"Mahal kita. Sa kahit anong anggulo nang buhay mo."
Sa tanang buhay ko, yan na yata ang pinakamatamis na salitang narinig/nabasa ko. Daig pa niya un sangkatutak na mahalna mahal na mahal kita o yung i love you forever, pati na yung sandamakmak na love quotes at mga linyang pampelikula nina Marvin at Jolina.
Maiksi lang yan. Mababaw ang mga salita pero anlalim ng kahulugan. Yung tipong mahal ka niya kahit na gulong-gulo angbuhok mo at ampangit pangit mo sa umaga paggising mo. Yun tipong mahal ka niya kahit sobran bantot nan utot mo o sobrang lakas nan pag-burp mo. Yun tipong mahal ka niya kahit baduy ka, pangit ka, mataba ka, bobo ka, makinis man o ndi, matangkad o maliit, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala.
Yun tipong mahal ka niya kahit ikaw na ang pinaka-messed up na tao sa mundo.
Yung pagmamahal na tanggap ka sa kung ano ka pa. Sa kung ano ka dati, kung ano ka ngayon at kung ano pa ang kasadlakan mo sa hinaharap.
Yung pagmamahal na hindi mapanghusga.
Pagmamahal na totoo. Pure sabi nga nila.
A love that knows no boundaries. Limitless. Unconditional.
Parang ung tipo ng pagmamahal mo.
At higit sa lahat, yung tipo ng pagmamahal na ibinibigay Niya.
No comments:
Post a Comment