'may mga sandaling pakiramdam mo ang manhid manhid mo na. ung tipong wala ka na nga talagang maramdamang kahit ano [saya, sakit, takot, galit..] wala lang. parang hangin lang sa pakiramdam. un bang pakiramdam mo nasobrahan ka na sa mga kung anu-anong emosyon at wala ka nang mapaglagyan sa sarili mo kaya namamanhid ka na.. naranasan niyo na rin ba un?
If you'll be my star, I'll be your sky
You can hide underneath me and come out at night
When I turn jet black and you show off your light
I live to let you shine
I live to let you shine
You can sky rocket away from me
And never come back if you find another galaxy
Far from here, with more room to fly
Just leave me your stardust to remember you by
hmm. pakiramdam ko kasi ngayon ganun. haha. weird. hindi ko alam kung bakit. ganun lang siguro talaga ang kalakaran sa katawan natin. minsan tinotopak din. o baka tama lang ako sa teorya kong nasobrahan na sa pakiramdam kaya namanhid na. sabi nga nila [pansin ko mahilig ako sa sabi-sabi ng iba..] "feel 'til you couldn't feel it anymore.." [dunno the exact words, but it's something like that.
If you'll be my boat, I'll be your sea
Depth of pure blue to proke curiosity
Ebbing and flowing, and pushed by a breeze
I live to make you free
I live to make you free
And you can set sail to the west if you want to
Pass the horizon 'til I can't even see you
Far from here, where the beaches are wide
Just leave me your wake to remember you by
tama naman di ba? pero... naranasan mo na ba? ung akala mo manhid ka na. di mo na nga maramdaman e. lalo na ung pinakamasakit na pakiramdam [kagat ng langgam], pero mapapansin mo na lang, di mo namamalayan, umiiyak ka na pala. at ung ibinalot mong pagkamanhid natuklap na. tuloy-tuloy nang dumadaloy ung mga UNWANTED EMOTIONS na kahit anong gawin mong pagpipigil, hindi mo na mapigilan. patuloy lang na humuhulagpos. at sa bandang huli, maiisip mong: MAS MASAKIT PALA ANG MAGING MANHID.
_____________________________________________________
*naka! na naman?! *menthol, menthol~!*
_______________________________________
CREDITS: BOATS AND BIRDS by Gregory and The Hawk
sa aking banda, opinyon lang ba, normal lang yan... minsan, nakakasawa na rin kasing makaramdam ng kahit anong emosyon... nakakapagod... kasi di lang naman utak at emosyon ang apektado pag malungkot, masaya, takot o galit ka... kasama pati katawan... pati na rin yung tingin mo sa paligid apektado... nakakapagod di ba? lalo na kung pabalik balik...kung paulit-ulit... mas gugustuhin mo nang maging manhid... kaysa makaramdam ulit...
ReplyDelete'pero pag nawala na ung pagkamanhid.. sa tingin mo, ano na ang mangyayari? eheheh ;)
ReplyDeletesa tingin ko, mas nakakapagod maging manhid. yung tipong wala ka ng maramdaman, wala kang pang pakialam at parang walang halaga lahat. pero di mo naman feel mamatay pero di mo rin feel mabuhay. ang gulo noh. pero parang ganun kasi yun eh.
ReplyDeletetama.manhid manhidan sa una, pero when it rains, it pours naman ang drama sa bandang hulihan.mas maganda na ilabas..
ReplyDeletedi ko pa lam..hehe manhid pa rin ang pakiramdam ko sa ngayon... nakakapagod rin maging manhid... hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman... pero parang nasanay na lang...
ReplyDelete