Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, December 29, 2010

By this River

hmm.  a good song, a cold weather, a lonely heart and i'm ready to hit the keyboard once again..

hindi ko alam kung blessing ba o sumpa ang pagkakaroon ng blog.  dito ako napapadad pag medyo hindi ko na kayang itago lang ang nararamdaman ko. kumbaga, overwhelming na masyado ung pakiramdam.  malapit nang sumabog. puno na kumbaga ung container at hindi na kasya para sa mga susunod pang pakiramdam.

blessing, dahil nagagawa kong ilabas ang mga bagay na hindi ko kayang sarilinin ngunit hindi ko rin naman kayang ilahad sa iba. may nagsabi minsan, siguro kailangan ko ding magsalita, sabihin kung ano man ung mga pakiramdam na gusto kong ibahagi.. hindi ung puro tipa lang. hindi nga naman sumasagot ang keyboard, o ang pc sa mga katanungang gusto kong hanapan ng sagot. mas mainam pa ding sabihin sa ibang tao. sa isang estranghero, sa pamilya o sa paborito mong kaibigan. sa ganung paraan, hindi man masagot ng tama ang mga katanungan, kahit paano, nagawa mo namang ibahagi ang ilan sa mga pakiramdam. un bang, may sasama sau sa pagbuhat nan mabigat na pasanin, o ung kahit mapasaya mo man lang ang ibang tao dahil binahagian mo sila ng munting kasiyahan mo.

nagawa ko na un. ang magsalita. ang tanong: maganda ba? mas okay ba ang magsalita kaysa magsulat? at higit sa lahat... TOTOO BA? sigurado ka ba sa sarili mo na ung mga ibinabahagi mo eh totoo? o isa lang sa mga milyong-milyong pagpapanggap para masabi mo sa sarili mong kaya mo ding magsalita. naisip ko, oo. nakahanap ako ng mga taong maari kong pagsabihan ng lahat. ng kahit ano. at oo, totoo ako sa lahat ng mga sinasabi ko sa kanila. pero hindi sa lahat ng pagkakataon, totoo ako... may mga bagay pa din akong hindi ko kayang sabihin. mga bagay na dito ko lang maibabahagi.  mga salitang sinasabi ko ngunit nag-iiba ang kahulugan pag isinulat ko na.. tulad ng simpleng "Oo, okay na ako. pwede mo na akong iwan, pwede ka nang matulog.." na ang talagang ibig sabihin ay "wag mo akong iwan. malungkot mag-isa.. dito ka lang.."

sumpa, dahil isa lang ang ibig sabihin pag naparito ako: nalulungkot ako. o tinatamaan ng seasonal depression. basta malungkot. kumbaga, ang pagdalaw dito ay parang pagdalaw sa isang burol ng isang kakilalang namatay na. na ang pagtipa sa bawat letra ay parang pag-iyak habang minamasdan ang taong nakahiga sa kabaong, na alam mong kahit kailan ay hindi mo na siya makikita pa, o mahahawakan, makakasama. at ang pagbuo ng konkreto at solidong kahulugan ng mga letra ay parang paghahatid ng taong yun sa huling hantungan niya. ilalagak ang damdamin anim na talampakan sa ilalim ng lupa, tatabunan at iiwan. umaasang kailanman ay hindi na magbabalik sa ala-alang un.

sa pagparito ko, na-realize ko, na-miss ko din pala ito. ang tagal ko din palang naging sinungaling. ang tagal ko din palang kinimkim lahat ng sama ng loob nitong mga nakaraang buwan. ang daming nangyari. ang daming umalis, madami ding dumating. pero higit sa lahat, madaming nanakit.

malapit nang magbagong-taon. sana kasabay nang pagpapalit nan bawat araw, ang pagbabago ng buhay. akala ko dati, maiaahon na din ako sa dilim na 'to. makukulayan ng gusto kong kulay ang buhay ko.pero sa huli, mukhang mas maganda pa din ang itim sa kahit anong kulay. kulayan mo man ng kahit ano ang buhay mo, sa bawat pagpapalit ng kulay.. sa huli, itim pa din ang magiging kalalabasan nito. itim pa din ang kasasadlakan mo. at kahit ano mang gawin mong baguhing mulit ito, hindi mo na magagawa.

NP: By this River








to be continued..

No comments:

Post a Comment