Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, February 1, 2015

1:48

"Huwag mo akong iiwan..."

Ngayon ko lang napagtanto, yan pala ang pinaka-"unfair" na mga salitang maririnig mo.
Hindi i hate you, hindi i love you, hindi paalam, hindi sorry, hindi kung anu-ano
pang mga salita o grupo ng mga salita na matatagpuan sa dictionary.

Yan lang. Huwag mo akong iiwan.
Sa totoo lang, ang simple ng bagay na yan pero nagiging mahirap
at higit sa lahat,
hindi patas.

Dahil lamang sa kadahilanang hindi mo binibigyan ng pagkakataon yung taong
makapamili kung gusto ba niyang manatili o umalis na lang.
Dahil sa kadahilanang itinatali mo siya sa isang bagay
na alam niyang sa sarili niya ay kailanma'y
hindi magkakaroon ng kasiguruhan.
Dahil minsan, hindi mo lamang siya itinatali ngunit iginagapos, ikinukulong,
ikinakandado at saka itatapon ang susi.

Paano kung gusto na niyang lumaya?
Paano niya masasabi ang katotohanang gusto na niyang muling
lumipad at humanap ng ibang lungga?
Sinong matino ang makakayang iwanan ang isang taong nagsasabing
hinding-hindi niya makakaya kapag nawala ka?
Sinong matino ang makakayang iwanan ang isang taong
nagmamakaawang manatili ka?

Paano mo magagawang ipaliwanag na hindi dapat ikaw
ang magsilbing buhay niya?
Na hindi dapat sa'yo lang
umiikot ang mundo niya.

Na kahit mawala ka...
makakaya niya.

Paano ka nga ba kakawala?


No comments:

Post a Comment