Dear X,
Kung sakali mang maisipan mong buksan ulit tong blog ko, etou..
Sorry.
Sa mga bagay na ginagawa ko na minsan nakakasakit sa'yo.
Sa mga bagay na sinasabi ko na minsan nakakapagpamura sa'yo.
Sa mga bagay tungkol sa sarili ko na minsan hindi ko maintindihan
Na siyang nagdudulot nan sakit at nakakapagpamura sa'yo.
Pero minsan, kahit na ako mismo hindi ko maintindihan ang sarili ko,
gusto ko pa ring ipaintindi sa'yo...
Ipaintindi na
madalas magulo talaga ako.
mahirap akong intindihin. Sobra. Syempre magulo nga ako di ba?
may mga bagay akong sinasabi at ginagawa
na madalas taliwas naman talaga sa nararamdaman ko.
Dahil minsan pinapangunahan ko ung mga bagay-bagay.
Tulad na lang kapag sinasabi mong may doubt pa rin ako tungkol sa nararamdaman mo para sa akin. Hindi naman talaga ako nagdududa. Sabi ko, takot lang akong paniwalaan un totally. Pero sa totoo lang, buong-buo na ung paniniwalang yun. Natatakot lang talaga ako na baka dumating agad yung araw na mawala yang nararamdaman mo. Kaya mas mabuti nalang na paniwalain ko ung sarili ko na hindi talaga ako naniniwala nan buo sa nararamdaman mo. Para kung sakali mang matapos agad 'to. At least, kahit ginagago ko lang yung sarili ko, siguro naman kahit konti, mabawasan man lan yung pain na dala nung bagay na yun. (ewan kung nagets mo ung logic. Hirap iexplain)
Gusto ko ring ipaintindi sa'yo na
Kung piliin mo mang mag-stay,
Marami ka pang mararanasang kabaliwan ko.
Madalas pa rin kitang aawayin (depende kung gaano kagulo at kaintense yun mood ko)
Madalas pa rin akong gagawa ng mga bagay na (medyo?) unreasonable, na siyang magiging dahilan nan pagtatalo at pang-aaway ko sa'yo
Dahil...
Minsan, unfair man para sayo o para sa ibang tao, sa ganung paraan ko lang nailalabas o naiexpress yung emotions ko. Yung tipong kahit malungkot lang ako, sa galit ko pa rin dinadaan para lang mabawasan nan konti ung pakiramdam.
Kaso sabi ko nga, unfair yun. Para sayo. Para sa taong napagbubuntunan ko nan galit.
Pero gusto kong malaman mo yung bagay na yun.
Gusto kong maintindihan mo.
Para malaman mo, maintindihan mo at mapagdesisyunan mo kung gugustuhin mo pa bang manatili sa tabi ko.
Dahil, sinisiguro ko (ndi ito threat) mahirap talaga akong ihandle. As in sobrang hirap (sabi nila)
May nagsabi pa nga dati, ang hirap daw basahin kung ano talaga ang ugali ko. Hehe. (patalastas)
Ayakong dumating ung araw na pagsisihan mo lang 'to.
Na baka masayang lang ung oras mo sa isang walang kwentang taong katulad ko.
Higit sa lahat. Hindi ko maipapangako na puro saya lang ang maibibigay ko. Alam kong mas marami akong maibibigay na lungkot.
So. If you still want to stay despite all these, then, salamat nang sobra.
I will probably break you in the process. Pero, pangako naman na sa bawat pagbasag ko sayo, at the end of the day, gagawin ko parin ang lahat para muling buuin ka.
Eto lang po ung maiooffer ko. Napakanegative nang dating, alam ko. Pero un lang ang kaya ko. Ito. At ang pagmamahal ko.
Mahal na mahal kita. Sobra pa. Mas sobra. Sobrang-sobra. At kahit anong gawin kong pagbabalak na umiwas, o umalis, o tumigil, hindi ko magawa. Dahil sa unang hakbang palang paalis, hinahatak mo na ako kaagad pabalik. Ganun kalakas ang epekto mo sakin. Ganun kasobra ang lupit ng tadhana. Lol. Pero hindi ako nagsisisi. Hinding hindi ko pagsisisihan ang lahat ng bagay na may kinalaman sayo.
Yun lang.
Sorry kung medyo magulo pa rin ang kimahinatnan nito.
Love,
Y.
No comments:
Post a Comment