the other day, nagsend sa akin ung 'ex-bestfriend' ko ng isang chain text tungkol kay Jesus. un bang kapag di mo cnend un sa iba e ibig sabihin, hindi mo Siya mahal. not that i'm against chain texts like that. kung minsan nagsesend din naman ako ng mga ganun, pero ewan ko ba. sinapian yata ako ng demonyo nung araw na iyon at nagawa ko siyang kontrahin. i mean sinadya ko talaga siyang kontrahin. nagreply ako sa kanya. sabi ko, hindi naman kailangan ng chain texts para mapatunayan sa Kanya na mahal mo talaga Siya. kilala ko siya. ayaw na ayaw niya ng kinokontra, pero ginawa ko pa rin. sinabi ko pa na parang ginagawa na nilang kalokohan ang Panginoon dahil sa mga chain text na iyan. e di syempre reply naman siya kaagad. 'ano ba nangyayari sa'yo?' sigurado ako, sa lagay pa lang ng text niya e napipikon na siya. wala naman sabi ko. naiinis lang ako dahil pwede naman nilang ipakita sa pamamagitan ng ibang paraan na mahal mo nga Siya. hindi iyong sa chain text lang. minsan kasi nagiging walang kabuluhan iyon. isinesend lang naman nila iyong mga iyon para sabihin ng iba na maka-Diyos sila. nakikinita ko na salubong na ang kilay niya dahil sa reply ko. parang naririnig ko na rin ang iniisip niya 'bakit mo ba ako kinokontra?' hmmm. gusto ko siyang asarin ng sobra. gusto kong magalit siya. nag-reply siya. 'depende naman sa tao iyon' tama nga naman siya. malay ko kung seryoso nga naman siya sa pagsesend nun. pero kinontra ko pa rin siya. 'kahit na. mas mabuti pa rin kung ipapakita sa ibang paraan. di ka naman Niya ijujudge sa pamamagitan ng kung ilang chain texts tungkol sa Kaniya ang naisend mo di ba?' nagreply siya kaagad. 'oO na panalo ka na' ayun. alam ko sobrang inis na siya. ayos, sabi ko sa sarili ko. nagawa ko na siyang inisin. 'ang laki na ng pinagbago mo!' muli reply niya sa akin. natawa ako. nakangiti ako habang nagtatype ako ng reply. 'kung ano ako ngayon, dahil ito sa listahan ng mga taong nanakit sa akin.' matagal bago siya nag-reply. akala ko pa nga hindi na siya mag-rereply. sa wakas. nasapol ko rin siya sabi ko sa isip ko. 'am i on your list?' reply niya after an eternity. di ko diretsahang sinabi na 'Oo. kasali ka sa listahan ko. ikaw pa nga ang nangunguna e.' hehe. syempre masyadong brutal naman iyon. kaya ang sabi ko. 'what do you think?' di man diretsahan, alam kong nakuha na rin niya ang ibig kong sabihin.
best friend ko siya. uhm, dati. or that's what i think. there was this incident back in high school kung saan nawalan ako ng tiwala sa kaniya. iyon din ang dahilan kung bakit nagsa-suffer ako ngayon ng i'm-afraid-of-the-crowd syndrome ng dahil sa sobrang pagkapahiya noon. naging paranoid ako. natakot ako sa mga tao. pakiramdam ko [kahit hindi] e pinagtatawanan nila ako. hehe. psychologically impaired ang dating. and after all these years, di ko pa rin nagawang alisin ang sama ng loob para sa kaniya. dahil sa lintek na hiyang iyan. sa lintek na takot. sa lintek na pagiging paranoid na baka mapahiya akong muli, nawalan ng saysay ang mga pangarap ko. ang buong pagkatao ko.
nangunguna siya sa hate list ko. silang dalawa ng principal namin nung high school. may kapit kasi kaya nagagawa niya lahat ng gusto niyang gawin. sa mga nakakaalam ng kwentong ito [uuyy, tsismis.] malamang masabi niyong napakababaw ng dahilan ko para magtanim ng galit sa 'ex-best friend' ko. pero para sa akin, kahit gaano pa kababaw, nagiging malalim lalo at dahil sa mababaw na pangyayaring iyon, natutunan kong pagdudahan ang sarili ko. ang kakayahan ko. at nadevelop ang nag-iisang talento ko: paranoia. natakot ako. napahiya.
at ngayon, after so many years na pagtatago ng galit, gusto ko ng lumaban. 'ika nga, lintek lang ang walang ganti. oO, alam ko. walang saysay kung lalaban ako dahil matagal na panahon na ang lumipas nang mangyari iyon. pero kahit ano pang pangaral ang gawin niyo sa akin ngayon, isasara ko ang isipan ko sa mga iyon. malaki ang bahaging naidulot niya sa kung ano ako ngayon. malaking bahagi ng pagkatao ko ang napunit ng dahil sa pangyayaring iyon. ayokong isipin niya na isa akong talunan. na isa akong walang-kwentang tao. walang halaga. mababaw.
pero sa nais kong mangyari, napag-isip-isip ko, na isa na nga akong talunan. walang-kwenta. mababaw. mahina. tama. hindi mangyayari sa akin ito kung naging matatag lang ako. hindi ako magtatanim ng sama ng loob kung sa minsang pagkakalugmok ko e, natuto na akong tumayo muli. at hindi mapupunit ang ilang bahagi ng pagkatao ko kung hindi ako nagpadaig sa mababaw na pangyayaring iyon.
mahina ako dahil pinili kong maging mahina. takot ako dahil pinili kong matakot. talunan ako dahil pinili kong maging talunan. wala akong kwenta dahil pinili kong mawalan ng kwenta. at nawalan ng saysay ang mga pangarap ko dahil hindi ko ito nagawang ipaglaban. mas pinili kong mawalan na lang ito ng saysay.
ganito ako ngayon dahil ito ang pinili kong buhay. ito ang pinili kong landas na dapat tahakin. ang maging mahina. takot. talunan. at walang-kwenta. walang 'ex-bestfriend' na dapat sisihin kundi ang sarili ko lang. dahil pinili ko ito. kung ano ako, ito ay dahil ito ang ginusto ko. dahil ito ang pinili ko//
Friday, March 23, 2007
none of the people i love love me ..I..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
uhm wala lang gusto lang kitang makilala, kung ok lang
ReplyDelete