Lubha akong nagagalak
Dahil sa mga tulang isinulat
Mga titik na nagbigay ngiti sa aking labi
At inspirasyon ang naging silbi
Hindi ko inasahang ako ma'y makakagawa
Akala ko'y isipan ko'y kinakalawang na
Ngunit heto at aking hinahabi ang mga salita
At pinagtatagpi-tagpi ang aking mga nadarama
Maraming bagay sa mundo ang hindi ko mahanapan ng dahilan
Maraming pangyayari ang akala nati'y magdaraan lang
Ang sabi ng iba ang mga ito ay gawa lamang ng pagkakataon
Ngunit ang iba'y tadhana ang inirarason
Ano man ang dahilan nila
Iisa lang ang aking paniniwala
Na pinagtagpo tayo upang magsama
At pagsaluhan ang pag-ibig na walang kasing saya
No comments:
Post a Comment