Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Saturday, December 17, 2011

Huwag mong hanapin sa akin ang hindi ako.

Yung pakiramdam na nasasaktan ka.
Ang hirap nun.

Yung pakiramdam na naiiyak ka na sa sobrang sakit kaso hindi mo magawa dahil imbes na iiyak ang nararamdaman, gumagawa ka nan ibang bagay para libangin ang sarili mo at nan makalimutan mo ang masakit na pakiramdam na iyon.

Yung pakiramdam na ilang araw ka nang nasasaktan.
Ilang linggo mo nan kinikimkim ung mga mumunting karayom na tumutusok sa kaliwang dibdib mo.
Ilang buwan mo nang isinasantabi ung mga isiping mas lalo pang makakasakit sa'yo.

Yung pakiramdam na sa tagal tagal nan panahong itinago mo lahat ng masasamang pakiramdam, bigla ka na lang maluluha ng walang dahilan.
Yung tipong naglalaba ka, naghuhugas ng mga plato, tumatae, umiihi, kumakain tapos nanunulay ang mga malalaking patak ng luha sa mga pisngi mo.

Yung pakiramdam na pagpatak ng isang luha, tuloy-tuloy nan bubuhos ang mas madami pang patak. Na kahit anong gawin mong pagpigil, hindi mo na mapigilan. Ung kahit punasan mo man ng ilang ulit patuloy pa din sa pagdaloy. Ung tipong nadedehydrate ka na dahil hindi matapos-tapos ang pagluha mo.

Yung pakiramdam ng sinasabi nilang isinaboteng emosyon.
Yung pakiramdam ng minsan ngunit mabigat na pagluha.
Yung pakiramdam na iyon ang pinaka-iiwas-iwasan ko.

Pero wala ehh.

Mom: Ohh~ anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak diyan sa harap ng PC?
Ako: Wala po. *singhot* May nabasa lang akong kwentong nakakaiyak. *singhot*
Mom: *kunot-noo*
______________________________________

2 comments:

  1. paprang nakatira lang ng rugby sa sing hot sing hot ah.. hahaha XD

    wala.. kaya mo yan kaw ung tiong di sumusuko sa mga bagay bagay.

    ReplyDelete
  2. okarin the mad pala ha :)

    ReplyDelete