Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Saturday, December 31, 2011

Air Pollution.

Sabi ko sa sarili ko dati, pagdating ko dito sa blogger, magiging light na ang tema nan mga posts ko. Pero hanggang ngayon pakiramdam ko nababalutan pa din ako nan mga maiitim na usok :3

Masaklap ba yun?
Napapadpad lan naman kasi ako dito kapag may mga lumulutang na smog sa utak ko. Hindi ko naman masyadong magawang magsulat kapag mga bituin o mga puso ang dumadaloy sa mga mumunting sinulid sa utak ko.

Pero.
Ano nga ba.
Wala lang.
Naisip ko lan.

Eto siguro light lan ang tema. O mausok pa din?
Tingin mo?

Saturday, December 17, 2011

Huwag mong hanapin sa akin ang hindi ako.

Yung pakiramdam na nasasaktan ka.
Ang hirap nun.

Yung pakiramdam na naiiyak ka na sa sobrang sakit kaso hindi mo magawa dahil imbes na iiyak ang nararamdaman, gumagawa ka nan ibang bagay para libangin ang sarili mo at nan makalimutan mo ang masakit na pakiramdam na iyon.

Yung pakiramdam na ilang araw ka nang nasasaktan.
Ilang linggo mo nan kinikimkim ung mga mumunting karayom na tumutusok sa kaliwang dibdib mo.
Ilang buwan mo nang isinasantabi ung mga isiping mas lalo pang makakasakit sa'yo.

Yung pakiramdam na sa tagal tagal nan panahong itinago mo lahat ng masasamang pakiramdam, bigla ka na lang maluluha ng walang dahilan.
Yung tipong naglalaba ka, naghuhugas ng mga plato, tumatae, umiihi, kumakain tapos nanunulay ang mga malalaking patak ng luha sa mga pisngi mo.

Yung pakiramdam na pagpatak ng isang luha, tuloy-tuloy nan bubuhos ang mas madami pang patak. Na kahit anong gawin mong pagpigil, hindi mo na mapigilan. Ung kahit punasan mo man ng ilang ulit patuloy pa din sa pagdaloy. Ung tipong nadedehydrate ka na dahil hindi matapos-tapos ang pagluha mo.

Yung pakiramdam ng sinasabi nilang isinaboteng emosyon.
Yung pakiramdam ng minsan ngunit mabigat na pagluha.
Yung pakiramdam na iyon ang pinaka-iiwas-iwasan ko.

Pero wala ehh.

Mom: Ohh~ anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak diyan sa harap ng PC?
Ako: Wala po. *singhot* May nabasa lang akong kwentong nakakaiyak. *singhot*
Mom: *kunot-noo*
______________________________________

Wednesday, December 14, 2011

I won't CUT.

New goals:

WON'T CUT..

*until my birthday
*Christmas Day
*New Year's Day

________________________

Rewards?
hmmm.
Any suggestions? ;)

------
*this post will be updated every time I reach (or I don't) my goals.

Monday, December 5, 2011

May bago akong headphones. d(-_-)b

Nakakaiyak.

Hindi ko alam kung bakit madali akong maapektuhan ng mga malulungkot na kanta. At hindi ko rin alam kung bakit patuloy pa rin akong nakikinig sa mga iyon kahit alam kong puro lungkot lang ang hatid sa akin.

"Hindi mo naman talaga gustong itago ung mga nararamdaman mo ehh. Alam ko iyon. Alam kong gusto mo ring sabihin. Ipagsigawan ba. Kaso natatakot ka. Hindi ko alam kung saan pero pakiramdam ko takot ka lang. Kaya ang ginagawa mo, kahit alam mong madali kang maapektuhan ng mga malulungkot na kanta sige ka pa rin sa pakikinig sa mga iyon dahil unconsciously ayaw mo talagang ipunin ung mga nararamdaman mong iyan. Kaya para mailabas mo nakikinig ka sa mga kantang iyan. Tapos pag naapektuhan ka na, naibuhos mo na ung nararamdaman mo, sasabihin mo, kasalanan nung kanta. Pinaiyak ako. Kahit alam nating pareho na nilalabas mo lan ung totoong nararamdaman mo."

