'kani-kani lang. mga milliseconds ago, nagso-sort out ako ng mga letters and cards na natanggap ko mula sa kung kani-kaninong mga kaibigan at ka-ibigan [weh intriga? hehe]... puno na kasi un lalagyan ko, kaya naisipan kong tanggalin na ung mga [hindi] naman gaanong memorable. wehehe. ung mga tipong napadaan lang sa mail box at nagkataong sa akin naka-address [gaya ng mga sulat na galing sa Student Affairs Office ng SLU, sulat na galing sa SAO ng SLU, sulat na galing sa Student Affairs Office ulit ng SLU.. ahm, madami pang sulat galing ng SAO dahil sa madaming absences ko noon, haha].
syempre para ma-sort out ung mga dapat at hindi dapat pakikinabangan ng posporo, binabasa ko muna. at tinitingnan malamang kung kanino nanggaling. and it felt good na mabasa muli ung mga un. it reminded me a lot of memories way way back ages ago. [ano daw? mukhang redundant? ewan. haha. basta un..]
natawa pa ako sa letter nun unang [ka-ibigan] ko. haha. ngayon ko lang napansin na SOBRA pala sa pagka-wrong grammar nung sulat niya. haha. natawa talaga ako. at nakaka-turn off pala. [naalala ko tuloy ung isang tanong sa survey. haha]
but a particular set of letters ang mas nakakuha ng atensyon ko. marami un. galing kanino? galing sa EX-BESTFRIEND ko. binasa ko muli ang lahat ng iyon. iba-iba ang tema. iba-iba ang kwento. may masaya. may malungkot. may galit. lahat na yata ng emosyon nasa mga sulat niya. at pakiramdam ko naiiyak ako. [The Longest Story ng Daphne Loves Derby pa man din ung tugtog habang nagbabasa ako] kaya talagang nata-tats ako. haha. pakiramdam ko, napasok ako sa isang time machine o kaya sa PENSIEVE ni Dumbledore kung saan nakalutang ang mga ala-alang naiwan ng mga sulat na iyon at nagbalik ako sa mga oras na magkasama pa silang dalawa. siya at ako. at pinapanuod ko sila. parang pelikula. parang dula.
at sa mga oras na ito, mahirap aminin pero nami-miss ko siya. hindi ko naisip o naramdaman man lang nuon kung gaano ako naging mahalaga sa kaniya. o kung naging mahalaga man lang ba siya sa akin. pero ramdam ko na ang lahat ngayon. ngayon kung kelan huli na ang lahat. naisip ko tuloy, ano ba ang nangyari sa amin. bakit nawala ung magandang samahan. ung pagkakaibigan. pero ganun din siguro talaga. lahat ng bagay may hangganan. gaano man kaganda ang bagay na un. lumilipas din. kinakalawang. natutuyot. natutunaw.
Best,
imposibleng mabasa mo pa ito. pero makikipagsapalaran na rin ako. baka sakaling mapadaan ka, kaya sasabihin ko na rin lahat. hihingi na rin ako ng tawad. kasalanan mo, o ako, di bale na. ang mahalaga, napatawad na kita sa kung ano mang nangyari noon. at sana mapatawad mo na rin ako. pero ganun, mahirap mawalan ng tiwala. lalo na sa taong nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay mo. ganun lang ung naramdaman ko. kaya naipon ang lahat ng galit na 'to sa loob ko. pero mula ngayon, pinapalaya ko na iyon. para sa'yo at para sa'kin. hindi na maibabalik ung dati, alam ko iyon. pero sa pamamagitan nito, sana makapagsimula tayo ulit. mapulot ung mga nagkalat na alaala, maipagtagpi-tagpi ung nasirang pagtitiwala at nang mabuo ulit ang pagkakaibigan natin. sana.
Now Playing: Shadows and Regrets by Yellowcard
"And we were only kids and our time couldn't end. And how tall did we stand with the world in our hands. And we were only kids, and we were best of friends, and we hoped for the best, and let go of the rest. Shadows and regrets, we let go of the rest.."
para sakin ba to? -- sorry, di kasi ako sure if ako lang ang tinatawag mong BEST?!,.. i like the essay and ofcourse, the message as well. Nakaka-touch! If sakin man to,.. sa toto lang, kahit na nagkalayo tayo, I'm still calling you BEST eve...n in my dreams,.. at sa totoo lang din, hindi ko alam kung anong nangyari, I just woke up one day na galit ka sa akin, nagbago ang treat mo sakin sa mga text mo, it hurts kasi until now hindi ko alam kung anong mistake ang nagawa ko noon. may mga mali ka mang nagawa, alam mo sa puso mo na madali kitang napapatawad.im sorry if i caused you pain before. apology is accepted and hope you do the same,.. I miss you and if I had only ONE FRIEND LEFT... I'd STILL want it to be YOU!
ReplyDelete