Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Tuesday, December 15, 2009

*make a wish...*

'today, jen, yana and i made a wish on a wishing well..



jen: wala namang masama kung maniniwala tayo di ba?


_______________________________________________________


ikaw: "kung ikaw ay isang bulalakaw, bago ka tuluyang maglaho, ipipikit ko ang aking mga mata at dadamhin ang ligaya na hatid.."


ako: "kung ako ay isang bulalakaw, bago ako tuluyang maglaho, hayaan mong ako ang maging daan upang matupad ang mga kahilingang iyong ibinubulong sa kalangitan.."



*sana matupad.

Tuesday, December 1, 2009

'isang gabing kaguluhan..

I WANNA HOLD YOUR HAND
:The Beatles


Oh yeah, I´ll tell you something
I think you'll understand
When I say that something
I wanna hold your hand
I wanna hold your hand
I wanna hold your hand


Oh, please, say to me
You'll let me be your man
and please, say to me


You'll let me hold your hand
Now let me hold your hand
I wanna hold your hand


And when I touch you i feel happy, inside
It's such a feeling
That my love
I can't hide
I can't hide
I can't hide


Yeah you, got that something
I think you'll understand
When I say that something
I wanna hold your hand
I wanna hold your hand
I wanna hold your hand


And when I touch you I feel happy, inside
It's such a feeling
That my love
I can't hide
I can't hide
I can't hide


Yeah you, got that something
I think you'll understand
When I say that something
I wanna hold your hand
I wanna hold your hand
I wanna hold your hand
I wanna hold your ha-a-a-a-a-a-and


 







Across The Universe Ver.

Thursday, November 5, 2009

'ikaw nga siguro un.,

'nandito na ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

...

na-miss kita.

ng sobra.

.

.

.

itutuloy...

Wednesday, September 16, 2009

B R O K E N



I AM BROKEN.


sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ung pakiramdam na talagang wasak. ni minsan hindi ko naisip na wasak ako. pakiramdam ko kasi masyadong exaggerated un para sa isang pagkabigo lang. nasasaktan ako. madalas. nitong mga nakaraang araw. pero hindi wasak. ngayon lang.


masyadong matindi ung pakiramdam. UNG TIPONG BASAG KA NA, DUROG KA PA. ung tipong kahit ikaw mismo nasusugat na sa sarili mong bubog. ung tipong kahit anong gawing pagtagpi-tagpi sa nagkabasag-basag mong bahagi, hindi na kailanman maibabalik ito sa dati.


BROKEN.



SHATTERED INTO PIECES.


hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. kung ano ba ang dahilan. ang alam ko lang masyado talagang matindi itong pakiramdam. ung tipong gusto mong pagsusuntukin ung pader, o pagbabasagin lahat ng babasaging gamit, o pagtatadyakan lahat ng bagay na maabot ng mga paa mo sa tindi ng emosyon na nararamdaman mo.


ito lang ang totoo sa ngayon. hindi sapat ang pagtipa lang ng mga letra at paglalarawan sa pahinang ito ng mga nararamdaman ko ngayon. hindi ito sapat. gusto ko ng mas matinding paglalabas ng emosyon. higit pa sa paguukit [ng paulit-ulit] sa pangalan ko sa kaliwang kamay ko. higit pa roon. mas matindi. gusto kong mandamay ng iba sa nararamdaman ko ngayon. isisi sa lahat itong miserableng pakiramdam na 'to. hilahin kahit ang pinakinosenteng tao sa madilim na bahaging ito ng pagkatao ko.


hindi ito sapat.


hindi ito kailanman magiging sapat.


gusto kong sumigaw ng malakas. ung tipong maririnig ng buong mundo ang sigaw ko sa sobrang lakas nito. gusto kong umiyak. ung hindi lang simpleng pag-iyak o pagtulo ng luha. gustong humagulgol. umatungal. haha. gusto ko. gusto kong umiyak...


gusto kong hiramin ang balikat mo, pero natatakot akong baka masugatan ka sa mga bubog ko.


gusto kong hawakan mo rin ang mga kamay ko tulad ng pagkakahawak ko sa'yo.


gusto kong yakapin ka. ng mahigpit. ung tipong mararamdaman kong hinding-hindi mo ako pakakawalan sa pagkakayakap mo.


gusto ko ring punasan mo ang mga luha ko, tulad ng pagpupunas ko ng sa'yo.


gusto kong malaman mo, na wasak na wasak ako ngayon.


at marahil, dahil iyon sa'yo.



___________________________________________________________


YOU'RE IN RUINS.


~ 21 guns/green day


Sunday, September 13, 2009

Excerpt

'hindi ako magkwekwento ngayon. [sabagay, kelan ba ako nagkwento?] haha. puro pahaging lang naman. puro "excerpt" ng nobela ng buhay ko. toinks. korni.


hindi pa rin ako magkukwento. pero gusto kong maglabas ng nararamdaman ko. un naman talaga ang madalas na dahilan pag napapadpad ako dito..


arianne: ayoko sa sobrang masaya. dahil may kapalit.


tama siya. at ung kapalit na un. masahol pa sa pinakamasakit na pakiramdam. ibang klase talaga dumiskarte ang tadhana. papatikimin ka ng saya, tapos sa isang iglap biglang babawiin. parang pinaglalaruan ka lang. pinagtritripan. at nakakabadtrip madalas. un tipong gusto mong isumpa ang tadhana sa nakakaasar na joke niya.


nakakadepress nitong nakaraang araw. at hanggang ngayon hindi pa rin naaalis ung pakiramdam. ung matinding pakiramdam na kapag nakakita ka ng syringe e gugustuhin mong mag-aspirate nan sarili mong dugo. o kaya naman gawing parang puno ung kamay at kahit ano pang parte ng katawan at iukit ang kahit ano mang maisipan mong iukit. o i-drawing kaya. ang sa'kin, ung pangalan ko. LIAN. toinks.


*natatakot ako sa sobrang masaya. at sa maaaring epekto nito.


at andito na nga ung nakakatakot na epekto. ung emptiness na kahit anong gawin mong pagpuno, ayaw pa rin mapunan ung pakiramdam. nananatiling empty. hollow. butas. hungkag. at kahit anong gawin mong takip, susungaw pa rin ung totoong kalagayan. ung tipong kahit tumawa ka ng tumawa sa pinakakorning jokes at kulang na lang e batukan ka ng kung sino man dahil hindi naman talaga nakakatawa ung joke ipakita lang na masaya ka. na hindi hungkag ang pakiramdam.


pero sa huli, sarili mo lang ang niloloko mo.


sarili mo lang ang dinadaya mo.


sarili mo na nga gagaguhin mo pa.


haay. hindi ko masabi ung talagang nararamdaman ko. ganun nga siguro talaga. pag masaya ka, madali lang isalarawan ung pakiramdam. pero pag malungkot na, at nasasaktan kahit anong klaseng mga salita pa ang gamitin, mahirap pa ring ipaliwanag. mahirap ding intindihin. dahil ako, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kailangang maramdaman ang mga ganitong pakiramdam. bakit nga ba.



 


NP: Half Life - Duncan Sheik







 


 

Sunday, September 6, 2009

Thursday, September 3, 2009

'MAPUTIK NA ARAW

'naglakad lang kami sa sangkatutak na putik ni leslie sa bundok. katatapos kasing umulan. at bundok un. kaya natural na maputik. at kahit maputik, no choice. kailangan naming maghanap ng maiinterbyung family para sa lintek na FNCP ni ser mito. kaya aun. maputik. sobrang putik. nakakaputik ang lintek na maputik na araw. putik!


hindi naman ako masaya. nung isang araw malamang. haha. hindi rin ako malungkot. hindi rin naman gumagana ang [hindi talaga gumagana]ng utak ko. pero, wala lang. gusto ko lang talagang magpost ngayon at ilabas lahat ng nasa isip ko. mga bagay sa utak ko [may kwenta man o wala]..


pakiramdam ko lang kasi kailangan kong maglabas. ung tipong kailangang may masabi ako. kahit ano lang. dahil pakiramdam ko sasabog ang buong pagkatao ko pag patuloy akong nanahimik. pakiramdam ko, kakainin ako ng kung ano mang kalawang sa sistema ko ng buong-buo. pakiramdam ko galit ako. sa anong dahilan? hindi ko alam. pero hindi rin. pakiramdam ko lang marahil ito tulad naman ng madalas mangyari. puro pakiramdam lang. walang sapat na dahilan. walang sapat na basehan.


pero para sa akin, sapat na ang isang pakiramdam lang para paniwalaan ang isang bagay na walang sapat na dahilan. walang sapat na basehan. dahil may tiwala ako sa nararamdaman ng kinakalawang kong sistema. at sa putik.


___________________________________________________________________________


*kunwari lang.



"I'm stuck in a coma, stuck in a never - ending sleep. And someday I will wake up and realize I gave up eveything..."


~ Can't be Saved by Senses Fail


Wednesday, August 26, 2009

Shadows and Regrets

'kani-kani lang. mga milliseconds ago, nagso-sort out ako ng mga letters and cards na natanggap ko mula sa kung kani-kaninong mga kaibigan at ka-ibigan [weh intriga? hehe]... puno na kasi un lalagyan ko, kaya naisipan kong tanggalin na ung mga [hindi] naman gaanong memorable. wehehe. ung mga tipong napadaan lang sa mail box at nagkataong sa akin naka-address [gaya ng mga sulat na galing sa Student Affairs Office ng SLU, sulat na galing sa SAO ng SLU, sulat na galing sa Student Affairs Office ulit ng SLU.. ahm, madami pang sulat galing ng SAO dahil sa madaming absences ko noon, haha].

syempre para ma-sort out ung mga dapat at hindi dapat pakikinabangan ng posporo, binabasa ko muna. at tinitingnan malamang kung kanino nanggaling. and it felt good na mabasa muli ung mga un. it reminded me a lot of memories way way back ages ago. [ano daw? mukhang redundant? ewan. haha. basta un..]


natawa pa ako sa letter nun unang [ka-ibigan] ko. haha. ngayon ko lang napansin na SOBRA pala sa pagka-wrong grammar nung sulat niya. haha. natawa talaga ako. at nakaka-turn off pala. [naalala ko tuloy ung isang tanong sa survey. haha]

but a particular set of letters ang mas nakakuha ng atensyon ko. marami un. galing kanino? galing sa EX-BESTFRIEND ko. binasa ko muli ang lahat ng iyon. iba-iba ang tema. iba-iba ang kwento. may masaya. may malungkot. may galit. lahat na yata ng emosyon nasa mga sulat niya. at pakiramdam ko naiiyak ako. [The Longest Story ng Daphne Loves Derby pa man din ung tugtog habang nagbabasa ako] kaya talagang nata-tats ako. haha. pakiramdam ko, napasok ako sa isang time machine o kaya sa PENSIEVE ni Dumbledore kung saan nakalutang ang mga ala-alang naiwan ng mga sulat na iyon at nagbalik ako sa mga oras na magkasama pa silang dalawa. siya at ako. at pinapanuod ko sila. parang pelikula. parang dula.

at sa mga oras na ito, mahirap aminin pero nami-miss ko siya. hindi ko naisip o naramdaman man lang nuon kung gaano ako naging mahalaga sa kaniya. o kung naging mahalaga man lang ba siya sa akin. pero ramdam ko na ang lahat ngayon. ngayon kung kelan huli na ang lahat. naisip ko tuloy, ano ba ang nangyari sa amin. bakit nawala ung magandang samahan. ung pagkakaibigan. pero ganun din siguro talaga. lahat ng bagay may hangganan. gaano man kaganda ang bagay na un. lumilipas din. kinakalawang. natutuyot. natutunaw.

Best,

imposibleng mabasa mo pa ito. pero makikipagsapalaran na rin ako. baka sakaling mapadaan ka, kaya sasabihin ko na rin lahat. hihingi na rin ako ng tawad. kasalanan mo, o ako, di bale na. ang mahalaga, napatawad na kita sa kung ano mang nangyari noon. at sana mapatawad mo na rin ako. pero ganun, mahirap mawalan ng tiwala. lalo na sa taong nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay mo. ganun lang ung naramdaman ko. kaya naipon ang lahat ng galit na 'to sa loob ko. pero mula ngayon, pinapalaya ko na iyon. para sa'yo at para sa'kin. hindi na maibabalik ung dati, alam ko iyon. pero sa pamamagitan nito, sana makapagsimula tayo ulit. mapulot ung mga nagkalat na alaala, maipagtagpi-tagpi ung nasirang pagtitiwala at nang mabuo ulit ang pagkakaibigan natin. sana.

Now Playing: Shadows and Regrets by Yellowcard

"And we were only kids and our time couldn't end. And how tall did we stand with the world in our hands. And we were only kids, and we were best of friends, and we hoped for the best, and let go of the rest. Shadows and regrets, we let go of the rest.."

Friday, August 21, 2009

*old school ;)

'may mga sandaling pakiramdam mo ang manhid manhid mo na. ung tipong wala ka na nga talagang maramdamang kahit ano [saya, sakit, takot, galit..] wala lang. parang hangin lang sa pakiramdam. un bang pakiramdam mo nasobrahan ka na sa mga kung anu-anong emosyon at wala ka nang mapaglagyan sa sarili mo kaya namamanhid ka na.. naranasan niyo na rin ba un?


If you'll be my star, I'll be your sky
You can hide underneath me and come out at night
When I turn jet black and you show off your light


I live to let you shine
I live to let you shine


You can sky rocket away from me
And never come back if you find another galaxy
Far from here, with more room to fly
Just leave me your stardust to remember you by

hmm. pakiramdam ko kasi ngayon ganun. haha. weird. hindi ko alam kung bakit. ganun lang siguro talaga ang kalakaran sa katawan natin. minsan tinotopak din. o baka tama lang ako sa teorya kong nasobrahan na sa pakiramdam kaya namanhid na. sabi nga nila [pansin ko mahilig ako sa sabi-sabi ng iba..] "feel 'til you couldn't feel it anymore.." [dunno the exact words, but it's something like that.


 


 


If you'll be my boat, I'll be your sea
Depth of pure blue to proke curiosity
Ebbing and flowing, and pushed by a breeze


I live to make you free
I live to make you free


And you can set sail to the west if you want to
Pass the horizon 'til I can't even see you
Far from here, where the beaches are wide
Just leave me your wake to remember you by

tama naman di ba? pero... naranasan mo na ba? ung akala mo manhid ka na. di mo na nga maramdaman e. lalo na ung pinakamasakit na pakiramdam [kagat ng langgam], pero mapapansin mo na lang, di mo namamalayan, umiiyak ka na pala. at ung ibinalot mong pagkamanhid natuklap na. tuloy-tuloy nang dumadaloy ung mga UNWANTED EMOTIONS na kahit anong gawin mong pagpipigil, hindi mo na mapigilan. patuloy lang na humuhulagpos. at sa bandang huli, maiisip mong: MAS MASAKIT PALA ANG MAGING MANHID.


_____________________________________________________


*naka! na naman?! *menthol, menthol~!*


_______________________________________


CREDITS: BOATS AND BIRDS by Gregory and The Hawk







Friday, July 17, 2009

a dreamer's lullaby =(

'pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan natin, nag-text ka.. nagtext ka na para bang walang nangyari. na para bang hindi ka nagdulot ng storm signal number 4 sa damdamin ko. ung tipong binasag mo ung puso ko, taz napadaan ka, pinulot mo ung mga pira-pirasong salamin nito at inilagak sa mga palad ko..

ikaw: gusto kong umiyak. ang laki ng problema ko.

nagreply ako. [hindi ko natiis sa totoo lang]

ako: e di iiyak mo. kung un ang makakagaan sa kalooban mo.

un na ang muling simula ng palitan natin ng mga mensahe. masaya ako. syempre, naalala mo ulit ako e. at kahit may sakit ako, tila ba biglang naging mabuti ang pakiramdam ko. ganyan ang epekto mo sa akin.

inalo kita. nakinig ako sa mga problema mo. sa mga hinaing mo sa buhay. wala man akong magawa kundi ang magbigay lang ng kaunting mga "words of wisdom" masaya naman ako na naging bahagi ako ng buhay mo sa mga oras na kailangan mo ng masasandalan. ng maiiyakan. ng kaibigan.

at mas lalo pa akong naging masaya nung sinabi mong basta andito lang ako para sa'yo, ayos ka na...

pagkatapos lang ng mga siguro .0001 seconds [ndi eksakto yan. mas mabilis pa jan ung nangyari]...

nagtext ka ulit.

ikaw: ok na ako. nabuhayan na ako ng loob.

ako: e di ok :)

1million years ang nagdaan.

wala ng reply.

hintay pa ako.

baka busy lang.

