Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Monday, October 17, 2016

Rant

People come and then they go.
Maraming bagay silang mga sinasabi kung bakit nakikilala natin yung mga taong bahagi ng buhay natin ngayon. Sabi nila,  nakikilala raw natin sila para may matutunan tayo sa isa't isa. Na tama nga naman.
Ano man ang naging buhay mo kasama siya, along the way,  meron at meron kang matututunan.
At ano man ang maging "ending" ng pagsasama ninyo, lahat ng iyon ay isa pa ring malaking "blessing."
Pero may mga taong nagiging parte ng malaking bahagi ng pagkatao natin. Na kapag nawala, kahit anong gawin mo sigurong pagpuno sa bahaging nawala, hindi pa rin sasapat. Na siya at siya lamang ang magmamay-ari ng bahaging iyon. Wala nang iba. Tulad niya.

Dear X,

Hindi ko alam kung anong pwede kong maramdaman sa ngayon. Pero ito muna,  magrarant na muna ako:

SOBRANG UNFAIR MO. you made me fall in love with you. So deeply tapos biglang ganito. Grabe ka bes. Hindi mo man lang ako pinagprepare. Hehe.
GUSTO KONG MAGALIT SAYO. Kasi ganito nga. Nangako ka na hindi ka na ulit makikipagbreak sa akin,  tapos naniwala ako. Pinaniwala mo ako sa lahat ng bagay. You made me trust you,  you almost made me feel secure only to take that security away. Para mo akong biglang hinubaran. Haha. At ang ginaw sa pakiramdam.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang sakit na mata ko sa kaiiiyak alam mo ba yun? Haha. Pero kahit ganun man,  mahal na mahal pa rin kita. Sobra. At kahit anong gawin mo pa siguro wala nan tatalo sa pagmamahal na nararamdaman ko para sayo. Malas mo lang hindi mo na mararamdaman ang masarap kong pagmamahal. Haha. Ha. Ha. Ang sakit sakit.  Sobra. Naiiyak na naman ako.


No comments:

Post a Comment