gusto kitang makasama. kahit minsan lang. gusto kong mahawakan ang isa sa mga taong pinahahalagahan ko nang sobrang-sobra.
sabi mo dati "kung pwede lang mag-evaporate at pumunta sa'yo"
kung pwede nga lang sana.
dahil..
gustong-gusto na kitang makita.
mayakap.
makakwentuhan.
totoo ka ba?
minsan gusto kong tanungin sa'yo iyan. dahil gusto kong malaman na hindi ka lamang gawa ng imahinasyon ko, ng puso ko.
minsan gusto kong tanungin sa'yo iyan. dahil natatakot akong isang araw paggising ko, wala ka na rin sa tabi ko. dahil tapos na pala ang panaginip ko.
masaya akong nakilala kita.
masaya akong nakausap kita.
at mas masaya akong naging kaibigan kita.
_______________________________________________
sana pwedeng mag-evaporate at pumunta sa'yo.
hey. with you, i dont know, pakiramdam ko sobrang laki nan importansya ko - na parang ang laki laki nan halaga ko. minsan nakakalunod, yung friendship naten, i mean. hindi ko alam kung bakit ganun yun nararamdaman ko. alam ko lang, nakakalunod in a very, very positive way. masaya ako na.. andian ka lan. i mean - masaya ako na isa ka sa iilan na nandian kapag kelangan ko nan kausap o nan masasandalan. we've known each for how many years na ba? i dont think kaya ko kapag alam mo un, one day, bigla ka na lan mawala. siguro kaya or kakayanin. like with anyone else, maybe i could shrug it off. maybe. ehe, ewan, ayoko na lang malaman.
ReplyDeletenatanong ko na rin sa sarili minsan yan, yung mga tanong mo sa taas. madalas, gusto rin kitang tanungin. baka kasi dinadaya na lan ako nan nararamdaman ko. baka kasi yung hunger ko na bigyan nan importansya at pagpapahalaga eh tinabunan na ung ability kong i-distinguish un reality sa dream. ewan.
tulad mo, masaya rin ako na nakilala kita. masaya ako na nakakausap kita. sobrang saya ko din nun naging kaibigan kita.
salamat ah. kahit pairamdam ko kulang un isang salita lang sa lahat-lahat nan pinag share-an natin.
salamat.
-ein
(down ang blog ko, lilipat ko un contents na na save ko sa iba)