1million years pa ulit.

...

....

.....

......

wala na nga siguro talaga.

hindi ko na hinintay na magreply pa siya.

sawa na rin akong maghintay.

nangako ako sa sarili kong hindi na ako maghihintay.

hindi na aasa.

kung matutupad ko ang pangako kong ito, hindi ko lang alam. mabuti nga kung magawa ko. pero kung hindi man, sabi nga nila "promises are made to be broken.." di ba.

marami pang buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago ko naisip na. siguro nga, talagang andyan lang siya pag kailangan niya ng sandalan. ng maiiyakan. ng pakikiramay. ng kaibigan.

minsan gusto kong hilingin na sana hindi na lang maging maayos ang mga problema mo. na sana lagi ka na lang malungkot. laging iiyak. laging lugmok. dahil sigurado, pag ganun ka, nandyan ka din para sa akin. hindi mo ako iiwan. hindi mo ako pakakawalan. hindi mo ako bibitawan.

pero hindi ako makasarili.

at higit sa lahat, ayokong makita ka ng walang ngiti sa iyong mga labi.

kaya kahit masakit sa kalooban ko.

na iwan ako.

at maalala lang kapag iniwan ka na ng buong mundo mo..



andito pa rin ako para sa'yo.

ibibigay ko ang buong mundo ko para sa'yo.

sa ganung paraan, pinasaya mo na rin ako.

"I can't see me, or someone I used to be..

I can't see you now or someone who used to be you.

Are you someone new?

Are you someone I used to know?

Have you been there before?

Have you seen me before?..."

~ Porcelain-Sunrise by Paramita

Tuesday, July 14, 2009

unwanted dreams.

"when a heart breaks, no, it don't break even..." sabi ng The Script sa kanta nila. wala lang. nagustuhan ko lang un linyang yan. wehe. naka-relate ba? hmm.

 last night, i received the greatest rejection i have ever experienced. di ko na idedetalye. talk about privacy. haha. basta un na un. gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko dito. [at pagplanuhan na din kung paano ko siya i-e-eliminate sa mundong ibabaw..] *evil laugh*




kung sino man siya.. bahala na si kira sa'yo. **** ka..! hehe. joke lang. i am angry. i mean, not just angry. siguro lahat na ng negative emotions, naramdaman ko na para sa'yo. un tipong, mamayang gabi, i would creep in your room [with a hatchet in hand...


and chop down your body into pieces. tipong ryuugu rena. taz isisilid ko every pieces of you sa isang garbage bag and ***************************] ok. tama na un. masyado ng morbid.



*sigh* i was really hurt of what you did. kung na-receive mo un sms ko, tama naman lahat ng sinabi ko di ba? sana sinabi mo na lang ung totoo. nung una pa lang, ilang beses ko ng binanggit sa'yo na hindi mo dapat sabihin ung mga bagay na taliwas sa nararamdaman mo. isa lang naman hiningi ko sa'yo e. UNG TOTOO. hindi ung mga kasinungalingang *magpapasaya nga sa akin.. pero dobleng sakit ang kapalit sa huli..*

sabi ko matured na ako. di ba nga, kahit anong mangyari, masaktan man, ok lang un. tatanggapin ko. pero sabi nga nila "easier said than done.." 

pero ok naman kasi lahat sa pagitan natin e. nung friday pa nga, masayang-masaya ako. we talked about dreams and you said *for the first time* the sweetest words i have ever heard. hindi ko lang maintindihan na in just a matter of days, nagbago na ang lahat. para bang bigla kang nauntog tapos nagka-amnesia ka na.

*sarap mo tuloy iuntog nang pagkalakas-lakas gang sa magkabasag-basag yang bungo mo at maglabasan yang utak mo..!*



waaa~ ngayon lang ako nag-isip ng ganito ka-morbid! dahil lang un sa'yo! see what you've done to me? >.

*sigh ulet* ganyan lang siguro talaga. gusto kong ilabas lahat ng galit ko. as in galit talaga ako! hehehe. ang lakas ng naging epekto mo sa'kin. to the point of breaking down and do murderous things!

but whatever it is that's happened, honestly, nagpapasalamat din naman ako sa'yo. dahil sa'yo, nagbago ako [for the better..] at malaking bagay un para sa'kin. di ba nga, sabi ko kasi sa'yo, i wanted to be the best for you. kaya un. and i am thankful for that. hindi man siguro naging maganda lahat, at least may nagawa ka naman para sa'kin.

pero aun nga. i still hate you for what you did. HATE IS AN UNDERSTATEMENT actually.
i just cant understand how you let people in one minute then throw them away the next. and i will never really understand how a love so strong could turn into hate in a blink of an eye. 

pero sa hinaba-haba ng sinabi ko, isa lang naman ang punto ko. sana sinabi mo na lang na WAG NA, kesa naman OK LANG. o kaya, AYOKO kesa naman, SIGE, PROMISE. or SORRY, HINDI KITA GUSTO. kesa umaalingawngaw na GUSTONG-GUSTO KITA. SUMOBRA NA NGA YATA EH. kung sinabi mo lang ung totoo. maiintindihan ko naman e. makulit ako, oO. madalas pa nga. pero marunong din akong umintindi. marunong din ako tumigil. marunong din akong masaktan..

tanong ni jen: "iniyakan mo na siya?"
sabi ko "hindi. bakit naman?"
"kahit un mag-isa mo lang, ung walang nakakakita ganun?"
"hindi..."

na-realize ko. napakasinungaling ko pala.
kasi naman.
nakakahiya mang aminin.
MINAHAL TALAGA KITA.

ikaw: "hanggang kailan?"
ako: "ewan ko. pwedeng umabot ng isang buwan, isang taon, isang milyong taon, isang araw, isang minuto, isang segundo. hindi naman natin masasabi kung anong mangyayari sa hinaharap."
ikaw: "oO nga. tama ka."

jewel: "for how long?"
bernard: "ENDLESSLY."

pero tapos na. ang problema ko na lang e kung papaano kita kakalimutan. but i've been through this countless times. ibig sabihin, malalagpasan ko din 'to. pero sa ngayon, magpapakalunod muna ako sa sakit na nararamdaman ko. dahil kahit naman anong gawin ko, hindi ko naman agad-agad maitatapon lahat ng pinagsamahan natin. pero sana, maisip mo ang lahat ng ito. na lahat ng mga sinabi ko totoo. walang pagkukunwari. at itatak mo sa isipan mo HINDI KA NA MAKAKAHANAP PA NG KATULAD KO..! hahaha. *pampalubag loob lang*

ang kumontra?


sige. gang dito na lang. paano ba yan.
*sigh*

"hindi talaga dapat mine-memorize phone numbers ng kung sino-sino. dahil kahit idelete mo pa siya sa list of contacts mo, dahil ayaw mo na siyang itext o tawagan, useless pa din. niloloko mo lang ang sarili mo.."

SAYONARA~



*finally. sigh*


~THE END~


Tuesday, June 30, 2009

Why ~Secondhand Serenade~

happy again?

_________________________________________________

'Why do you do this to me?

Why do you do this so easily?

You make it hard to smile

because..

You make it hard to breathe.

Why do you do this to me?

______________________________________

*kanina lang bagong buhay.

ngayon bumabalik sa dating kulay.

weird nga.

'new me. weh ^0^

'hay. sa wakas, naayos din. tsk.
bagong kulay. bagong header. bagong buhay.
mas maliwanag ngayon. tsk.
but i still prefer the black one. something dark. and creepy..
and mysterious.
kung di lang may problema un isang layout.
sige na nga. para maiba naman.

di bale..
masaya naman.
ang buhay. haha.

hwaa~
i can't believe i'm saying those words.


weird...



one moment. one you^^ haha, ano daw?
one moment, one you. :DDD

Sunday, June 21, 2009

crack the shutters

'ok. i am happy.

or should i say i WAS happy.

it had been good.

everything's okay.

everything's just the way i had wanted it to be.

and i am happy.





and then i saw it.

read it.

felt it.

and all i wanna do is break down and cry.

i don't know why.

and before i even knew it

i am crying.

real hard.

and i can't seem to stop.



and it felt good.

i was drowned in my own happiness that i have forgotten how good it felt to cry.



"your hills and valleys are mapped by my intrepid fingers. and in a naked slumber, i dream all this again..."

~ crack the shutters, snow patrol

Thursday, June 18, 2009

'goodbye friendship, hello heartache by cinematic sunrise

'mushy. everything is mushy these days. mula sa kanta hanggang sa mga salitang ginagamit. at nakakairita na. alam mo un? ung tipong sobrang kinaaayawan mo ung mga kantang ikaw na nga at kung para sa'yo ni willie revillame dahil masyadong baduy, pero aun. andun ka sa sulok, nagsesenti pinapakinggan ang mga kanta niya. at pasabay-sabay pa. ehehe.

parang ako. toinks!
there is this particular someone i like.
ngayon lang ulit nangyari ito.
ung tipong ngayon lang ulit kinilig
tumibok ang puso
na-electric shock
mga ganun ba.
dahil ngayon lang ulit, hindi ko alam ang gagawin ko.
kaya ang nangyari, nasabi ko.
haha, kung di ba naman timang noh.
nung una, ok lang.
friends lang kami. hindi naman ako nag-eexpect ng kung ano. sabi ko pa nga sa sarili ko, mature na ako ngayon mag-isip pagdating sa mga ganyang bagay. malawak ang pang-unawa ko. na basta maramdaman ko lang ito, ok na. i just have to love the feeling, na kahit prends lang kami hindi ako masasaktan.

matured na nga.

nung una.

nung mga sumunod na araw?

wala na.
nahulog na nga ako ng tuluyan.
at narealize ko...

wala palang nahuhulog ng hindi nasasaktan
lalo na at wala namang sumasalo.

kaya ngayon, parang gusto kong pagsisihan ang lahat.
lahat ng mga nasabi ko.
lahat ng mga ginawa ko.
pero hindi lahat ng naramdaman ko.
masakit man tanggapin masaya din naman ako. dahil naramdaman ko 'to. dahil hindi siya lumayo. dahil siya ang nagustuhan ko.
masaya pa rin ako. kahit masakit din minsan.

hindi pa rin pala bato ang puso ko tulad ng sabi ni *insert name here* [lintek lang ang walang ganti. *****! hehehe. *patalastas*] dati.

*sigh*

tomorrow is another day sabi sa commercial.
madalas din sabihin ni conrose yan.
tama nga. baka bukas wala na 'to. sana bukas wala na ang pakiramdam na 'to. at sana bukas siya pa rin ang mahal ko.

*mushy*
*sniff sniff*

Friday, June 12, 2009

kape sa tag-ulan, tag-araw at sa araw-araw

gusto kong balikan ang nakaraan.

nung mga panahong nag-iisa lang ako.

walang kinakapitan.

walang kaibigan.

walang pakialam.

ung tipong dedma lang sa kahit sino.

sa buhay.

at sa kung anu-ano pang mga bagay-bagay.

sabi ko naman kasi, mas masaya ang mag-isa.

hindi ka matututong magpahalaga sa isang bagay

para lang masaktan pag nawalan na ng pagpapahalaga.

hindi ka mahihirapang makibagay.

hindi mo iisipin ang sasabihin ng mga kaibigan mo,

o ng mga taong nakapaligid sa'yo.

hindi ka magmamahal para lang magalit sa huli.

mas masaya ang mag-isa.

titingin paminsan-minsan pero hindi tititig.

mag-aabot ng kamay pero hindi hahawak ng mahigpit.

ipapahiram ang balikat, pero hindi yayakap.

simple lang ang buhay ng nag-iisa.

walang mananakit.

walang mananakal.

walang iisiping iba.

ikaw lang.

at ang..

kape. hmm.

'i am having a hard time dealing with friends lately...

*sigh*

Monday, June 8, 2009

"CRAZY KARTER" SWEET LOVER yeah! : )

TSUPER DUPER by Ang Bandang Shirley

(Crazy Kart Version; Pinas Map Theme)

Kailangan ng konting pasensya ( woh woh! )
Matuto ka na maghintay ( hey hey! )
hind pupuwede na
sugod lang ng sugod
para ang diskarte pamatay


Barya lang po sa umaga
aking pag-ibig ay kalsada
at dahil dito ako’y mananalo
sigurado kasi…


BASTA DRIVER SWEET LOVER..
BASTA DRIVER SWEET LOVER..
BASTA DRIVER SWEET LOVER
yeah..


kailangan medyo maligalig (woh woh!)
galaw galaw baka ma-stroke (hey hey!)
hindi pupuwede na mainitin ang ulo
baka mag ooverheat ang engine mo


REFRAIN:
Barya lng po sa umaga
aking pag ibig ay kalsada
at dahil dito ako’y mananalo
sigurado kasi…


BASTA DRIVER SWEET LOVER
BASTA DRIVER SWEET LOVER
BASTA DRIVER..
( guitar solo na! )


aking pag ibig ay kalsada
at ako ang hari ng daan
dahil dito ako’y mananalo
sigurado kasi…


BASTA DRIVER SWEET LOVER
BASTA DRIVER SWEET LOVER
“CRAZY KARTER” SWEET LOVER
yeah!


'di ako madalas maglaro ng Crazy Kart. pero di ko naman itatangging hindi ko nagustuhan ito. nakakaadik din kaya ito, un nga lang, mas naadik ako sa grand chase. pero aun. dahil mahilig ako sa music, kahit music ng mga games pinapatos ko. pag nagustuhan ko, download agad. hehe. katunayan nga e, may GC OP, GC pvp and trial forest soundtrack ako sa phone. hee ;) ganyan ko kamahal ang myusik^^ at isa sa mga nagustuhan ko ang soundtrack ng pinas map sa crazy kart. sa totoo lang, un ang pinakamagandang map soundtrack (di dahil taga-pinas ako noh) kahit pakinggan mo pa ung ibang soundtrack sa iba't ibang maps, walang tatalo sa pinas. hehe^^ aun lang. kaya sa mga naghahanap ng lyrics aun sa itaas. sa mga meron na, wag niyo na lang pansinin. hehe^^kung gusto niyo namang i-download ung song, dito na lang..

http://www.4shared.com/file/110417659/3434d781/tsuper_duper.html

lumabas na nga ung KAPITAN SINO ni Master Bob, pero gaya ng dati, maghihintay na naman ako ng napakatagal na panahon bago ko mabili un. sigurado. wala pa rin kasi sa NBS sa SM Baguio saka SM Rosales. burr. ang tagal pa. haiz.

sige.

maghihintay na lang ako.

kahit gaano pa katagal.

hindi ako magsasawa.

dahil kahit hintayin man kita ng pagkatagal-tagal na panahon...

alam kong darating ka.

Friday, May 22, 2009

'chocolates and marshmallows...'

