gising sa hatinggabi. binalot na ng kadiliman ang ating kapaligiran. payapa ng nananaginip ang bawat isa sa ilalim ng kani-kanilang mga kumot. ngunit heto ako, nag-iisa, gising na gising habang tulog na tulog naman ang mundo. nag-iisip...
kanina ko pa pinapapak etong chicken adobo na sinasawsaw sa bagoong dahil lasang expired. ewan ko ba. kakaluto lang naman neto kanina pero lasang expired na talaga. pagtyagaan. kanina pa ko gutom e. eto mga napapala ng mga naghuhunger strike, nakakakain ng kahit hindi expired e lasang expired naman na pagkain. pero ok lang, no choice e. sasabayan ko na lang eto ng paborito kong energy drink: PEPSI! sabi nga ni luiren minsan (miss ko na siya, dko na kxe xa ntetex sa globe e. walang panlod bru!pambihira naman kxe sa mahal ang unli!) ayun, balik tayo sa sinabi nya, kung nailuluha lang daw ang mga iniinom naten, malamang pepsi ang lumabas na luha ko. hehe. malamang nga. kaya mula ngayon dapat water therapy na tayo... kung nde, naku. teka, kung magkaganun nga, e panu yan, e di ung mga babies gatas ang iluluha nila at ung mga mahilig tumagay, e anu pa? di ba? hehe.
ayan, natapos din. ayos. solve na. hihintayin ko na lang ang mga consequences ng ginawa kong paghuhunger strike na nauwi sa pagkain ko ng lasang expired na adobo na malamang mauwi rin sa LBM ( kung expired nga. eew. gross.) at sa pagsalubong sa galit ng nanay ko dahil amoy bagoong na ang keyboard at mouse neto. eew.
o sya sige. bago pa ko maexpired dito sa kakabanggit ko sa salitang expired, eto la-log-out na. matulog ng mahimbing mga kaibigan. piZawT!mwaah!*wink*
No comments:
Post a Comment