Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, January 5, 2011

Sayonara~

ikaw: if you're planning to leave me, pwede po give me a hint?
ako: Para saan pa ang paglayo kung sasabihin mo lang din naman un sa taong lalayuan mo? Paano pag sinundan ka, o pigilan.. eh di useless. di ba?

------------------------------------------------------------------


Bakit nga ba kelangan pang magpaalam pag lalayo? Bakit ba may salitang "GOODBYE?" Pwede namang maglaho na lang bigla sa buhay nang isang tao di ba? hindi na kailangang ipangalandakang lalayo ka.  Dahil sa totoong lang, "Paalam" ang isa sa pinaka-masakit na salita. Biruin mo, ilang milyong taon kayong nagkasama. Nasanay sa presensya nang isa't isa. Pinahalagahan ang bawat ala-ala niyong magkasama. Tapos biglang isang araw, lalayo siya. Iiwan ka. Parang nakakabobo lang di ba? Para san pang nagkakilala kung isang araw mawawala lang din siya? Para san pang naging magkaibigan, mag-syota, magkapamilya o kung ano mang relasyon niyo sa isa't isa.  Para saan pang naging mahalaga kayo sa isa't isa?

Para saan pa nga ba?

Kaya pag aalis ka at iiwan mo siya, wag mo nang sabihin. Lumayo ka nang unti-unti. Yung tipong paunti-unti hanggang sa oras na halos hindi na niya mapansing nawala ka, na minsan sa buhay niya naging bahagi ka. Dahil pag sinabi mo pa, ipinaalam mong lalyo ka, oO, pipigilan ka niya. Susundan kung kinakailangan. O kaya ay hintayin. Hindi nga naman kasi madaling mawalan nang taong minamahal.

Kung sana lahat ng tao ay sanay mabuhay ng mag-isa. Baka sakaling hindi nagkaroon nang salitang "GOODBYE" sa english dictionary, o "PAALAM" sa diksyonaryong tagalog o kung anu mang salitang may kaparehong kahulugan niyan.

-----------------------------------------------------------------

"hindi ko pa makita ang sarili kong layuan ka.. baka sakali, at kung gugustuhin mo,  HUWAG NA LANG."

No comments:

Post a Comment