Ang dali lang magmahal ano?
Konting landi, konting lambing, konting kwentuhan hanggang mag-umaga, konting date, konting flowers at chocolates or sampaguita at choc-nut, konting hi, hello, kumusta, good morning, kumain ka na ba?, good night, i love you mwah mwah tsup tsup.
Madali lang. Pakitaan ka lang ng kaunting effort, maiinlab ka na. Banatan ka lang ng gasgas na pick-up line, kinikilig ka na. Gawan ka lang ng maliit na lab letter, gusto nang kumawala ng puso mo sa kulungan nito. Yakapin ka lang, halikan ka lang, pakiramdam mo ikaw na ang pinaka-special na tao sa buong mundo.
Pero ano ba ang mahirap?
Aminin man natin o hindi, nahirap yung pagtanggap sa kung anong klaseng tao ang mahal mo. Habang nadadagdagan ang mga araw na "kayo," mas nakikilala mo kung ano siya bilang tao. Yung siya na hindi mo nakita nung mga panahong nililigawan ka niya, kasi nga, kailangan ng pogi points di ba?
Medyo mahirap tanggapin kung gaano kabaho ang utot niya, na minsang halikan ka niya, medyo amoy bawang ang hininga niya. Medyo mahirap tanggapin na twice a week lang pala siya maligo o kaya naman mainitin pala ang kaniyang ulo.
Sa mga ganitong pagkakataon, nakikita natin na bukod sa mga bagay na pinagkakasunduan, marami rin pala kayong pagkakaiba. At madalas, mga ganitong bagay ang nagiging sanhi ng mga away.
Yun ang mas mahirap.
Pero mahal mo siya. Kaya nakakaya mong tanggapin kung sino siya. Sa paglipas ng bawat panahon, magagawa mo ring tanggapin ng buo na hindi lang pala siya pogi points. May ugly points din pala. Nagagawa mo ring intindihin na may mga bagay talagang hindi nadadaan sa matinong usapan. Na minsan imbes na naghahalikan, nandyan kayo't nagsisigawan.
Mahirap. Pero kaya. Kasi mahal mo siya.
Madaling gumawa ng mga bagay na ikasisiya niyong dalawa. You dont go through life just living life. You make memories. Beautiful, incomparable memories. Madaling gumawa nito. Masaya kayo. Mga oras at araw na babalik-balikan mo. And every time you remember, you smile. Because you knew that nothing will ever beat those moments.
Tulad nalang nung pagkatuwaan niyong maghalikan sa buong tunnel ng baguio habang nakasakay sa bus (malamang), tulad nung napag usapan niyong maglakad mula Mabilao hanggang bayan ng San Fabian, and your first date? Priceless. Dun mo unang naramdaman na every moment is the right time para sa mga taong umiibig. And every memory is precious. Memories you wanna keep reminding each other every time na alam mong pinanghihinaan ka na ng loob.
Ang mahirap? Bitawan ang mga ala-alang ito. Minsan dumarating yung oras na kailangan nating pakawalan ang mga taong nagiging bahagi ng buhay natin. Kasi minsan, ang pag ibig kahit gaano kalalim, nawawala rin. Mahirap bitawan ang isang-daan at isang ala-ala. Hindi mo basta-basta pwedeng idelete nalang bigla. Mahirap tanggapin na kahit masaya ang bawat sandaling tinatahak niyo patungo sa hinaharap, nagiging mapait ito pag mag isa mo nalang naglakakad pabalik sa nakaraan.
Madali lang kumapit kapag alam mong hindi ka niya iiwan. Mahirap bumitaw kapag ikaw nalang ang nakahawak sa kamay niya. Mabigat, pipilitin mong iangat siya para muli kang masamahan, pero habang inaangat mo siya, mas lalong dumudulas ang pagkakahawak mo sa kaniya. Until you no longer could hold on. Your bone breaks, your fingers snap.
Mahirap makita siyang nahuhulog pababa, pero mas mahirap kapag alam mong may iba na palang sasalo sa kaniya sa ibaba.
Alam nating lahat na hindi pangmatagalan ang kilig, ang spark, the butterflies in your stomach. Those things last. While your relationship gets better each day, nagiging mas kumportable kayo sa isat isa. Yung mga katagang "mahal kita" na kabadong-kabado mong sinasambit, pagdating ng araw nagiging routine na lamang yun.
Anong ginagawa mo? I love you.
Tumatae. I love you too.
Nagiging parte na ang salitang yun sa bawat usapan niyo, mapaseryoso man o kalokohan lang.
At habang mas tumatagal pa, mas madali nalang sayong ipagsa-walang bahala ang mga bagay na hindi mo magawang matanggap nung una. Madali nalang sayo halikan siya kahit katatapos niyang kumain ng shawarma, masasanay ka na rin sa iba-ibang amoy ng utot niya. Nagagawa na rin niyang yakapin ka kahit dalawang beses sa isang linggo ka lang maligo. Nagkakaroon ng familiarity. Nagkakaroon ng mas matibay na pundasyon ang inyong samahan, pero mahirap pag minsan, yung mga bagay na nararamdaman mo nung una, gusto mong maramdaman ulit.
Mahirap kapag
Saturday, October 14, 2017
Ongoing
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment