kasi ng iba madalas ehh nasa suicidal state na ko at kailangan ko na ng enlightenment o kaya ng basbas ng pari. hehe. oO maaring naisip ko na ang magpatiwakal at mag-goodbye world sa tuwing dinadalaw ako ng kumare kong si problema ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y sa isip lamang. kahit kailan hindi ko ito magagawa. maraming dahilan. una dahil nakakatakot din. kung maglalas-las ako, masakit iyon. ganundin ang magbigti. kung over-dose naman, baka di ako matuluyan at sermon tiyak ang aabutin ko kung sakali. pangalawa baka pangit ang maging kalalabasan ng itsura ko sa kabaong ko, di ko naman gugustuhin yun noh. dapat ma-beauty pa rin kasi minsan lang naman ililibing ang isang tao buong buhay niya di ba? pangatlo, maaring tama si pareng bob ulit ng sabihin niyang hindi naman iiyak ang buong mundo para sa isang tao lang. oO, tama iyon, sino nga naman ba ako para iyakan ng buong mundo? hindi naman ako si rizal na nagtanggol sa ating bayan, o si bonifacio na nakipagsapalaran sa digmaan, o si rico yan na nakipag-bolahan sa kaniyang kapwa artista. pero magkaganun man, may pamilya ako. pamilyang alam kong tiyak na siyang unang-unang mag-aaksaya ng ilang bote ng vicks tumulo lang ang luha pag nawala ako. mahal ko ang pamilya ko, at ayokong bigyan silang muli ng pasakit para lang sa isang kabaliwang pag-iisip.
balik tayo sa mga nagsesend ng mga mensahe sa akin. ayun. akala yata ng iba, masyado na akong lugmok sa kamiserablehan ng buhay. dahil lang sa maitim kong profile at miserableng pangalan, at kakila-kilabot na mga photos, nag- 'i therefore conclude that misery is in deep misery' na sila. gusto kong malaman nila na oO, minsan nasasadlak ako sa putikang dala ng pagiging tao, ngunit hindi ibig sabihin nun, hindi na ako marunong tumawa o gawing maayos ang buhay ko. kahit ganito ang buhay ko, nagagawa ko pa rin namang ngumiti sa mga maliliit na mga bagay gaya ng uhm... ewan. basta, un na un. nagagawa ko pa rin namang i-appreciate ang brighter side of life ko. na masaya pa rin ang buhay dahil nakakainom pa rin ako ng pepsi at kape araw-araw. at higit sa lahat alam ko pa rin naman ang ibig sabihin ng salitang pagbabago. hindi ko pa nga lang iniintindi un sa ngayon pero darating din ako sa puntong yun. hindi pa nga lang sa ngayon, o bukas, ngunit darating din ang araw na magagawa ko ng magbago.. for the better of me.
_____________________________________________________
*para lang sa kaalaman ng lahat, ang pangalan kong misery ay isa lamang panlinlang. nabasa ko ang nobela ni pareng stephen king na misery, naadik ako sa pangalang un kaya yun ang ginawa kong pangalan ng profile ko.^_^
hai dont wori 2l..even lagi taung binibisita ni kumare and kumpadreng chaka problem...ew we must stil stand up..kahit arthritis na buong lyf natin..and dont ever suicide...kasi mahirap pla...muntik ko na nga ring i-try...di pla exciting...ka2baliw tlaga...and never b alone kasi naka2cra tlaga un ng utak..u know...hey,ghurl kaya natin ang pesteng lyf na 2 noh..ok lang na mag cry..isang drum na nga luha ko eh..di bale la namang limit
ReplyDeleteun...we're both tired..too much exhausted na sa lintek na lyf na 2...la naka2intindi sa atin..di rin natin maintindihan self natin..hirap dba? kung puede nga lang pakiusapan na si kamatayan na kunin na tau..huh..but..may future pa eh..trintraydor tau ni kamatayan..yaw tau kunin..pinapahirapan pa tau lalo..kainis diba?..hatreds,frustrations..sickness..stupidity...u know..pero lam mo..ngaun ko lang na realized kng gaano NYA ako ka love..I KNOW NOT ALWAYS ANDYAN ANG FAMILY KO AND U TO SUPPORT MAY KA EK EKAN PROBLEMS...dats y we Nid 2 b matured enough and learn to keep on hOldin' to HIM..LUV U 2L...JUZ CALL ME IF CNECGE KA NA2MAN NG KABALIWAN MO..HAHA..JOWK!MISS YAH...
uuuyyyyy! drama ka na naman. haha. you're right girl. kaya na tin ito. we have HIM, and we have each other. tatalunin natin ang mga problemang iyan! dahil tayo ang super twins! waaah! chaka! mais! hehehe.
ReplyDeleteHehehe...
ReplyDeletesbi na nga ba eh! Dahil lng dun sa libro na yun ni Stephen King kaya misery yung name mo...
Anyway, tama ka naman eh.. Minsan na nga lng mamamatay ang tao, pangit ka pa.. Kaya ako, never kong pinangarap na maglaslas or tumalon sa isang building..
Sabi nga ng prof ko, kung gusto mo daw talagang magpakamatay, dapat sa may carotid pulse sa may leeg para para maubusan ka kagad ng dugo.. Iyon daw mga taong naglalaslas ng pulso, "papampam" lang daw 'yun. Gusto lang nila magkaroon ng atensyon kaya nila ginagawa iyon.
At hindi porke malungkot ang mga sinusulat ng isang tao, lugmok na lugmok na ang pakiramdam niya. May mga pagkakataon lang na gusto nating maging 'emo' paminsan-minsan tulad ko.
Ang tingin nila sa 'kin, masayahin akong tao pero bibihira ang may ideyang ganito ako magsulat. Minsan bangag. Minsan parang tumikim na droga na kahit na never ko yong gagawin..
Ganito lang siguro talaga ang mga tao..
Hindi lahat kayang intindihin ka...
Nga pala, thanks sa mga comments mo ha..
Na-appreciate ko tlaga..^_^
+okay lang un..+
ReplyDelete+know that i will always understand..+