Takot saan?

---------------------------------------------

Ung dating headphones ko, matapos ang ilang buwang pagsisilbi medyo nasisira na. Yung isang parte malakas ang tunog, ung isa sobrang hina. Kaya kapag ginamit mo sa malakas na kanta, bingi na iyong isang tenga mo pagkatapos ng kanta. Kaya ang ginagawa ko, pinapahinaan ko ung kanta para medyo magpantay sa tenga ko ung tunog. Un nga lang hindi satisfying dahil nga mahina. Pag nakikinig ako ng musika, gusto ko naka-full volume.

Nag-iiba ang mundo ko pag nakikinig ako nan musika. Pinapakiramdaman ko ang bawat hampas ng drums, tipa ng gitara at ang bawat salitang namumutawi sa bibig ng bokalista. Hindi lang ako nakikinig. Minsan pakiramdam ko nagiging parte ako ng musika. Parang pelikula. Sa loob ng aking utak.

At dahil may bago na akong headphones, ayos na ulit ang pakikinig ko. Full volume na ulit. Kaso ang laman ng playlist ko, puro malulungkot na kanta.

Ang laman ng utak ko, puro masasakit na ala-ala.
Ang laman ng puso ko.. ahh. bubog na lan pala ang nasa 5th Intercostal space, midclavicular line ko.

-------------------------------


"At hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin patungo... sa'yo."

Wednesday, November 30, 2011

PANATA: isusulat ko na lahat nan iniisip at nararamdaman ko. Kahit puro walang kwenta pa ang mga yun. Sana magawa ko. :DDDD

Monday, November 28, 2011

11.27.011

"Di ako makatulog sa kakaisip sa'yo.
Namimiss na agad kita.."
-- C


*wala lang. nakakakilig lang. Ang mundo ko ay kulay peeeenk ~ ^_^

Wednesday, November 23, 2011

Alice -- Buzz Panda

Bagong post. yey! Wala lang. First time [ulit] ko lan kasi dito sa blogger kaya eto medyo excited gumawa nan blog post. At tutal medyo matagal na rin mula nun huling post. Kaya siguro eto magkukwento ako ulit. :D

Pero ang siste, hindi ko alam kung ano ang ikukwento ko :3
hmm. siguro iisa-isahin ko na lan lahat nan nararamdaman/naramdaman ko.

Malungkot.
Dahil sa buzz panda na siyang laman nang playlist ko sa ngayon. Basta eto pinapakinggan ko, walang duda, tatakbo ang utak ko sa kung saan-saan, gagana ang mga mumunting bumbilya nito at ang kahahantungan ay lungkot. Pero kung dati halos malugmok ako sa lungkot nang dahil lang sa isang kanta, sa ngayon hindi na gaano. Dahil sa maraming kadahilanan.

Sabi niya, mas malakas na daw ang support system ko ngayon.

"Well done lian, you're trying to open up to a lot of people now. Magandang improvement yan. At least mailalabas mo lahat nan saloobin mo. Lahat nan iniisip mo. At nang sa ganun ay may makakatulong sa'yo sa pagharap sa mga oras na kailangan mo nang karamay.. Hindi ba magaan sa pakiramdam na may nasasabihan ka nang mga bagay na bumabagabag sa'yo?"

Open up? To a lot of people? You're wrong, miss. I don't open up to a lot of people. I still keep things to myself. I still keep my thoughts locked up and rotten inside my brain.. I still let my feelings eat me out.

Pero tama siya, magaan sa pakiramdam un paminsan-minsan nasasabi mo un nararamdaman mo. Hindi kailangang sa maraming tao. Kahit isang tao lang solb na. Basta ba tiwala kang sinsero siya sa pakikinig at pakikiramay sa'yo. At masaya akong may mga tao akong nakilalang talagang mapagkakatiwalaan ko.

"Madali lang namang mag-open up ehh. Just tell them what you think, put your feelings into words then speak them out.."

Hindi po ganun kadali un.
Dahil minsan kahit ganu kadami ung mga bagay na tumatakbo sa isipan mo, hindi mo sila mahuli para ilabas sa utak mo.
Minsan kahit gustuhin mong isalarawan sa pamamagitan nang mga salita ang nararamdaman mo, may mga bagay at pakiramdam pa din hindi mo "mai-translate" into words or kung magawa mo man, mahirap namang bigkasin.
At minsan, kahit ganu ka pa kagaling magsalita at magsalarawan nan mga iniisip at nararamdaman mo, dakdak ka ng dakdak, hindi ka pala naiintindihan. Hindi pala nila magets. Or wala lang silang pakialam. Kaya mas mabuti na lang wag magsalita.

Keep your mouth shut. It's easier.

Disappointed ako nung nakaraang araw,
Ilang birthdays ko na ang nagdaan nang hindi iniisip na espesyal na araw un. Sabi ko, ordinaryong araw lang yun. Para saan pa ang selebrasyon? Gastos lang un. Tama na un taimtim na pagdarasal at pasasalamat para sa panibagong taong magdaraan sa buhay ko.
Pero nung nakaraan, napagdesisyunan naming magkasama sa December. Kaunting araw lang. Hanggang Pasko. Excited ako. Masaya un. Syempre, wala nang sasaya pa sa bagay na makakasama mo ung taong mahal mo sa dalawang pinakaespesyal na araw sa buhay mo. Pero madaming problema, Or dalawa lang ung problema. Malalaking problema.
Una: Pera, Kailangan nan medyo malaki-laking pera para matupad ung bagay na un.
Pangalawa: Magulang. Kelangan niyang magpaalam sa magulang niya, Hindi siya pwedeng mapadpad sa isang napakalayong lugar nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila.

Nasolusyunan ung unang problema. Ayos! Malapit nang magkatotoo ung pinapangarap ko ngayong darating na kaarawan ko.
Pumalpak ung pangalawa.
"Sobrang layo ng La Union. Panu kung may masamang mangyari sa'yo sa pagpunta mo dun?"

Tama nga naman si tatay, Masyadong malayo itong samin. Kahit may pera kung hindi naman ganun kaligtas ang bumyahe. Hay.

Eto lang. Ngayon lang ung time na naghangad ako nang sobra para sa kaarawan ko. Kuntento na ako sa simpleng araw lang. Hindi naman ako naghahangad nan matinding regalo. Ngayon lang, eto lang. Pero ndi pa napagbigyan. :( Pero sabi nga nila, "God has something better to give" daw kapag hindi niya tinupad ang hinihiling mo sa ngayon. Kung anu man un, Lord, pramis aantayin ko.

"Wag na wag mong sasabihing hindi espesyal ang araw ng kaarawan mo. Wag na wag mong sasabihing ordinaryong araw lang iyon. May handa o wala, may regalo o wala, magkita man tayo o hindi. Kahit anu pa man ang mangyari sa araw na iyon, espesyal pa din iyon. Dahil iyon ang araw na itinakda nang Diyos para bigyang buhay ka sa lupa.. Para sakin espesyal iyon"
-- C (edited)

Oo nga naman. Bakit ba ang ibang tao, kapag walang handa, walang pera o pakiramdam nila wala silang kwenta, hindi na nila tinuturing iyong kaarawan nila bilang isang espesyal na araw. Isipin mo na lang. Malamang nung ginawa tayo ng Panginoon, masayang-masaya siya..

"Ito ang araw na bibigyang buhay kita.. Mula sa araw na 'to magsisimula ang iyong paglalakbay bilang tao. Mararansan mong magmahal, masaktan, maging masaya, malungkot, magkaroon ng maraming kaibigan, ng mga kapatid at magulang. Magiging masaya ka sa piling nila at mapapasaya mo sila sa pamamagitan ng iyong presensya. Espesyal ang araw na 'to para sa'yo at sa akin."
-- sabi ni Lord sa aking isipan.

Salamat sa'yo at naintindihan ko ang bagay na iyon.

Hay. Parang ang weird na ng post na 'to. Sabi ko ikukwento ko lahat nang naramdaman ko pero mukhang nalihis ung mga kwento.
Pero..

"Opo madali lang palang maglabas nang nasasaloob. Madali lang palang gawing mga salita ang mga pakiramdam. Madali lang palang huliin at ilabas lahat ng bagay na tumatakbo sa aking isipan. Pero, hindi paglalahad sa ibang tao kundi sa isang blog.  Hindi sa pamamagitan ng pagsasalita kundi sa pamamagitan ng mga tinipang letra. Tama ka, miss. Pero mali ka pa din."


Saturday, November 19, 2011

Tuesday, August 23, 2011

d ea r est

hindi naman ako malaking kawalan sa mundo kung mawala ako..

 

 

 

 

 

 

 

 

at mas lalong hindi ako malaking kawalan sa'yo.
-----------------
Now Playing: Dearest|Ayumi Hamasaki






 

OT: Inu Yasha's one of those animes who has the best songs ever. :')

Saturday, August 20, 2011

Change.

Magbabagong buhay na ako. Magiging masaya na lagi.

Ilang beses ko nang nasabi yan. Pero hindi ko naman ginagawa.

Siguro nga hindi kailangan sabihin ang isang bagay o pilitin ang sariling magbago nan hindi naman bukal sa loob ang pagbabago.

Siguro mas kailangang hintayin na lang dumating ung araw na magigising kang nagbago ka na pala nang hindi mo namamalayan. Na imbes na takot kang harapin ang bawat umaga, mas nauuna ka pang gumising para salubungin ang sikat nang araw.

O ung takot kang matulog sa gabi dahil sa mga nakakatakot na panaganip, hindi mo namamalayan mahimbing na pala ang tulog mo. Mapayapa. Walang bumabagabag na kung anu man.

________________________

Hindi ko alam kung nagising na ako sa araw na yun pero masasabi kong oO, unti-unti na akong nagbabago.. Unti-unti ko nang nauunawaan ang halaga nang bawat araw na dumarating. Unti-unti ko nang niyayakap ang kasiyahang dulot kahit nan mga mumunting bagay sa paligid ko.

Unti-unti ko nang nasasabayan ang isang kanta nang hindi nalulunod sa mga letra nito. Unti-unti ko nang inaalis ang takot sa isipan ko. Paunti-unti. At unti-unti ko nang nauunawaan na ang isang pagbabago nagsisimula sa paunti-unting hakbang.

________________________

Ilang beses ko nang nabanggit ang mga bagay na 'to dito sa blog na 'to. Pero.. sa ngayon, masaya akong sabihing bukal lahat 'to sa kalooban ko. Masaya ako sa bawat araw na nilalagi ko sa mundo. Maraming beses akong madadapa, siguro halos sa bawat paghakbang ko nadadapa ako, pero hindi na masakit ang mga sugat ko dahil sa bawat pagdapa ko, andiyan ka na para alalayan akong tumayo. Malayo man ang tatahakin kong daan, hindi na ako natatakot harapin ito dahil alam kong kasama kita sa pagharap nito. Sana hanggang marating ko ang pinakadulo ng daan, ikaw pa rin ang kasama ko. Sana.

___________

lies. this is a fiction.

i am breaking.

and i am happy.

---------------------------

NP: Broken by Secondhand Serenade.

____________________


Thursday, July 14, 2011

Napapadalas ulit ang dalaw ko dito.

I am a basket case.

No doubt about that now.

I self-harm.

I need a shrink.

I am a step closer to being anorexic.

I am antisocial.

I've been having a lot of suicidal thoughts.

I am suicidal.

I need to end all of this now.

I hope I get the courage to do it.

I hope.

_____________

Please. do not forget me.

Father.and.Mother.I.Love.You

My parents don’t realize that whenever they fight, i get cuts. On my arms, my legs, my whole body..

the number of hurtful words they throw at each other, the same number of cuts I make. The louder they shout, the deeper the wound.

And yet after the fight, when they see me covered in blood, they’d still wonder why I did it and blame me for doing such a thing.


See.. mom, dad.. these cuts are for you. these blood, I shed for you.. because that’s how much I love you.


I couldn’t tell them that.. Could I?



Sunday, July 10, 2011

NP : This Love -- Blood+ Ending theme

Ang dami. Ang dami-dami-dami kong kelangang gawin at pag-isipan. And dami kong kelangang isaalang-alang. Ang dami kong kelangang ibasura. limutin. palitan. ayusin.

 

Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. At hindi ko alam kung paano.

 

NP: I'm Alive -- Kuroshitsuji Ending theme
Sana may kanya-kanyang "strategy guide book/list" ang bawat tao kun paano patatakbuhin ang buhay. Para pag na-i-stuck ka na sa isang bagay, alam mo kung ano ang dapat gawin. kung anong desisyon ang pipiliin. At kung magkamali man, pwede mong palitan at kapag hindi ka sigurado sa pipiliin mo, may hint din. May reset pag sobrang madami ka nan pagkakamali, may pause pag medyo pagod ka na, may options kun anong gusto mong background, music, kung easy ba, normal o hard. At minsan pa, may multiple routes. Kung gusto mo nan ibang ending, pwede mong laruin ulit at gawin ang mga bagay na gusto mong gawin ngunit hindi mo nagawa sa una nan sa ganun may iba namang konklusyon.

 

NP: Mou Sukoshi -- Midori no Hibi Ending theme
Sana kung hindi man maging isang tulad nan laro ang buhay, kahit maging isang libro na lang ito. Un bang hawak mo ang papel at lapis, o kung hitech ka, sa laptop ka magsulat. Ikaw ang gagawa nan sarili mong kwento. Mula sa oras na natuto ka nan magsulat at magbasa hanggang sa kung kailan mo nanaising wakasan ang sarili mong kwento. Pwede mong isulat lahat nan pakiramdam na gusto mong maramdaman. Mga bagay na gusto mong makuha, mga taong gusto mong makasama. Lahat kontrolado mo. lahat nan masamang makakasira sa kwento mo, burado.

 

NP: Hero's Come Back -- Naruto Shipuuden Opening
Pero paano..

Kung totoong isang laro o pahina nan isang libro ang buhay natin.. paano kung nalimutan mong mag-save? paano kung nawalan nan kuryente? o Nabasa o nagkapunit-punit ang papel mo? Paano? Paano mo maililigtas ang sarili mo? Ang mga importanteng bagay na nakapaloob sa kwento mo? Ang mga taong nakibahagi sa laro mo?

 

NP: Kokoro no Wakusei ~Little Planets~ -- The Law of Ueki Ending theme

 

Saving..

______________________

 

NP: Tadaima -- Ore no Imouto Ending theme
Hindi ko alam kung anong nanaisin kong maramdaman nitong mga nakaraan. Oo, madalas pa din akong inaatake nan "emotional disorder" ko.. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses akong nagsugat sa loob lang nan isang araw, nan isang linggo, nan isang buwan.

Pero..

mas madalas ung pakiramdam na "masaya" ako. Na hindi ko alam kung karapat-dapat ko bang maramdaman ito. Nagui-guilty ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero tuwing nakakaramdam ako nan kahit konting kasiyahan, nalulungkot akong hindi ko man lang maibahagi ito sa mga taong gustong-gusto kong bahagian.

Alam kong hindi ko dapat maramdaman ung "guilt" na kaakibat nan masayng pakiramdam na iyon. Sabi nga nila "lahat may karapatang lumigaya.." bakit ko ipagkakait sa sarili ko ang karapatan kong iyon, hindi ba?

 

NP: Negai Boshi -- KimiKiss Puro Rogue Ending theme
PAKIRAMDAM KO,

HABANG NAGIGING MASAYA AKO,

MAS LALO KANG NAPAPALAYO SA'KIN.

 

NP: Mou Ichido Kimi ni Aitai -- Full Metal Panic! The Second Raid Ending theme
No matter how far we are separated
I hope that this singing voice reaches you
On the nights the tears don’t stop
I want to become the moon that shines on your window.

___________

Failed.

Insert coin to continue.

 

Tuesday, May 10, 2011

mishu-- :D

It seemed like years since the last time I talked to you.

Just what are you doing to me? >.< lol.

Hurry up and get here. Let's talk again soon.

Alright? :')

miss

Wednesday, May 4, 2011

Y

hindi ako malungkot.

hindi rin naman ako masaya.

pero..

tumutulo ang luha ko.

bakit?

para saan?

Friday, March 4, 2011

Daddy, who are you? Part II

Dearest Dad,

I'm sorry I lied. I'm not glad you stayed home today. I'm not okay having you around. I'm not okay talking to you. I'm not okay being with you. And I hate you for acting like nothing's wrong. For pretending that you care for mom, you care for us. If you really do, why do such a thing? Why do you have to make us trust you and then go away and break it?

I can't look at you in the eyes now, Dad. I can't see you without seeing you and her in my eyes doing something stupid. I can't look up to you anymore. I thought you're the bestest guy. The only guy I could look up to. But you proved me wrong. You are just another cheating liar. And I hate you for that.

I hate you for hurting mom.. I hate you the most right now. And no matter what you do to make things right, you can never take away this pain anymore in me. I would never see you as the best dad anymore.

You are just another stranger to me now.

And I totally hate you the most for that.

Who are you now, Daddy? I don't know you anymore. I don't want to know you anymore.

So long. Stranger.

Thursday, March 3, 2011

Daddy, who are you? Part I

I'm glad Dad stayed home today.

Fuckin' Perfect

Naadik ako sa bagong kanta ni Pink ngayon. Nakakadepress ang mga nakaraang araw. And then there's the cuts and scars issue. And Pink's song is like pefectly made for me. for everyone like me. Who suffers the same issues like me. And..





Monday, February 14, 2011

Gloomy Sunday -- Repost [from tumblr.]

My heart aches right now for someone I used to love more than anyone could ever ever imagine. I felt sure this love had already left my heart but I didn’t want to let go. I wanted to believe there is still something [even just a tiny fragment] left of it in my heart. After all, love doesn’t fade away at once. And I want to save that tiny piece of love. I wanted to make it whole once more. I can’t just let go of it. Not now. Not yet. I hope it’s not yet too late..

Thursday, January 27, 2011

Friendster

ang dami kong gustong sabihin.
pero siguro, ito na lang muna sa ngayon.
I MISS YOU ALWAYS.
and
I'M SORRY.
I won't ask for us to be friends again
or be the way we've always been
although i do want that to happen once more
but i think it would be too much to wish for.
it's enough for me to know that you're doing great (i hope)
i wish you happiness :)
"kahit di na ako maging masaya, basta masaya ka..
at kung makaramdam man ako nang kahit konting kasiyahan,
ilalagak ko un sa aking mga palad at hihipan papunta sa'yo.."

-- m.

*sana maligaw ka doon at mabasa mo ito. Maghihintay ako sa sagot mo, abutin man nan ilang linggo o buwan o kahit taon pa.

Wednesday, January 26, 2011

Thursday, January 6, 2011

Iba-iba pero Iisa

there's never a shortcut to happiness.

kung meron man, isa na ako sa mga magkukumahog na malaman ang shortcut nito. sino ba namang may ayaw maging masaya di ba? sino bang may gustong laging maging malungkot? masaktan? mahirapan? wala naman. at kung meron man, sira na lang talaga ang ulo ng kung sino mang un.

i do not know what to really feel this day. i've been feeling mixed emotions since i woke up this morning. at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko...

masaya ako. dahil sa kaniya. hindi man diretsahan, at least nagkaroon naman ng magandang kinalabasan. at masaya na ako dun. hindi ako naghihintay ng kapalit sa mga sinabi ko. kung ano kami ngayon, tama na un. kontento na ako. ang mahalaga, nalaman niya. at walang nagbago sa samahan naming dalawa. masarap sa pakiramdam na hindi man masuklian ng kung ano man ung nais mong isukli sa'yo, pero imbes na mag-iwasan, mas lalo pang tumibay ang samahan. *hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero pakiramdam ko paulit-ulit lang ung mga pinagsasabi ko* basta. kung maligaw ka man dito at mabasa mo ito. wag ka ng magduda. opo, ikaw ang tinutukoy ko. at gusto kong malaman mo, na masaya ako, at nagpapapasalamat sa pang-unawa mo. .. mahal na kita. pero mas mahal ko pa rin ang sarili ko. ahaha. -- this is a fiction

i am relieved. sa wakas natapos ko na rin ung medical exam ko. na dapat last week pa natapos. pero at least ngayon ok na. enrollment na lang poproblemahin ko. buti na lang sa thurs pa ang talagang klase namin. hindi nga lang ako naka-attend ng orientation kanina. lagot. ratio na naman. haiz. hindi pa pala tapos ang kalbaryo. burr.

malungkot ako. at ito ang pinakamatindi sa mga kalbaryo ko. ewan ko ba. nakakaramdam na naman ako ng kakulangan sa pagkatao ko. hindi ko alam kung guni-guni ko lang o dahil busog lang ako *burp*

ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na kailangan kong tangapin pag ni-reject ako ng mga taong gusto kong tanggapin ako. hindi ko kailangang malungkot. o masaktan. bagaman at mahirap un. mahirap balewalain na wala lang sa'kin kung hindi man ako tanggapin. ang tigas kasi ng ulo ko. hindi marunong madala. *sigh*

matagal-tagal na din mula nang maramdaman ko kung panu ba masugat sa sariling bubog. oo, masarap sa pakiramdam ung masugatan, masaktan sa pisikal na paraan. pero sa emosyonal, nakakatakot. nakakatakot malunod sa pakiramdam, baka sa isang iglap, hindi mo mamalayan, hindi ka na pala makaahon sa sobrang pagkalunod. wala nang makakasagip. nilamon nan nang buong-buo.

sabi dun sa result nan isang quiz na ni-take ko sa facebook: If you wear "The Jester" mask, then you probably like to show yourself having a fun time around others. You laugh, joke, and play around with your friends, but that's probably not the real you. Your real you and the one you pretend to be around others are probably worlds apart. For your charade to end, you just need to figure out for yourself that a true friend will accept you for who you are. Find out that you dont really need to be wearing your mask. totoo naman. minsan, mas magandang maglagay ng maskara. para kung ano lang ung gusto mong paniwalaan nila, un lang ang pwede mong ipakita. pero pag tumagal, minsan hindi mo namamalayan, nagiging maskara na pala ang buong pagkatao mo. wala ng totoo sa lahat ng pinapakita mo. lahat ng galaw mo, sunod na lan sa maskara mo.

mas madaling maging manhid. ung balewala lang "kuno" ung nararamdamang sakit sa kalooban. sa kung parati ka ba namang masasaktan na lang, sino ang hindi magiging manhid sa pakiramdam? kumbaga kung sa gamot, pag palaging iniinom kahit hindi naman kailangan, gumagawa ang katawan natin nang resistensiya sa nasabing gamot. kaya sa susunod na pag-inom pag kailangan na, wala ng epekto. wala nang talab.


it's been weeks. sa maraming pagkakataon na ginusto kong talikuran siya, hindi ko pa rin magawa. at sa maraming pagkakataon, heto akong muli, umaasa sa wala. sabi ko sa sarili ko nung isang gabi, ok na. tanggap ko na ng buong puso na kailanman hanggang dito na lang talaga ang kwento namin.

masaya pa rin naman ako, dahil kahit paano, kaibigan ko pa rin siya. gaya ng dati.. pero hindi ko alam. sinapian na naman ako ng kakaibang pakiramdam na 'to. hindi pa pala tapos ang lahat. heto pa rin ako, hinihigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay niya, kahit alam kong gusto na niyang bumitaw sa pagkakahawak kong un. gusto ko na ring pakawalan, pero hindi ko magawang buksan ang mga palad ko at tuluyan siyang bitawan.

masakit pa rin sa pakiramdam. paano, ang isang bagay na hindi ko inakalang magwawakas agad eh sa isang iglap biglang mawawala na. parang joke noh?

parang hangin na nakiraan lang.

parang bus na nag-stop over lang para kumain o mag-cr.

parang ewan!

"I need a little good luck to get me by this time.."
-- Tongue Tied, Faber Drive

"ganito ang nararamdaman ko. para akong nasa isang malalim na balon. madilim. nakakatakot. nakakalungkot. pero dumating ka. inabot mo ang kamay mo sa'kin. pero nung aabutin ko na ang kamay mo, dumating siya. at umalis kayong dalawa. hindi ko na naabot ang kamay mo..."

-- A

gusto kong sabihin sa'yo dati. nung araw na un. na ikaw, ako, at siya, magkakaibigan tayong pareho. inabot mo ang kamay mo sa'kin, aabutin naman kita, dumating siya, pero sana nakita mo, na hindi kami umalis at iniwan ka. hindi mo lang tinuloy ang pag-abot. ikaw ang lumayo. at kung tinuloy mo lang, sana nalaman mo, dalawa kaming aabot sa'yo. dalawa kaming hihila sa kamay mo. sana kahit un, naintindihan mo.
________________________________________________________

lahat nang ito ay magkakaibang post sa magkakaibang araw, buwan, taon, oras at pakiramdam na pinagsama lang sa isang pagkakataon, araw, oras, buwan at taon. naghalungkat lang ulit ako ng drafts. nagbabakasakaling may masusumpungan. at marami akong nakita. mga bagay na hindi ko nagawa o kinatakutan kong ibahagi. mga bagay na kailangan na ng matinding privacy. hindi ko malaman kung anong gagawin ko sa mga un. kung mananatili ba sa drafts, bilang pag-alala sa mga nangyaring un lumipas man ang maraming taon, ibabasura dahil hindi na kailangang balikan pa, o ibahagi nang sa ganun ang tunay na ako ay makilala at maunawaan nila. sa huli isang desisyon ang kailangang sundin. at pinili ko ang pangalawa. ibasura. hidi na kailangang balikan ang mga un. hindi na kailangang alalahanin. hindi na kailangang sumpungin. dahil ang buhay, hindi paglalakad nan pabalik. lahat, pasulong. at ang mga 'to, inilagak ko sa iisang komposisyon, dahil hindi man pabalik ang buhay, hindi naman masamang lumingon din paminsan-minsan.

-- Misery.

Wednesday, January 5, 2011

Sayonara~

ikaw: if you're planning to leave me, pwede po give me a hint?
ako: Para saan pa ang paglayo kung sasabihin mo lang din naman un sa taong lalayuan mo? Paano pag sinundan ka, o pigilan.. eh di useless. di ba?

------------------------------------------------------------------


Bakit nga ba kelangan pang magpaalam pag lalayo? Bakit ba may salitang "GOODBYE?" Pwede namang maglaho na lang bigla sa buhay nang isang tao di ba? hindi na kailangang ipangalandakang lalayo ka.  Dahil sa totoong lang, "Paalam" ang isa sa pinaka-masakit na salita. Biruin mo, ilang milyong taon kayong nagkasama. Nasanay sa presensya nang isa't isa. Pinahalagahan ang bawat ala-ala niyong magkasama. Tapos biglang isang araw, lalayo siya. Iiwan ka. Parang nakakabobo lang di ba? Para san pang nagkakilala kung isang araw mawawala lang din siya? Para san pang naging magkaibigan, mag-syota, magkapamilya o kung ano mang relasyon niyo sa isa't isa.  Para saan pang naging mahalaga kayo sa isa't isa?

Para saan pa nga ba?

Kaya pag aalis ka at iiwan mo siya, wag mo nang sabihin. Lumayo ka nang unti-unti. Yung tipong paunti-unti hanggang sa oras na halos hindi na niya mapansing nawala ka, na minsan sa buhay niya naging bahagi ka. Dahil pag sinabi mo pa, ipinaalam mong lalyo ka, oO, pipigilan ka niya. Susundan kung kinakailangan. O kaya ay hintayin. Hindi nga naman kasi madaling mawalan nang taong minamahal.

Kung sana lahat ng tao ay sanay mabuhay ng mag-isa. Baka sakaling hindi nagkaroon nang salitang "GOODBYE" sa english dictionary, o "PAALAM" sa diksyonaryong tagalog o kung anu mang salitang may kaparehong kahulugan niyan.

-----------------------------------------------------------------

"hindi ko pa makita ang sarili kong layuan ka.. baka sakali, at kung gugustuhin mo,  HUWAG NA LANG."