Kasal.
Para sa akin, SAKAL.
Araw kung kailan ikaw ay mamamaalam na sa iyong pagiging malaya.
Yung tipong dati kakain ka ng mag isa, mamamasyal ng mag-isa, natutulog mag isa.
Pero pag ikinasal ka, may makakasama ka na sa mga bagay na dati mong ginagawa ng mag isa.
Wala nang privacy kumbaga.
May tali nang nagbubuklod sa inyo.
May tali na sa leeg mo.
Pero ganun pa man, mukha namang masayang may makatuwang sa buhay.
May sasalo sa iyo sa pagkain, may yayakap sa iyong pagtulog, may pupunas ng iyong luha, may makakausap, may makakapiling sa bawat saya.
At higit sa lahat, may aalalay na sa iyong bawat paghakbang sa ano mang lakad ng buhay.
Thursday, July 9, 2015
Sakal?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment