Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, March 28, 2007

i hurt myself so you can't.

nahihiya na akong lumapit sa'yo. pakiramdam ko wala na akong puwang sa puso mo. pakiramdam ko sawa ka ng maging kaibiogan ko. pakiramdam ko pagod ka na sa kapraningan ko. ngunit inaasam ko na sana pakiramdam ko lang ang lahat ng ito.


nahihiya na akong lumapit sa'yo. para bang may nakipalibot na mataas na pader sa pagitan natin. hindi ko matawid dahil sa sobrang taas. isinara mo na ang puso mo sa akin. pakiramdam ko, kahit di mo sabihin nais mo ng bawiin ang susi nito at nang kailanman ay di na ako makapasok pa sa puso mo.


alam ko napapagod ka na. dahil wala na akong ibang ginawa kundi magsabi ng problema sa'yo. problemang hindi ko man lang magawang resolbahin. alam kong sawa ka ng makinig sa mga hinaing ko. pero masisisi mo ba ako? ikaw lang ang itinuturing na tunay na kaibigan ko.


sana kahit pagod ka na, malaman mong, nandito pa rin ako. maghihintay sa'yo na muling ibalik ang susing binawi sa akin. muling tibagin ang pader sa pagitan natin. at muling damhin ang pagkakaibigang nananalaytay sa ugat natin. andito lang ako. hindi magsasawa. hindi mapapagod. dahil ikaw...
______________________________________________________________________________________


              elaine,


thanks about last night. ewan ko, hindi sapat para sa akin ang paghingi ng pasasalamat. kahit di ako nagrereply kagabi di ka pa rin tumigil sa pag-aalala sa akin, thanks po talaga. tunay ka ngang kaibigang maituturing. hope i can repay for the things you've done for me last night. thanks.

1 comment:

  1. ang pinto sa kaligayahan ay laging bukas..hindi ito nagsasara...kaya hindi ito kelangan ng anumgang susi...kung hindi mo man maisip ang solusyon sa problema, laging may bukas na darating para dito...laging may sisikat na araw pagkatapos ng ulan...

    hindi po ako aalis sa tabi mo...malayo man ako...hindi ito magiging hadlang para maramdaman mong nag-iisa ka...

    nandito ako lagi...

    kaya't kung kelangan mo man ako, hindi ako magsasawa sa pakikinig...khit paulit ulit na problema p yan...

    alisin mo ang takot mo...dahil patuloy kang lulukubin ng lungkot hanggat di mo pinanapalaya ang sarili mo sa dito...

    sabi ko sa'yo..hindi ako aalis...naiintindihan kita,..

    ReplyDelete