Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, April 29, 2015

Monday, April 27, 2015

1:12

Pati pagsusulat hindi ko na magawa.
May nararamdaman naman ako.
Nasasaktan naman ako.
Pero walang lumalabas sa utak ko.

Lahat na ng nasa isip ko gusto kong hulihin, gusto kong hawakan, gusto kong itipa, pero wala pa rin. Gusto kong mabawasan man lang tong pangit na pakiramdam na 'to. Gusto kong kahit papaano gumaan man lamang kahit konti. Pero, parang mas lalo pang bumibigat.
Gusto kong umiyak. kaso naubos na yata lahat ng luha ko (OA much). Gusto kong umatungal. Gusto kong maglupasay at umiyak na parang bata. Pero grabe, antanda-tanda ko na ehh. lol.

Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Kung ano ang paniniwalaan ko. O kung maniniwala pa ba ako? Mahal pa rin kita. Mahal na mahal. At masaya pa rin ako sa presensiya mo. Kaya lang minsan, hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ung mga pinapakita mo. Kung totoo ba talaga yung mga sinasabi mo. Panu kung pagtalikod ko, iba naman pala talaga ang hinahanap-hanap mo. Panu kung pagbaba ng telepono, iba naman ang tatawagan mo, ang kakausapin mo. Paano kung hindi lang talaga ako sapat para sa'yo.

Pasensya ka na kung ganito ako mag-isip. Ang hirap lang magtiwala ulit. Yung tipong, ang dami nang nangyari para magtiwala pa. Yung ginagwardiyahan mo ung damdamin mo para hindi ka gaanong madala sa mga salita, kaya lang nagawa mong sipain ung gwardiya.
Nagawa mong buwagin ung pader na ang tagal kong ni-upgrade.
Nagawa mong pasukin ang kasuluk-sulukan ng damdamin ko,
pati na rin ang isipan ko.
Nagawa mo akong pagtiwalain sa'yo.
Tapos bigla kang lalabas at mag-iiwan ng lumot. Lumot ng pagdududa na unti-unting kumakalat sa sistema ko.

Sa totoo lang wala naman talaga akong karapatang magreklamo. Kung tutuusin, hindi naman talaga kasi tayo. Kaya lang, mahal na kita ehh. Mahal na mahal na kita. Kaya, pasensya ka na kung nasasaktan ako. Pasensya ka na kung nagdududa ako. Pasensya ka na kung nahihirapan na akong magtiwala sa'yo. Pasensya ka na kung masyado akong mareklamo.

Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari. Tatawa pa rin ako tuwing kausap mo. babatuhin pa rin kita ng mga korning banat o jokes, kakantahan pa rin kita, sasabihan ng mga salitang makata, kakagatin, yayakapin, hahalikan, pero hindi ko maipapangakong magiging buo sa loob ko ang sayang ipapakita ko.

Nasasaktan pa rin ako.
Nalulungkot pa rin ako.
At hindi ko alam kung hanggang kailan aabutin to.

NOTE TO SELF

Wag nang umasa sa mga bagay na ipinapangakong gagawin ng iba.
Kung sakaling matupad nila



Kung hindi man, at least, wala kang pagsisisihan.
Walang mawawala sa'yo.
Hindi ka masasaktan.

Monday, April 20, 2015

Sagot

Lubha akong nagagalak
Dahil sa mga tulang isinulat
Mga titik na nagbigay ngiti sa aking labi
At inspirasyon ang naging silbi

Hindi ko inasahang ako ma'y makakagawa
Akala ko'y isipan ko'y kinakalawang na
Ngunit heto at aking hinahabi ang mga salita
At pinagtatagpi-tagpi ang aking mga nadarama

Maraming bagay sa mundo ang hindi ko mahanapan ng dahilan
Maraming pangyayari ang akala nati'y magdaraan lang
Ang sabi ng iba ang mga ito ay gawa lamang ng pagkakataon
Ngunit ang iba'y tadhana ang inirarason

Ano man ang dahilan nila
Iisa lang ang aking paniniwala
Na pinagtagpo tayo upang magsama
At pagsaluhan ang pag-ibig na walang kasing saya


Monday, April 13, 2015

"Yung" Moments.

Yung katatapos lang ng isang masayang araw pero nagpupumilit sumiksik ang mga bagay na panandaliang isinantabi.

