"Nagsusugat ka pa ba?"
Nakakabiglang tanong.
I was caught off guard.
Halos makalimutan ko na na nasabi ko rin pala sa'yo ang bagay na un.
Halos makalimutan ko na na minsan at patuloy pa rin pala kitang nagiging sandalan tuwing may problema o malungkot ako.
Halos makalimutan ko na na minsan mo akong inalalayan sa naturang adiksyon kong ito..
Halos makalimutan ko na na kahit kailan hindi ako nakarinig nan kahit isang sermon mula sa'yo tungkol sa pagsusugat ko.
Na wala kang ibang ginawa kundi sabihing huwag ko lang lalaliman ang pagsusugat para hindi ako mapahamak.
Hindi mo man sabihin alam kong mas nasasaktan ka tuwing nasasaktan ako
Mas nalulungkot ka tuwing nalulungkot ako
Kung ano man ang nararamdaman ko, doble ang epekto sa'yo.
Kaya patawad.
Patawad sa minsang pagkalimot.
Friday, July 10, 2015
9:54
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment