may mga bagay akong nagawa na hindi ko sinasadyang makasakit ng iba. mga bagay na akala ko ok lang dahil iyon ang pananaw ko, mali pala. hindi pala ako dapat nagpadalus-dalos. hindi pala ako dapat nagmadali. hindi ko pala kailangang tumakbo. dahil sa huli, ako rin ang madadapa. ako rin ang masusugatan. ako rin ang masasaktan.
nagtampo ako sa aking mga kaibigan. nasaan sila sa mga sandaling kailangang-kailangan ko sila? nasaan sila nung mga sandaling kailangan ko ng karamay? ng makakausap? pero naisip ko, hindi lahat ng problema kailangang iasa sa kanila.
mahilig ang mama ko sa videoke. madalas sabay kaming kumakanta. sabay naming inaawit ang mga paboritong awitin na kahit sablay ay tunay namang nakakapagpasaya. kapag tinatanong niya ako kung anong gusto kong awitin niya, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kislap ng kaligayahan. kasiyahang tulad ng sa isang musmos na binigyan ng lollipop. pero alam ko na sa likod ng mga matang buhay at masaya ay nagtatago ang kalungkutang siya lamang ang nakakaalam. mga pait at pasakit na idinulot ng mga awiting hindi natapos. nawalan ng tono. maging ng liriko. pait ng awiting siya lamang ang nakakarinig. siya lang ang umaawit.
mabait ang papa ko. maunawain. hindi siya nananakit ng pisikal. tunay na amang maituturing. pero ang lahat ng magagandang katangian, minsan humahantong din sa hangganan.
kasalanan ko ang lahat. hindi ko iyon ipagkakaila. nagkamali na naman ako. kung bakit ganito ako. hindi ko alam. o mas tamang sabihing alam ko ang dahilan. ayoko lang tanggapin. ayoko lang damhin.
+++++++++++++++++++++++
'alam mo, namimiss ko na ang batang ikaw.' ang sabi ng papa ko. nasa tuktok kami ng bubong ng mga sandaling iyon. madilim ang paligid. malalim ang gabi. dun ako dinala ng mga paa ko pagkatapos ng kaguluhang naganap.
'ang batang puno ng pangarap at ambisyon sa buhay' patuloy lamang ako sa pagluha. ni hindi ko man lang siya tiningnan o sinulyapan man lang. ngunit nakikinig ako sa bawat salitang binibigkas niya. tumatagos ang lahat ng iyon sa aking pagkatao.
'naaalala ko pa ang mga pangarap mong iyon. hindi iyon nawawala sa puso ko. at hindi iyon mawawala kailanman...'
'nasaan na nga ba ang batang iyon? hindi ko na makita sa'yo ang batang iyon. wala na ni anino man lang.. gusto kong intindihin mo na hindi sapat ang minsang pagkabigo para sirain mo ang buhay mo. hindi ko alam ang nararamdaman mo. ang iniisip mo, dahil hindi ka nag-abalang buksan ang puso at isipan mo sa amin. hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa'yo.'
patuloy lamang ako sa pagluha.
tama ang aking ama.
wala na ang batang sinasabi niya.
kahit ako, hindi ko alam kung ang batang iyon ay totoo o maaaring isa lamang bunga ng mapaglarong imahinasyon.
buhay ko ito. lahat ng gagawin ko ang huhulma sa kinabukasan ko. ako ang susulat ng sarili kong kinabukasan. gagamit ba ako ng eraser para burahin ang mapait na karanasan at nang maging malinis ang pagbabago o patuloy na gagamit ng nagtataeng bolpen at ipagpatuloy ang nasimulan nang maduming pagkatao? ako rin ang magpipinta ng sarili kong pag-asa. bughaw at hindi itim. nasa akin ang desisiyon. nasa akin ang pagkakataon. ang huwag nang manatili sa kinatatayuan. kailangan lang ng isang hakbang patungo sa pagbabago...
+++++++++++++++++++++++++
i am feelin' blue.
HINDI KO ALAM KNG ANO AND PUEDE KNG I-COMMENT..IKAW LANG ANG NAKA2ALAM KUNG PAANO MO ISO2LVE LAHAT NG YAN...I KNOW U CAN DO IT..U CAN PROVE IT...SISIKAT DIN TAU..WAHAHA...TAKE CARE..
ReplyDeletehaha. ganun. pero atleast may clue ka na siguro kung ano naging problema namin ng tatay ko. now it's time to tell me yours. masyado ka nag-iinarte nung nakaraang araw. hekz.
ReplyDelete