Yung pakiramdam na nag-expire na kaagad ang kasiyahan.

Yung pakiramdam na gusto mong balikan ang alaalang katatapos lamang upang muling maramdaman na hindi ka pala nag iisa. Na ung taong dahilan ng saya mo ay nandyan pa rin sa tabi mo at hindi ka iniwan.

Yung mga ganitong pagkakataon ang nakakaasar.

"ayoko sa sobrang masaya dahil may kapalit."

Kapalit na tone-toneladang lungkot na ni hindi mo alam kung saan ba galing. Na nandyan lang pala sa loob mo. Na akala mo natunaw na. Nag-invisible lang pala.

Yung...


Boundary

Nature at its finest⭐

This is life.
And I am glad that you are a part of it.


Half life.

Kung pag iisipan ng mabuti,
Kung pipilitin talagang bigyang kahulugan
ang ano mang meron tayo ngayon,
ang relasyong nabuo sa pagitan natin,
masasabi kong it isn't really that of a romantic relationship.

Oo, maaaring mahal nga natin ang isa't isa ngayon,
pero nararamdaman kong mas higit pa doon ang meron tayo.
Higit pa sa isang pagkakaibigan
Higit pa sa isang pag-iibigan
Higit pa sa isang pamilya.

We are kindred spirits.
Soul mates.

Isang bagay na kailanman ay hindi masisira
Hindi matitibag
Hindi malalamatan

Sa'yo ang kalahati ng buhay ko
at alam kong malaking bahagi rin ang inookupa ko sa buhay mo.
Malaking bahagi na kailanma'y hindi mapupunan ng iba
o maaagaw ng mga taong darating pa.

Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang, sabi mo nga.
At hindi man magkaroon ng katuparan ang sumpaang iyan sa ngayon,
naniniwala akong magtatagpo tayong muli pagdating ng panahon
Hindi para bigyang katuparan ang mga pangako
Kundi para punan ang bahagi natin sa buhay ng isa't isa.

Dahil iyan tayo.
Iisa.
One soul dwelling in two bodies sabi nga nila.

Kaya masaya ako, dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo,
ikaw ang nahanap ko
Ikaw ang nakilala ko
Ikaw ang pumupuno sa kalahati ng buhay ko.

Ikaw.
At wala nang iba.


Sunday, April 12, 2015

Sayang nga ba?

Handa na akong ipaglaban ka.
Handa na akong talikuran ang lahat makasama lang kita.
Handa na akong iwan ang seguridad na matagal kong hinanap
kapalit ng pagmamahal mo at mga ipinangakong ligaya.
Handa na akong harapin ang takot.
Handa na akong harapin ang mga panghuhusga.

Handa na sana.
Pero wala na pala.
Bago ko pa masimulan, tinapos mo na.
Kahit sabihin mong nadala ka lang sa galit,
o matinding emosyon,
masakit pa ring isiping kayang-kaya mo akong
itapon kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Alam ko nasaktan ka rin sa mga nangyari,
mas higit pa siguro ung sakit na naramdaman mo,
pero hindi ko rin kayang isantabi ung sakit na dulot
ng mga salitang "tapusin na natin 'to."
Lalo na ang mga panghuhusgang hindi kita kayang intindihin
at tanggapin.
Paano ko nga gagawin iyon, kung ikaw mismo hindi mo ipinapaliwanag
ng maayos ang sarili mo.
Gumagawa tayo ng mga bagay na makakasakit sa isa't isa,
saka magsisisihan kung sino nga ba ang hindi kayang manindigan.

Pasensya na kung hindi ko pa kayang magpatawad.
Masyado akong nasaktan.
Kung hanggang dito na lang talaga ang lahat, salamat na lang.

Sana'y makahanap ka ng taong maiintindihan ka, matatanggap ka, maipaglalaban ka.

Kasi, hindi ako iyon.
Kailanman siguro'y hindi magiging ako.
Kahit pa naisin ko.

6.47

We both have issues.
with ourselves
with everyone around us
with our demons inside us.

So we fight
we argue
we throw hurtful words at each other
inspite of the love that connects us,
it also is the reason that's tearing us apart.

I guess it just wasn't really that strong.
At all.

Or is it... maybe?
Hopefully.

6.35

Nakakapagod.

Thursday, April 2, 2015