'nyaa. malapit na naman ang Valentines day. ehe. di naman sa naiinis o naaalibadbaran, pero medyo ahm. ano bang tamang word? asar? hindi naman? bad-trip? nah. basta na lang. nawiwirduhan lang ako kasi halos lahat na lang ng puntahan ko, ang usapan e tungkol sa valentines at sa love.
na sa tingin ko e di naman talaga weird kasi nga buwan ng mga puso ngayon. at ng mga kulang-kulang. yaa! hehe. peace po sa mga ipinanganak ng Pebrero. hee^^ at sa hindi ko malamang dahilan e siya ring paksa ko ngayon. weird nga toinks.
it has been a VERY LONG TIME since I last fell in love. huh. sobrang tagal na nga. at pagkatapos ng huling pakikipagsapalaran ko sa larangan ng pag-ibig di na muli akong nainlab. which I find strange myself. maraming pagkakataon kong naiisip na "hindi naman masamang mainlab ulit..." o "gusto ko uling maramdaman ung masayang pakiramdam ng pagiging inlab..." pero kahit anong gawin ko, I can't make myself fall in love. nah. talaga namang hindi pwedeng pilitin ang pusong magmahal kung talagang ayaw pa nito. darating din ang panahong muli kong mararanasan ito...
pero naisip ko.. kailan pa? pag tuluyan ko nang naisantabi ang ganitong bagay? tapos naisip ko ulit... hindi naman maisasantabi ang mga ganitong bagay di ba? hmm. ewan talaga. sa ngayon, pagod na akong maghintay. tuluyan ko na ngang naisantabi ang bagay na un.
hindi man ako mainlab-inlab. ehe. di naman ibig sabihin na hindi na rin ako nagkaka-crush. *blush* i still feel things NORMAL females feel towards the opposite sex. yaha! pag mga crush madami ako niyan! [karamihan nga lang hindi totoong tao. ung nabuo lang sa pamamagitan ng drawing at mga salita...]
there is this guy I have known for quite a while now. siguro mga dalawang taon na rin kaming magkakilala. close kami. nagkakasundo kasi kami sa maraming bagay.. [now, not all opposites attract right? sometimes + can attract +, too. hehe]. masaya ako pag nakakausap ko siya. lalo na kung tungkol sa mga paborito naming bagay ang pinag-uusapan namin. at mas higit kong gusto pag nagkakaroon kami ng argumento. pakiramdam ko napakatalino ko pag ka-argumento ko siya. [bobo lang talaga siya kaya feeling matalino din ako. wehe..] masaya talaga ako pag kasama siya. siya ang kauna-unahang lalaking naging ka-close ko ng sobra.
lately, I've heard rumors na "sila" na raw ni *insert name here*
hindi ako naniniwala. sabi naman niya, hindi raw. siya pinaniwalaan ko. pero iba na ung pakiramdam ko. parang ahm. masakit sa loob. barkada rin niya ung *girl* [he has his own set of friends of course. as I have mine, too]. hindi ko lang ma-imagine. kung totoo ngang sila. parang ang weird din. hindi sila bagay. that girl is too liberated for someone like him. kyaa~ hindi ko din maimagine kung ano hitsura ni *guyfriend* pag pini-flirt siya ni *girl* [dito na pumapasok ang kasabihang OPPOSITES ATTRACT]. mas effective nga yata un kesa sa + attracts + theory ko. *sigh*
i am not against their *relationship* if ever they have one in the first place. i don't even have a hold on him para ayawan ang kung sino mang magustuhan niya. it's just that, i just felt weird and stupid knowing na may gusto na siyang ibang babae. [i sound like a jealous girlfriend. nyaay.]
sa totoo lang, wala naman akong gusto sa kanya. not even a bit of crush. [err. ok. i once had a crush on him. pero matagal na un. that's history.] kaya di ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I am being possessive, i know. which isn't right. kasi aun nga. I don't have a hold on him. I am just a friend. a stupid friend.
waaa! basta! ang gulo. magulo ako. grrr! naiinis na tuloy ako. di ko alam ang gagawin ko. whenever we're together, all I do is stare at his back [with a murderous threat, hehe]. and it sucks. I can't even be my old self. ewan ko lang kung pansin niya. wala naman siyang sinasabi. o wala lang talaga siyang "paki"...
hmm. ayoko na nga. naiinis lang talaga ako. pagod lang siguro 'to. maghapon kaming naglakad sa ilalim ng araw nina e. [and my stupid EX is asking for an advice regarding his ka-MU daw! grr! of all people sa'kin pa siya hihingi ng advice? nyek. ewan ko sa kaniya!]
*sigh*
*this is a fiction*
wag kayong maniwala sa mga nakasulat dito.
epekto lang 'to ng kawirduhan ng araw ng mga puso.
at nang paglalakad ng maghapon sa ilalim ng araw.
~peace out!~
No comments:
Post a Comment