Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, September 13, 2009

Excerpt

'hindi ako magkwekwento ngayon. [sabagay, kelan ba ako nagkwento?] haha. puro pahaging lang naman. puro "excerpt" ng nobela ng buhay ko. toinks. korni.


hindi pa rin ako magkukwento. pero gusto kong maglabas ng nararamdaman ko. un naman talaga ang madalas na dahilan pag napapadpad ako dito..


arianne: ayoko sa sobrang masaya. dahil may kapalit.


tama siya. at ung kapalit na un. masahol pa sa pinakamasakit na pakiramdam. ibang klase talaga dumiskarte ang tadhana. papatikimin ka ng saya, tapos sa isang iglap biglang babawiin. parang pinaglalaruan ka lang. pinagtritripan. at nakakabadtrip madalas. un tipong gusto mong isumpa ang tadhana sa nakakaasar na joke niya.


nakakadepress nitong nakaraang araw. at hanggang ngayon hindi pa rin naaalis ung pakiramdam. ung matinding pakiramdam na kapag nakakita ka ng syringe e gugustuhin mong mag-aspirate nan sarili mong dugo. o kaya naman gawing parang puno ung kamay at kahit ano pang parte ng katawan at iukit ang kahit ano mang maisipan mong iukit. o i-drawing kaya. ang sa'kin, ung pangalan ko. LIAN. toinks.


*natatakot ako sa sobrang masaya. at sa maaaring epekto nito.


at andito na nga ung nakakatakot na epekto. ung emptiness na kahit anong gawin mong pagpuno, ayaw pa rin mapunan ung pakiramdam. nananatiling empty. hollow. butas. hungkag. at kahit anong gawin mong takip, susungaw pa rin ung totoong kalagayan. ung tipong kahit tumawa ka ng tumawa sa pinakakorning jokes at kulang na lang e batukan ka ng kung sino man dahil hindi naman talaga nakakatawa ung joke ipakita lang na masaya ka. na hindi hungkag ang pakiramdam.


pero sa huli, sarili mo lang ang niloloko mo.


sarili mo lang ang dinadaya mo.


sarili mo na nga gagaguhin mo pa.


haay. hindi ko masabi ung talagang nararamdaman ko. ganun nga siguro talaga. pag masaya ka, madali lang isalarawan ung pakiramdam. pero pag malungkot na, at nasasaktan kahit anong klaseng mga salita pa ang gamitin, mahirap pa ring ipaliwanag. mahirap ding intindihin. dahil ako, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kailangang maramdaman ang mga ganitong pakiramdam. bakit nga ba.



 


NP: Half Life - Duncan Sheik







 


 

7 comments:

  1. a masochist's code:
    "it is far more enjoyable and pleasing to inflict physical pain unto yourself than endure unending episodes of emotional torture."


    aun. oks na ko naun. ikaw...?
    kahapon lan to, diba? >__

    ReplyDelete
  2. i like the masochist's code. so true. -_-

    ReplyDelete
  3. 'a masochist's code? haha. hmm..

    ein. opo, kahapon lang po. pero aun. ok lang naman po ako. eheh. inaatake lang ako ng "seasonal depression" ko. toinks. ;)

    ReplyDelete
  4. seasonal depression. gaya din ba un nan monthly red tide? uhm... un masochist's code? nabuo un dahil sa mga taong mei forbidden hobby: wrist cutting / radial vein cutting. ='p
    (anu kaia manyayari kapag popliteal vein? kaso an cheap.. :)))

    ReplyDelete
  5. 'haha, oO nga. cheap nga un, toinks. [gusto kong laslasin un popliteal vein ko] ehe, ampanget. baka batukan pa ng nanay mo pag nadatnan nagdurugo un paa. haha. sa jugular vein na lang. mas cool. ;)

    ReplyDelete
  6. sa tuwing nababasa ko ang blog mo, nararamdaman ko lagi ang lakas aura mo. parang hinahatak ako sa mundo mo. at sa tuwing nababasa ko ang blog mo, parang gusto kong balikan ang mundong iniwan ko.

    ReplyDelete
  7. raelaine89: as in elaine? di nga? musta po? kung ganun wag mo na lan po basahin. ayokong hatakin ka pabalik sa mundong iniwan mo. ayokong hatakin ka sa kadiliman ng mundo ko. although i would like that. gaya nga ng sabi nila MISERY LOVES COMPANY. di ba? hehehe ;)

    ReplyDelete