Yung pag-ibig na alam na nga ni tadhanang hindi pwede pero gumagawa pa rin siya ng paraan para magtagpo.
Para magkaroon ng katuparan kahit saglit lan.
Hindi ko alam kung gusto lan ba niya talagang tumulong, naaawa lang, nagtitrip, o talaga lang sadista siya.
Dahil ung saglit na pagtatagpo ay katumbas ng tone-toneladang bigat at sakit at pait sa dibdib.
Dahil yung saglit na pagsasama ay katumbas ng isang libong taon ng panghihinayang.
Para lang sa isang pagibig na kahit anong gawin mo,
kailan man ay hinding-hindi mapapasaiyo.
No comments:
Post a Comment