there's never a shortcut to happiness.
kung meron man, isa na ako sa mga magkukumahog na malaman ang shortcut nito. sino ba namang may ayaw maging masaya di ba? sino bang may gustong laging maging malungkot? masaktan? mahirapan? wala naman. at kung meron man, sira na lang talaga ang ulo ng kung sino mang un.
i do not know what to really feel this day. i've been feeling mixed emotions since i woke up this morning. at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko...
masaya ako. dahil sa kaniya. hindi man diretsahan, at least nagkaroon naman ng magandang kinalabasan. at masaya na ako dun. hindi ako naghihintay ng kapalit sa mga sinabi ko. kung ano kami ngayon, tama na un. kontento na ako. ang mahalaga, nalaman niya. at walang nagbago sa samahan naming dalawa. masarap sa pakiramdam na hindi man masuklian ng kung ano man ung nais mong isukli sa'yo, pero imbes na mag-iwasan, mas lalo pang tumibay ang samahan. *hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero pakiramdam ko paulit-ulit lang ung mga pinagsasabi ko* basta. kung maligaw ka man dito at mabasa mo ito. wag ka ng magduda. opo, ikaw ang tinutukoy ko. at gusto kong malaman mo, na masaya ako, at nagpapapasalamat sa pang-unawa mo. .. mahal na kita. pero mas mahal ko pa rin ang sarili ko. ahaha. -- this is a fiction
i am relieved. sa wakas natapos ko na rin ung medical exam ko. na dapat last week pa natapos. pero at least ngayon ok na. enrollment na lang poproblemahin ko. buti na lang sa thurs pa ang talagang klase namin. hindi nga lang ako naka-attend ng orientation kanina. lagot. ratio na naman. haiz. hindi pa pala tapos ang kalbaryo. burr.
malungkot ako. at ito ang pinakamatindi sa mga kalbaryo ko. ewan ko ba. nakakaramdam na naman ako ng kakulangan sa pagkatao ko. hindi ko alam kung guni-guni ko lang o dahil busog lang ako *burp*
ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na kailangan kong tangapin pag ni-reject ako ng mga taong gusto kong tanggapin ako. hindi ko kailangang malungkot. o masaktan. bagaman at mahirap un. mahirap balewalain na wala lang sa'kin kung hindi man ako tanggapin. ang tigas kasi ng ulo ko. hindi marunong madala. *sigh*
matagal-tagal na din mula nang maramdaman ko kung panu ba masugat sa sariling bubog. oo, masarap sa pakiramdam ung masugatan, masaktan sa pisikal na paraan. pero sa emosyonal, nakakatakot. nakakatakot malunod sa pakiramdam, baka sa isang iglap, hindi mo mamalayan, hindi ka na pala makaahon sa sobrang pagkalunod. wala nang makakasagip. nilamon nan nang buong-buo.
sabi dun sa result nan isang quiz na ni-take ko sa facebook: If you wear "The Jester" mask, then you probably like to show yourself having a fun time around others. You laugh, joke, and play around with your friends, but that's probably not the real you. Your real you and the one you pretend to be around others are probably worlds apart. For your charade to end, you just need to figure out for yourself that a true friend will accept you for who you are. Find out that you dont really need to be wearing your mask. totoo naman. minsan, mas magandang maglagay ng maskara. para kung ano lang ung gusto mong paniwalaan nila, un lang ang pwede mong ipakita. pero pag tumagal, minsan hindi mo namamalayan, nagiging maskara na pala ang buong pagkatao mo. wala ng totoo sa lahat ng pinapakita mo. lahat ng galaw mo, sunod na lan sa maskara mo.
mas madaling maging manhid. ung balewala lang "kuno" ung nararamdamang sakit sa kalooban. sa kung parati ka ba namang masasaktan na lang, sino ang hindi magiging manhid sa pakiramdam? kumbaga kung sa gamot, pag palaging iniinom kahit hindi naman kailangan, gumagawa ang katawan natin nang resistensiya sa nasabing gamot. kaya sa susunod na pag-inom pag kailangan na, wala ng epekto. wala nang talab.
it's been weeks. sa maraming pagkakataon na ginusto kong talikuran siya, hindi ko pa rin magawa. at sa maraming pagkakataon, heto akong muli, umaasa sa wala. sabi ko sa sarili ko nung isang gabi, ok na. tanggap ko na ng buong puso na kailanman hanggang dito na lang talaga ang kwento namin.
