Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, June 10, 2007

if only tears could bring you back.

kanina lang, habang pinapanuod ko sa pangalawang pagkakataon ang polar express sa star movies, bigla naming napag-usapan ng mga kapatid ko ang tungkol sa isang mahalagang bagay. nasa scene na kasi kami kung saan nawala nung bata ung maliit na bell na bigay sa kaniya ni santa. sabi ng kapatid ko, kung ikaw ang  nasa kalagayan niya ano ang gagawin mo..?  sabi ko naman, siguro maglulupasay  ako sa kaiiyak.  ang sakit kaya nun.  isang mahalagang bagay  mula sa isang mahalagang tao sa napakahalagang oras at pangyayari, mawawala, bato ka kung di ka man lang masaktan dun. kahit sabihing maliit na bagay lamang iyon. at kahit sabihin pang pwede namang mapalitan. oO nga, pwede un, pero iba pa rin talaga ung tunay. may halaga. may sentimental value 'ika nga.
sa katunayan hindi naman talaga un ang punto o ang nais kong sabihin sa post na 'to. nabanggit ko kasi na kapag nawala un, masasaktan ako at maglulupasay sa kaiiyak. ayun. iiyak ako. tama. un nga. pagkatapos kong sabihin un, bigla akog napaisip, para san nga ba talaga ang mga luha..?
kapag nasasaktan tayo, umiiyak tayo. inilalabas natin ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng mga luha. hindi ba..?
pero bakit pag natutuwa..? hindi ba't minsan sa labis na kaligayahan napapaiyak din tayo..? kapag halos hindi mo na makayanan ang labis na tuwa, at wala ka nang mapaglagyan nito, hindi mo mamamalayan lumuluha ka na..? tama di ba..?
ngayon hindi ko na maintindihan kung ano ba ang luha. kung anong silbi nito. para san nga ba talaga ito..? sa sakit o sa tuwa..? bakit tayo lumuluha sa parehong pakiramdam na iyon na lubhang magkaiba..? bakit nga ba..?
________________________________________________________________________
hay, ewan. nawawala na naman ako sa sarili ko kaya kug ano-ano pinapopost ko. ibang klase talaga ang epekto ng katol. nakow.

2 comments:

  1. ang luha ay isang instrumento para maipahayag ang nararamdaman.katulad ng pagkain ng marami, pwedeng masaya ka kapag kumakain ng marami, pwede nmng malungkot ka kaya kumakain ka ng marami.isa itong pagpapahayag,walang pinipili kung malungkot o masaya.ang luha ay emosyon, para sa kahit anong bagay, oras, okasyon, o pagkakataon.parang katulad ng "walang tama o mali".

    ReplyDelete
  2. People should read this.

    ReplyDelete