Para siyang yung mini bus
at ikaw naman yung big bus.
Alam kong late na ako.
Darating yung mini bus.
Pag doon ako sasakay, alam kong secured na ako.
Hindi man makarating sa tamang oras, at least panatag ako na may magdadala sa akin sa dapat kong paroonan.
Tumigil yung mini bus.
Niyaya akong sumakay.
Pero ako'y umiling.
Ilang pilitan pa ang nangyari bago siya tuluyang umandar at umalis para ipagpatuloy ang byahe.
At ikaw...
Ikaw, yung big bus, pa rin ang hinihintay ko sa araw-araw.
Ikaw kung saan alam kong magiging kumportable ang aking byahe ngunit wala ang seguridad na hinahanap ko.
Dahil walang katiyakan kung kelan darating
Dahil wala ring katiyakan ang oras ng paghahatid mo sa akin sa dapat kong patunguhan
Dahil hindi ko alam kung darating ka pa nga ba talaga.
Pero patuloy pa rin kitang hihintayin sa araw-araw
Patuloy ko pa ring ipagdarasal na sana'y paglabas ko, matyempuhan ko ang iyong pagdating
Ngunit...
May paparating na namang mini bus.
Sasakay na ako ha?
No comments:
Post a Comment