'pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan natin, nag-text ka.. nagtext ka na para bang walang nangyari. na para bang hindi ka nagdulot ng storm signal number 4 sa damdamin ko. ung tipong binasag mo ung puso ko, taz napadaan ka, pinulot mo ung mga pira-pirasong salamin nito at inilagak sa mga palad ko..
ikaw: gusto kong umiyak. ang laki ng problema ko.
nagreply ako. [hindi ko natiis sa totoo lang]
ako: e di iiyak mo. kung un ang makakagaan sa kalooban mo.
un na ang muling simula ng palitan natin ng mga mensahe. masaya ako. syempre, naalala mo ulit ako e. at kahit may sakit ako, tila ba biglang naging mabuti ang pakiramdam ko. ganyan ang epekto mo sa akin.
inalo kita. nakinig ako sa mga problema mo. sa mga hinaing mo sa buhay. wala man akong magawa kundi ang magbigay lang ng kaunting mga "words of wisdom" masaya naman ako na naging bahagi ako ng buhay mo sa mga oras na kailangan mo ng masasandalan. ng maiiyakan. ng kaibigan.
at mas lalo pa akong naging masaya nung sinabi mong basta andito lang ako para sa'yo, ayos ka na...
pagkatapos lang ng mga siguro .0001 seconds [ndi eksakto yan. mas mabilis pa jan ung nangyari]...
nagtext ka ulit.
ikaw: ok na ako. nabuhayan na ako ng loob.
ako: e di ok :)
1million years ang nagdaan.
wala ng reply.
hintay pa ako.
baka busy lang.
1million years pa ulit.
...
....
.....
......
wala na nga siguro talaga.
hindi ko na hinintay na magreply pa siya.
sawa na rin akong maghintay.
nangako ako sa sarili kong hindi na ako maghihintay.
hindi na aasa.
kung matutupad ko ang pangako kong ito, hindi ko lang alam. mabuti nga kung magawa ko. pero kung hindi man, sabi nga nila "promises are made to be broken.." di ba.
marami pang buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago ko naisip na. siguro nga, talagang andyan lang siya pag kailangan niya ng sandalan. ng maiiyakan. ng pakikiramay. ng kaibigan.
minsan gusto kong hilingin na sana hindi na lang maging maayos ang mga problema mo. na sana lagi ka na lang malungkot. laging iiyak. laging lugmok. dahil sigurado, pag ganun ka, nandyan ka din para sa akin. hindi mo ako iiwan. hindi mo ako pakakawalan. hindi mo ako bibitawan.
pero hindi ako makasarili.
at higit sa lahat, ayokong makita ka ng walang ngiti sa iyong mga labi.
kaya kahit masakit sa kalooban ko.
na iwan ako.
at maalala lang kapag iniwan ka na ng buong mundo mo..
andito pa rin ako para sa'yo.
ibibigay ko ang buong mundo ko para sa'yo.
sa ganung paraan, pinasaya mo na rin ako.
"I can't see me, or someone I used to be..
I can't see you now or someone who used to be you.
Are you someone new?
Are you someone I used to know?
Have you been there before?
Have you seen me before?..."
~ Porcelain-Sunrise by Paramita
'i am offering you my hand once again.. will you take it?
ReplyDelete