Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, April 12, 2015

Sayang nga ba?

Handa na akong ipaglaban ka.
Handa na akong talikuran ang lahat makasama lang kita.
Handa na akong iwan ang seguridad na matagal kong hinanap
kapalit ng pagmamahal mo at mga ipinangakong ligaya.
Handa na akong harapin ang takot.
Handa na akong harapin ang mga panghuhusga.

Handa na sana.
Pero wala na pala.
Bago ko pa masimulan, tinapos mo na.
Kahit sabihin mong nadala ka lang sa galit,
o matinding emosyon,
masakit pa ring isiping kayang-kaya mo akong
itapon kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Alam ko nasaktan ka rin sa mga nangyari,
mas higit pa siguro ung sakit na naramdaman mo,
pero hindi ko rin kayang isantabi ung sakit na dulot
ng mga salitang "tapusin na natin 'to."
Lalo na ang mga panghuhusgang hindi kita kayang intindihin
at tanggapin.
Paano ko nga gagawin iyon, kung ikaw mismo hindi mo ipinapaliwanag
ng maayos ang sarili mo.
Gumagawa tayo ng mga bagay na makakasakit sa isa't isa,
saka magsisisihan kung sino nga ba ang hindi kayang manindigan.

Pasensya na kung hindi ko pa kayang magpatawad.
Masyado akong nasaktan.
Kung hanggang dito na lang talaga ang lahat, salamat na lang.

Sana'y makahanap ka ng taong maiintindihan ka, matatanggap ka, maipaglalaban ka.

Kasi, hindi ako iyon.
Kailanman siguro'y hindi magiging ako.
Kahit pa naisin ko.

No comments:

Post a Comment