'nakakainis di ba? masaya naman ang buhay. kung bakit kailangan pang maging malungkot.. simple lang, kung bakit kailangang maging kumplikado. maayos, pero madalas magulo. ngingiti ka, tatawa, mamaya iiyak.. luluha.

may mga dahilan. kadahilanang hindi maiiwasan. at kahit takbuhan patuloy ka pa ring susundan.. sabi ng karamihan, ganyan talaga. kung ano ang nakatakda, siyang magaganap.. sabi rin ng karamihan, ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran. pero kung ano pa man, badtrip pa rin minsan ang buhay. di lang pala minsan... madalas. at naisip ko rin hindi pala kailangang pumili sa kung ano ang nais mo sa buhay mo. ang sarili mong kapalaran o ang nakatakda na? dahil kung tutuusin, ang ginawa mong kapalaran ang siya nang nakatakda sa'yo. kaya kahit alin man sa dalawa ang piliin mo, iisa lang ang kalalabasan. iisa lang ang kahihinatnan...

masarap ang chocolate.

masarap din ang marshmallows.

gusto ko silang pareho.

pero mas gusto ko ung huli.

katulad mo din.

ano ba ang mas gusto mo?

kung ano man un, yun ang piliin mo.

wag mong piliin ang isang bagay na pinili ng iba para sa'yo.

ano bang malay nila sa gusto mo? sa ikasasaya mo?

dahil pag pinili mo ang gusto ng iba para sa'yo, sa una lang masarap. maiisip mo, masarap kasi nakikita mo silang masaya na kinakain mo ang inihanda para sa'yo. pero sa kalagitanaan, masusuya ka na. hindi na pala masarap. at kahit nakangiti pa sila, at napapasaya mo sila, maiisip mong, mas masarap pa rin kung ikaw mismo ang ngumingiti at nasisiyahan sa gusto mo.

hindi naman "kung sino ang mga napapasaya mo" ang tunay na kahulugan ng buhay mo, dahil kadalasan ung mga napapasaya mo walaring pakialam sa ginagawa mo para sa kanila. kaya ang mas mabuting kahulugan ng buhay mo ung.. "kung masaya ka ba.."

chocolates?

marshmallows?

take your pick...

"sa akin un katulad nung wiggles ba un? chocolate-covered marshmallows.. kumbaga, hitting two birds with one stone 'ika nga.. hehe."

kung gusto mo silang pareho, e di silang dalawa ang piliin mo..

paano?

pag-isipan mo.

kahit alam kong hindi naman kailangang pag-isipan un.

ka-ek-ekan lang kumbaga.

_________________________

NOW PLAYING:





Tuesday, February 3, 2009

OPPOSITES ATTRACT

'nyaa. malapit na naman ang Valentines day. ehe. di naman sa naiinis o naaalibadbaran, pero medyo ahm. ano bang tamang word? asar? hindi naman? bad-trip? nah. basta na lang. nawiwirduhan lang ako kasi halos lahat na lang ng puntahan ko, ang usapan e tungkol sa valentines at sa love.

na sa tingin ko e di naman talaga weird kasi nga buwan ng mga puso ngayon. at ng mga kulang-kulang. yaa! hehe. peace po sa mga ipinanganak ng Pebrero. hee^^ at sa hindi ko malamang dahilan e siya ring paksa ko ngayon. weird nga toinks.

it has been a VERY LONG TIME since I last fell in love. huh. sobrang tagal na nga. at pagkatapos ng huling pakikipagsapalaran ko sa larangan ng pag-ibig di na muli akong nainlab. which I find strange myself. maraming pagkakataon kong naiisip na "hindi naman masamang mainlab ulit..." o "gusto ko uling maramdaman ung masayang pakiramdam ng pagiging inlab..." pero kahit anong gawin ko, I can't make myself fall in love. nah. talaga namang hindi pwedeng pilitin ang pusong magmahal kung talagang ayaw pa nito. darating din ang panahong muli kong mararanasan ito...

pero naisip ko.. kailan pa? pag tuluyan ko nang naisantabi ang ganitong bagay? tapos naisip ko ulit... hindi naman maisasantabi ang mga ganitong bagay di ba? hmm. ewan talaga. sa ngayon, pagod na akong maghintay. tuluyan ko na ngang naisantabi ang bagay na un.

hindi man ako mainlab-inlab. ehe. di naman ibig sabihin na hindi na rin ako nagkaka-crush. *blush* i still feel things NORMAL females feel towards the opposite sex. yaha! pag mga crush madami ako niyan! [karamihan nga lang hindi totoong tao. ung nabuo lang sa pamamagitan ng drawing at mga salita...]

there is this guy I have known for quite a while now. siguro mga dalawang taon na rin kaming magkakilala. close kami. nagkakasundo kasi kami sa maraming bagay.. [now, not all opposites attract right? sometimes + can attract +, too. hehe]. masaya ako pag nakakausap ko siya. lalo na kung tungkol sa mga paborito naming bagay ang pinag-uusapan namin. at mas higit kong gusto pag nagkakaroon kami ng argumento. pakiramdam ko napakatalino ko pag ka-argumento ko siya. [bobo lang talaga siya kaya feeling matalino din ako. wehe..] masaya talaga ako pag kasama siya. siya ang kauna-unahang lalaking naging ka-close ko ng sobra.

lately, I've heard rumors na "sila" na raw ni *insert name here*

hindi ako naniniwala. sabi naman niya, hindi raw. siya pinaniwalaan ko. pero iba na ung pakiramdam ko. parang ahm. masakit sa loob. barkada rin niya ung *girl* [he has his own set of friends of course. as I have mine, too]. hindi ko lang ma-imagine. kung totoo ngang sila. parang ang weird din. hindi sila bagay. that girl is too liberated for someone like him. kyaa~ hindi ko din maimagine kung ano hitsura ni *guyfriend* pag pini-flirt siya ni *girl* [dito na pumapasok ang kasabihang OPPOSITES ATTRACT]. mas effective nga yata un kesa sa + attracts + theory ko. *sigh*

i am not against their *relationship* if ever they have one in the first place. i don't even have a hold on him para ayawan ang kung sino mang magustuhan niya. it's just that, i just felt weird and stupid knowing na may gusto na siyang ibang babae. [i sound like a jealous girlfriend. nyaay.]

sa totoo lang, wala naman akong gusto sa kanya. not even a bit of crush. [err. ok. i once had a crush on him. pero matagal na un. that's history.] kaya di ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I am being possessive, i know. which isn't right. kasi aun nga. I don't have a hold on him. I am just a friend. a stupid friend.

waaa! basta! ang gulo. magulo ako. grrr! naiinis na tuloy ako. di ko alam ang gagawin ko. whenever we're together, all I do is stare at his back [with a murderous threat, hehe]. and it sucks. I can't even be my old self. ewan ko lang kung pansin niya. wala naman siyang sinasabi. o wala lang talaga siyang "paki"...

hmm. ayoko na nga. naiinis lang talaga ako. pagod lang siguro 'to. maghapon kaming naglakad sa ilalim ng araw nina e. [and my stupid EX is asking for an advice regarding his ka-MU daw! grr! of all people sa'kin pa siya hihingi ng advice? nyek. ewan ko sa kaniya!]

*sigh*

*this is a fiction*

wag kayong maniwala sa mga nakasulat dito.

epekto lang 'to ng kawirduhan ng araw ng mga puso.

at nang paglalakad ng maghapon sa ilalim ng araw.

~peace out!~

Thursday, January 29, 2009

'not so bad 2009. eh?

'hmm. 2009 didn't start well for me. bukod sa mga naiwang marka ng nakaraang taon, may mga bagong sugat ulit. pero sana maghilom kaagad 'to at di na mag-iwan pa ng marka.

'but although this year didn't start well, I'm happy enough to know that I have a lot to look forward to this 2009. and I can't really wait for it! Yosh~! time to know what's in store for me^^

6. Capping and Pinning Ceremony. *sigh* I really am not good when it comes to school. napakatamad kong mag-aaral. sa sobrang tamad, heto at inabot ako ng ilang taon bago makapag-capping. paano, lipat dito, lipat doon ang drama ko. pero ngayon, sa awa ng Diyos [na napasakit ko na yata ang ulo sa sobrang pagiging pasaway ko. sorry po Lord. sorry talga..] kahit paano e medyo natatauhan na ako. at kahit lagi man akong absent, nag-eenjoy na rin naman na ako ngayon. sana lang nga makapag-capping ako. can't afford to disappoint my parents for th nth time..

5. Midwifery Board Exam. hmm. di ako mag-eexam. sigurado na un. hindi kasi ako nag in-house review. bukod pa sa may mali sa Birth Certificate ko at hanggang nagyon e di pa naipapaayos ni mama [makakalimutin kasi. kahit ako tuloy nahawa na...]. pero kahit hindi ako mag-board ngayon, marami pa namang pagkakataon. I'll just pray for my friends who'll be taking it and a higher passing rate. hopefully^^

4. COPAR. actually nag-start na kami sa community namin. sobrang init. ang itim-itim ko na nga, lalo pa akong iitim! haiz. nakakapagod pa. lakad.. lakad.. lakad pa rin. puro lakad.. pero masaya. hehe. at masaya din ako na medyo nakaka-cope up na ako sa group :)

3. Panagbenga 2009. sana makapunta ako together with my family.  lots of flowers. lots of celebrities. and definitely lots of people. yaay~! panagbenga anyone? ;)

2. Harry Potter and the Half Blood Prince. one of my most awaited list! can't wait for the 6th installment of my favorite book turned film which will be released this July 2009. waaa! *hugs J.K.-sama!* kailangan ko na nga palang mag-ipon ng pansine. hehe. below is the official trailer/spoiler [trailers are much of a spoiler i think. ehe^^] of the film..

Harry Potter and the Half Blood Prince Official Trailer

and lastly. and the number one on my list. tentenenen! ANG IKA-PITONG LIBRO NI BOB ONG! haay. nung una kong mabasa sa bobongpinoy yahoo group ang tungkol sa ika-pito [na nalaman ko din kay te joselyn^^] hindi ako gaanong naniwala. wala naman kasing binanggit na tungkol kay BO sa naunang teaser. basta ang sabi lan ika-pito. pero sa sumunod na napanuod kong teaser, naniniwala na talaga ako. haha. ansaya. isa talaga ang mga libro ni master bob sa mga inaabangan ko. hmm. pero sigurado ilan months pa after ng release ko mahahawakan un. antagal naman kasi mag-release ng bagong mga libro ang NBS Baguio. asar. *sigh* pero ang mas mahalaga, kahit abutin pa ng ilan taon [na wag naman sana], ay ang maangkin ang ika-pitong libro! bwahaha! *maangkin talaga* hehehe. wait.. Naisip ko lang.. anong kulay kaya ung ika-pitong libro? hmm. ah! whatever the color will, I'm sure it will always be spectacular! ;) below is the 7th book teaser.

VII

'these are just some on my lists. there are still a lot to look forward to. and now, I realized 2009 won't be so bad of a year after all.what do you think?^^

[caption id="" align="alignnone" width="160" caption="*yum yum*"]*yum yum*[/caption]