masaya pa rin naman ako, dahil kahit paano, kaibigan ko pa rin siya. gaya ng dati.. pero hindi ko alam. sinapian na naman ako ng kakaibang pakiramdam na 'to. hindi pa pala tapos ang lahat. heto pa rin ako, hinihigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay niya, kahit alam kong gusto na niyang bumitaw sa pagkakahawak kong un. gusto ko na ring pakawalan, pero hindi ko magawang buksan ang mga palad ko at tuluyan siyang bitawan.
masakit pa rin sa pakiramdam. paano, ang isang bagay na hindi ko inakalang magwawakas agad eh sa isang iglap biglang mawawala na. parang joke noh?
parang hangin na nakiraan lang.
parang bus na nag-stop over lang para kumain o mag-cr.
parang ewan!
"I need a little good luck to get me by this time.."
-- Tongue Tied, Faber Drive
"ganito ang nararamdaman ko. para akong nasa isang malalim na balon. madilim. nakakatakot. nakakalungkot. pero dumating ka. inabot mo ang kamay mo sa'kin. pero nung aabutin ko na ang kamay mo, dumating siya. at umalis kayong dalawa. hindi ko na naabot ang kamay mo..."
-- A
gusto kong sabihin sa'yo dati. nung araw na un. na ikaw, ako, at siya, magkakaibigan tayong pareho. inabot mo ang kamay mo sa'kin, aabutin naman kita, dumating siya, pero sana nakita mo, na hindi kami umalis at iniwan ka. hindi mo lang tinuloy ang pag-abot. ikaw ang lumayo. at kung tinuloy mo lang, sana nalaman mo, dalawa kaming aabot sa'yo. dalawa kaming hihila sa kamay mo. sana kahit un, naintindihan mo.
________________________________________________________
lahat nang ito ay magkakaibang post sa magkakaibang araw, buwan, taon, oras at pakiramdam na pinagsama lang sa isang pagkakataon, araw, oras, buwan at taon. naghalungkat lang ulit ako ng drafts. nagbabakasakaling may masusumpungan. at marami akong nakita. mga bagay na hindi ko nagawa o kinatakutan kong ibahagi. mga bagay na kailangan na ng matinding privacy. hindi ko malaman kung anong gagawin ko sa mga un. kung mananatili ba sa drafts, bilang pag-alala sa mga nangyaring un lumipas man ang maraming taon, ibabasura dahil hindi na kailangang balikan pa, o ibahagi nang sa ganun ang tunay na ako ay makilala at maunawaan nila. sa huli isang desisyon ang kailangang sundin. at pinili ko ang pangalawa. ibasura. hidi na kailangang balikan ang mga un. hindi na kailangang alalahanin. hindi na kailangang sumpungin. dahil ang buhay, hindi paglalakad nan pabalik. lahat, pasulong. at ang mga 'to, inilagak ko sa iisang komposisyon, dahil hindi man pabalik ang buhay, hindi naman masamang lumingon din paminsan-minsan.
-- Misery.
you made me say the f-word twice. nagulat lan ko, muntik na malaglag eyeballs ko. un una dahil dito: kung maligaw ka man dito at mabasa mo ito. wag ka ng magduda. opo, ikaw ang tinutukoy ko. nagulat lan ako, at, well, nag-assume ako na ako un... buti mei note sa huli na compilations to. hmm. un pangalawa, dahil now playing ang tongue tied nun binabasa ko to.
ReplyDeleteparehas naman masakit ang maiwan at mang-iwan. *youve got to hurt before you heal sabi nga sa isang kanta. hindi ba pwedeng isipin na hindi lan ikaw un nasasaktan? madaming rason para umiwas o umalis. i know. kase lagi kong ginagawa. siguro sasabihin mo, kung importante ka talaga sa tao hindi ka kelangan iwanan. pano kun, kelangan kang iwanan dahil importante ka? i dont know if you get the difference. hindi parating for selfish reasons kaia may iwanang nanyayari. *i just felt the need na i-explain un sarili ko, eh?
ginagawa ko den mag-ipon nan drafts, usually rants lan, o kia letter-salad, type dian, type dito kahit hindi na words un nabubuo nan letters.
-e.
i get the difference. and i know what you mean by it. and i guess i'd want to say i kind of feel the same way now. ung "need" para mang-iwan o lumayo. i guess i understand it now. sensya sa hindi pang-unawa dati.
ReplyDelete-m.