Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Monday, December 5, 2011

May bago akong headphones. d(-_-)b

Nakakaiyak.

Hindi ko alam kung bakit madali akong maapektuhan ng mga malulungkot na kanta. At hindi ko rin alam kung bakit patuloy pa rin akong nakikinig sa mga iyon kahit alam kong puro lungkot lang ang hatid sa akin.

"Hindi mo naman talaga gustong itago ung mga nararamdaman mo ehh. Alam ko iyon. Alam kong gusto mo ring sabihin. Ipagsigawan ba. Kaso natatakot ka. Hindi ko alam kung saan pero pakiramdam ko takot ka lang. Kaya ang ginagawa mo, kahit alam mong madali kang maapektuhan ng mga malulungkot na kanta sige ka pa rin sa pakikinig sa mga iyon dahil unconsciously ayaw mo talagang ipunin ung mga nararamdaman mong iyan. Kaya para mailabas mo nakikinig ka sa mga kantang iyan. Tapos pag naapektuhan ka na, naibuhos mo na ung nararamdaman mo, sasabihin mo, kasalanan nung kanta. Pinaiyak ako. Kahit alam nating pareho na nilalabas mo lan ung totoong nararamdaman mo."

Takot saan?

---------------------------------------------

Ung dating headphones ko, matapos ang ilang buwang pagsisilbi medyo nasisira na. Yung isang parte malakas ang tunog, ung isa sobrang hina. Kaya kapag ginamit mo sa malakas na kanta, bingi na iyong isang tenga mo pagkatapos ng kanta. Kaya ang ginagawa ko, pinapahinaan ko ung kanta para medyo magpantay sa tenga ko ung tunog. Un nga lang hindi satisfying dahil nga mahina. Pag nakikinig ako ng musika, gusto ko naka-full volume.

Nag-iiba ang mundo ko pag nakikinig ako nan musika. Pinapakiramdaman ko ang bawat hampas ng drums, tipa ng gitara at ang bawat salitang namumutawi sa bibig ng bokalista. Hindi lang ako nakikinig. Minsan pakiramdam ko nagiging parte ako ng musika. Parang pelikula. Sa loob ng aking utak.

At dahil may bago na akong headphones, ayos na ulit ang pakikinig ko. Full volume na ulit. Kaso ang laman ng playlist ko, puro malulungkot na kanta.

Ang laman ng utak ko, puro masasakit na ala-ala.
Ang laman ng puso ko.. ahh. bubog na lan pala ang nasa 5th Intercostal space, midclavicular line ko.

-------------------------------


"At hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin patungo... sa'yo."

2 comments:

  1. Bago marating ang puso, kelangan wasakin ang rib cage. Gano kalakas ang volume at gano katindi ang emosyon ng mga pinapakinggan mo para makaapekto sa nararamdaman mo?
    Saken gusto ko ng music na hardcore sa hataw. Yun napapatahimik yung mga imaginary boses o kung hindi man, mas malakas kesa sa mga yun. Eargasm.

    ReplyDelete
  2. 5th ICSpace not place. hehe. typo error? xD

    nagresign nako sa hardcore music. hindi ko alam kung bakit. minsan nakikingi pa din naman ako, lalo pag galit ako. pero neto nakaraan puro slow at un sobrang emotional songs lan talaga nasa playlist ko.

    hindi ko alam kung bakit pero naun ko lan narealize, masyado palang brittle an rib cage ko. konting kanta lan napepenetrate na nito an puso ko.

    hi ein. :)

    ReplyDelete