Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Monday, April 30, 2007

lifeless

Proverbs chapter 24 verse 10. hindi ko alam, pero sa tuwing bubunot ako ng verse para sa advice ko araw-araw, iyan ang madalas kong nabubunot. hindi ko alam kung ano ang nais ipakahulugan ng bersikulong iyan. gusto kong mainis. subalit kung pag-iisipang mabuti, tama naman ang nasasaad diyan. tumutugma sa aking buhay. sa aking kakayahan.

at napag-isip-isip ko, maaaring iyan ang daan upang imulat ko ang aking mata at isipan sa isang katotohanan na siyang magiging daan ko tungo sa pagbabago.

maikling kasulatan. simpleng kataga. pero may mabigat na kahulugan... Proverbs 24:10 "if you are weak in a crisis, you are weak indeed..."

im not o-fuckin-kay!

i've done it again.. this whole lot of shit has penetrated my whole being. i am really stupid.. so stupid to have mistakes done over and over again.. and i am so angry..

i mean, i dont know how to explain how i am feeling right now. it is so intense i couldn't even hold my tears back. it was so strong i could even break a glass with my hand.. and once again i wished i wasn't alive..

'kung panu maging isang daisuke...'

huwag mo akong tingnan sa mukha..



mamaya ngingiti rin ako..



mamaya magiging masaya na rin ako...



________________________________________

Tuesday, April 24, 2007

+i.cry.because.i.suck+

last night i was so afraid to sleep. i wanted to stay up until the sun rises in the east. i dont want to sleep for fear i might have a nightmare once again.. yes. a nightmare.


it isn't the usual kind of nightmare that we know. you know, people-chasing ghosts, people-eating monsters and other stuffs like that. no. it wasnt like that. it's different.


i dreamt of my mom. we were on a place i can't distinguish where. i dont remember how the story goes. or how it happened so fast. i just suddenly saw her being killed by someone. and i was there. i stood there watching her being killed. then holding her as she was gasping for more air to breathe. she died. in my arms. i was so hurt knowing i didnt do anything to save her. then i woke up. sobbing and crying. i know it was just a dream. it isn't real. but the feeling is still there when i woke up. i felt so scared. it was so real i felt so frightened.


________________________________________________________________________


Saturday, April 7, 2007

'im waiting here for you.. to remember how much you loved me.'

maybe i have been in a state of misery. but never did i miss to smile to brighten up someone's day. i mean, i believe there are still a lot of things, (even the smallest ones) that could make me smile. and you are one of them.

thanks for being a smile on my lips. for being the rope i keep on holding on. for being the star that I've always strive to reach. for being the moon, that I've always admired. for being the sun that keeps me hoping for a new tomorrow. for being the book that i read. the pepsi that i drink. the song that i sing. the food that i eat. the movie that i watch. the dreams that i dream. the bed that i used to sleep on. the nonsense things that made sense. (aw! here it goes again!)

thanks for being the gerard way of my life ( though I'm still wishing and hoping and praying for the real gerard way to come along).

thanks for being you who always brighten up my everyday.

and through these, misery will forever live on to be the smile on somebody else's lips. and to be the everything on other people's lives.

i hope i made you smile. the way you did to me.

happy Easter everyone!

___________________________________________________________

* misery now signing off on friendster. ^_^

'not all fairy tales end with happily ever after'

eto na naman ako. inaabala ang sarili sa pamamagitan ng pagtipa ng mga letra sa keyboard. hindi ako nalulungkot o pinagsakluban ng langit at lupa gaya ng madalas kong pakiramdam tuwing nag-popost ako sa blog na to. maayos ang pakiramdam ko ngayon. maari kong masabi na masaya ako. dahil sa mga simpleng bagay na nangyari.

una, dahil nag-uusap na kami ni papa. maundy thursday. umatend kami ng misa. at dahil myembro ng choir ang dalawa kong kapatid, kaming tatlo nina mama at papa ang magkakasamang nagpunta ng simbahan. hindi pa rin kami nagpapansinan nun. at nung banggitin na ng pari ang salitang 'peace be with you' haay. natural lahat ng tao mkikipag- 'peace be with you' din. hindi sana ako tatango pero napilitan ako dahil tinawag ako ni mama. nakipag- peace si papa. tumango lang ako. at un na nga. wala ng iba pang salitang namagitan sa amin. ang simpleng 'peace be with you' lang ay sapat na para burahin ang mga hinanakit na isang linggo din naming itinago sa kasuluksulukan ng aming puso.

