Sabi ko sa sarili ko dati, pagdating ko dito sa blogger, magiging light na ang tema nan mga posts ko. Pero hanggang ngayon pakiramdam ko nababalutan pa din ako nan mga maiitim na usok :3
Masaklap ba yun?
Napapadpad lan naman kasi ako dito kapag may mga lumulutang na smog sa utak ko. Hindi ko naman masyadong magawang magsulat kapag mga bituin o mga puso ang dumadaloy sa mga mumunting sinulid sa utak ko.
Pero.
Ano nga ba.
Wala lang.
Naisip ko lan.
Eto siguro light lan ang tema. O mausok pa din?
Tingin mo?
Saturday, December 31, 2011
Saturday, December 17, 2011
Huwag mong hanapin sa akin ang hindi ako.
Yung pakiramdam na nasasaktan ka.
Ang hirap nun.
Yung pakiramdam na naiiyak ka na sa sobrang sakit kaso hindi mo magawa dahil imbes na iiyak ang nararamdaman, gumagawa ka nan ibang bagay para libangin ang sarili mo at nan makalimutan mo ang masakit na pakiramdam na iyon.
Yung pakiramdam na ilang araw ka nang nasasaktan.
Ilang linggo mo nan kinikimkim ung mga mumunting karayom na tumutusok sa kaliwang dibdib mo.
Ilang buwan mo nang isinasantabi ung mga isiping mas lalo pang makakasakit sa'yo.
Yung pakiramdam na sa tagal tagal nan panahong itinago mo lahat ng masasamang pakiramdam, bigla ka na lang maluluha ng walang dahilan.
Yung tipong naglalaba ka, naghuhugas ng mga plato, tumatae, umiihi, kumakain tapos nanunulay ang mga malalaking patak ng luha sa mga pisngi mo.
Yung pakiramdam na pagpatak ng isang luha, tuloy-tuloy nan bubuhos ang mas madami pang patak. Na kahit anong gawin mong pagpigil, hindi mo na mapigilan. Ung kahit punasan mo man ng ilang ulit patuloy pa din sa pagdaloy. Ung tipong nadedehydrate ka na dahil hindi matapos-tapos ang pagluha mo.
Yung pakiramdam ng sinasabi nilang isinaboteng emosyon.
Yung pakiramdam ng minsan ngunit mabigat na pagluha.
Yung pakiramdam na iyon ang pinaka-iiwas-iwasan ko.
Pero wala ehh.
Mom: Ohh~ anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak diyan sa harap ng PC?
Ako: Wala po. *singhot* May nabasa lang akong kwentong nakakaiyak. *singhot*
Mom: *kunot-noo*
______________________________________

Wednesday, December 14, 2011
I won't CUT.
New goals:
WON'T CUT..
*until my birthday
*Christmas Day
*New Year's Day
________________________
Rewards?
hmmm.
Any suggestions? ;)
------
*this post will be updated every time I reach (or I don't) my goals.

Monday, December 5, 2011
May bago akong headphones. d(-_-)b
Nakakaiyak.
Hindi ko alam kung bakit madali akong maapektuhan ng mga malulungkot na kanta. At hindi ko rin alam kung bakit patuloy pa rin akong nakikinig sa mga iyon kahit alam kong puro lungkot lang ang hatid sa akin.
"Hindi mo naman talaga gustong itago ung mga nararamdaman mo ehh. Alam ko iyon. Alam kong gusto mo ring sabihin. Ipagsigawan ba. Kaso natatakot ka. Hindi ko alam kung saan pero pakiramdam ko takot ka lang. Kaya ang ginagawa mo, kahit alam mong madali kang maapektuhan ng mga malulungkot na kanta sige ka pa rin sa pakikinig sa mga iyon dahil unconsciously ayaw mo talagang ipunin ung mga nararamdaman mong iyan. Kaya para mailabas mo nakikinig ka sa mga kantang iyan. Tapos pag naapektuhan ka na, naibuhos mo na ung nararamdaman mo, sasabihin mo, kasalanan nung kanta. Pinaiyak ako. Kahit alam nating pareho na nilalabas mo lan ung totoong nararamdaman mo."
Takot saan?
---------------------------------------------
Ung dating headphones ko, matapos ang ilang buwang pagsisilbi medyo nasisira na. Yung isang parte malakas ang tunog, ung isa sobrang hina. Kaya kapag ginamit mo sa malakas na kanta, bingi na iyong isang tenga mo pagkatapos ng kanta. Kaya ang ginagawa ko, pinapahinaan ko ung kanta para medyo magpantay sa tenga ko ung tunog. Un nga lang hindi satisfying dahil nga mahina. Pag nakikinig ako ng musika, gusto ko naka-full volume.
Nag-iiba ang mundo ko pag nakikinig ako nan musika. Pinapakiramdaman ko ang bawat hampas ng drums, tipa ng gitara at ang bawat salitang namumutawi sa bibig ng bokalista. Hindi lang ako nakikinig. Minsan pakiramdam ko nagiging parte ako ng musika. Parang pelikula. Sa loob ng aking utak.
At dahil may bago na akong headphones, ayos na ulit ang pakikinig ko. Full volume na ulit. Kaso ang laman ng playlist ko, puro malulungkot na kanta.
Ang laman ng utak ko, puro masasakit na ala-ala.
Ang laman ng puso ko.. ahh. bubog na lan pala ang nasa 5th Intercostal space, midclavicular line ko.
-------------------------------
"At hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin patungo... sa'yo."

Subscribe to:
Comments (Atom)