Pasensya na
Kung nakakapagod pala lahat ng bagay na meron tayo.
Dahil ako, kahit na mahirap at minsan masakit, kahit kelan hindi ako nakaramdam ng pagod. Dahil higit pa sa kahit anong hirap at sakit ay iyong saya na nagbibigay sa akin ng pag asa para harapin ang kung ano mang bagay na pwedeng maging sagabal sa lahat.
Pasensya na
Kung hindi ko nakita
Kung hindi ko naramdaman
Kung hindi ko pinansin man lang.
Napapagod ka na pala.
Pasensya.
No comments:
Post a Comment