sumunod. alam kong hindi habang buhay ako magiging ganito. hindi pwedeng habang-buhay na lang ako kakanta sa videoke, o patuloy na magtitipa sa keyboard minu-minuto. o ang makipagsabayan sa ingay ng mga kanta nina pareng gerard way ng my chemical romance araw-araw. alam kong darating at darating ang oras na kailangan kong harapin ang mga sarili kong pangangailangan. kailangan kong harapin ang naudlot kong pag-aaral labag man sa kalooban ko. kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagkuha sa diploma na sabi nga ni pareng bob ong e, ang tanging requirement para makuha mo ang respeto ng mga tao.

ngayon bukas na ko sa mga magagndang posibilidad sa buhay. pag iniisip kong muli akong tatapak sa isang paaralan ay hindi na ko tinatakasan ng kaluluwa. marahil, magiging maayos na rin ang susunod kong paglalakbay. nasugatan ako ng pakpak dati ngunit alam kong kailangan kong gamutin ang sugat ko at nang muling matutong lumipad. patungo sa aking minimithing pangarap.

maayos ang pag-iisip ko ngayon. puno ng bagong pag-asa. sana lang magtagal to.

_______________________________________________

marami akong natatanggap na mensahe nitong mga nakaraang araw mula sa mga taong hindi ko kilala. lahat sila nagbibigay ng payo na kailangan ko na raw iwan ang pagiging miserable at mag-move on. sa tuwing nakakatanggap ako ng mga ganitong mensahe, napapangiti ako. akala kasi ng iba madalas ehh nasa suicidal state na ko at kailangan ko na ng enlightenment o kaya ng basbas ng pari. hehe. oO maaring naisip ko na ang magpatiwakal at mag-goodbye world sa tuwing dinadalaw ako ng kumare kong si problema ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y sa isip lamang. kahit kailan hindi ko ito magagawa. maraming dahilan. una dahil nakakatakot din. kung maglalas-las ako, masakit iyon. ganundin ang magbigti. kung over-dose naman, baka di ako matuluyan at sermon tiyak ang aabutin ko kung sakali. pangalawa baka pangit ang maging kalalabasan ng itsura ko sa kabaong ko, di ko naman gugustuhin yun noh. dapat ma-beauty pa rin kasi minsan lang naman ililibing ang isang tao buong buhay niya di ba? pangatlo, maaring tama si pareng bob ulit ng sabihin niyang hindi naman iiyak ang buong mundo para sa isang tao lang. oO, tama iyon, sino nga naman ba ako para iyakan ng buong mundo? hindi naman ako si rizal na nagtanggol sa ating bayan, o si bonifacio na nakipagsapalaran sa digmaan, o si rico yan na nakipag-bolahan sa kaniyang kapwa artista. pero magkaganun man, may pamilya ako. pamilyang alam kong tiyak na siyang unang-unang mag-aaksaya ng ilang bote ng vicks tumulo lang ang luha pag nawala ako. mahal ko ang pamilya ko, at ayokong bigyan silang muli ng pasakit para lang sa isang kabaliwang pag-iisip.

balik tayo sa mga nagsesend ng mga mensahe sa akin. ayun. akala yata ng iba, masyado na akong lugmok sa kamiserablehan ng buhay. dahil lang sa maitim kong profile at miserableng pangalan, at kakila-kilabot na mga photos, nag- 'i therefore conclude that misery is in deep misery' na sila. gusto kong malaman nila na oO, minsan nasasadlak ako sa putikang dala ng pagiging tao, ngunit hindi ibig sabihin nun, hindi na ako marunong tumawa o gawing maayos ang buhay ko.  kahit ganito ang buhay ko, nagagawa ko pa rin namang ngumiti sa mga maliliit na mga bagay gaya ng uhm... ewan. basta, un na un. nagagawa ko pa rin namang i-appreciate ang brighter side of life ko. na masaya pa rin ang buhay dahil nakakainom pa rin ako ng pepsi at kape araw-araw. at higit sa lahat alam ko pa rin naman ang ibig sabihin ng salitang pagbabago. hindi ko pa nga lang iniintindi un sa ngayon pero darating din ako sa puntong yun. hindi pa nga lang sa ngayon, o bukas, ngunit darating din ang araw na magagawa ko ng magbago.. for the better of me.

_____________________________________________________

*para lang sa kaalaman ng lahat, ang pangalan kong misery ay isa lamang panlinlang. nabasa ko ang nobela ni pareng stephen king na misery, naadik ako sa pangalang un kaya yun ang ginawa kong pangalan ng profile ko.^_^

a love story... toinks!

good friday kahapon. at gaya ng nakasanayan umatend kami ng procession. buong family. pagdating namin nagstart na ang walang hanggang paglalakad. pero ok lang, nagawa pa naman namin nakahabol sa patron ng baranggay namin. though sobrang dami talaga ng tao at ang hirap sumiksik.


itong post na ito, wala to kinalaman sa mahal na araw. tungkol to ke church guy ( yiikes! ang korni!) hmmm. pagdating namin ng simbahan, sabi ko sa kapatid ko. pag nakita ko siya ngayon, ibig sabihin kami ang para sa isa't isa. nyaaay! wishful thinking@! syempre sa dami ng tao, malabong makita ko siya... magkaiba pa kami ng patron na susundan sa procession kaya, ayun. but still wishing and hoping and praying na makita ko siya. kahit sulyap lang. naks!


ang then, finally, tapos na ang procession. balik simbahan na naman para sa konting basbas. ahem.. and then... tentenenen! i saw him! waah! what does that mean again? hmmm.

Monday, April 2, 2007

'dont try to fix me. i'm N O T broken.'

may mga bagay akong nagawa na hindi ko sinasadyang makasakit ng iba. mga bagay na akala ko ok lang dahil iyon ang pananaw ko, mali pala. hindi pala ako dapat nagpadalus-dalos. hindi pala ako dapat nagmadali. hindi ko pala kailangang tumakbo. dahil sa huli, ako rin ang madadapa. ako rin ang masusugatan. ako rin ang masasaktan.


nagtampo ako sa aking mga kaibigan. nasaan sila sa mga sandaling kailangang-kailangan ko sila? nasaan sila nung mga sandaling kailangan ko ng karamay? ng makakausap? pero naisip ko, hindi lahat ng problema kailangang iasa sa kanila.


mahilig ang mama ko sa videoke. madalas sabay kaming kumakanta. sabay naming inaawit ang mga paboritong awitin na kahit sablay ay tunay namang nakakapagpasaya. kapag tinatanong niya ako kung anong gusto kong awitin niya, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kislap ng kaligayahan. kasiyahang tulad ng sa isang musmos na binigyan ng lollipop. pero alam ko na sa likod ng mga matang buhay at masaya ay nagtatago ang kalungkutang siya lamang ang nakakaalam. mga pait at pasakit na idinulot ng mga awiting hindi natapos. nawalan ng tono. maging ng liriko. pait ng awiting siya lamang ang nakakarinig. siya lang ang umaawit.


mabait ang papa ko. maunawain. hindi siya nananakit ng pisikal. tunay na amang maituturing. pero ang lahat ng magagandang katangian, minsan humahantong din sa hangganan.


kasalanan ko ang lahat. hindi ko iyon ipagkakaila. nagkamali na naman ako. kung bakit ganito ako. hindi ko alam. o mas tamang sabihing alam ko ang dahilan. ayoko lang tanggapin. ayoko lang damhin.


+++++++++++++++++++++++


'alam mo, namimiss ko na ang batang ikaw.' ang sabi ng papa ko. nasa tuktok kami ng bubong ng mga sandaling iyon. madilim ang paligid. malalim ang gabi. dun ako dinala ng mga paa ko pagkatapos ng kaguluhang naganap.


'ang batang puno ng pangarap at ambisyon sa buhay' patuloy lamang ako sa pagluha. ni hindi ko man lang siya tiningnan o sinulyapan man lang. ngunit nakikinig ako sa bawat salitang binibigkas niya. tumatagos ang lahat ng iyon sa aking pagkatao.


'naaalala ko pa ang mga pangarap mong iyon. hindi iyon nawawala sa puso ko. at hindi iyon mawawala kailanman...'


'nasaan na nga ba ang batang iyon? hindi ko na makita sa'yo ang batang iyon. wala na ni anino man lang.. gusto kong intindihin mo na hindi sapat ang minsang pagkabigo para sirain mo ang buhay mo. hindi ko alam ang nararamdaman mo. ang iniisip mo, dahil hindi ka nag-abalang buksan ang puso at isipan mo sa amin. hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa'yo.'


patuloy lamang ako sa pagluha.
tama ang aking ama.
wala na ang batang sinasabi niya.
kahit ako, hindi ko alam kung ang batang iyon ay totoo o maaaring isa lamang bunga ng mapaglarong imahinasyon.


buhay ko ito. lahat ng gagawin ko ang huhulma sa kinabukasan ko. ako ang susulat ng sarili kong kinabukasan. gagamit ba ako ng eraser para burahin ang mapait na karanasan at nang maging malinis ang pagbabago o patuloy na gagamit ng nagtataeng bolpen at ipagpatuloy ang nasimulan nang maduming pagkatao? ako rin ang magpipinta ng sarili kong pag-asa. bughaw at hindi itim. nasa akin ang desisiyon. nasa akin ang pagkakataon. ang huwag nang manatili sa kinatatayuan. kailangan lang ng isang hakbang patungo sa pagbabago...


+++++++++++++++++++++++++


i am feelin' blue.