ewan ko ba, pero nitong nakaraan, pakiramdam ko napaka-unwanted ko. hindi ko alam kung gawa lang to ulit ng guni-guni ko, seasonal depression na naman ba o epekto lan nan "red days". pero masakit sa loob. ndi naman mahirap iparamdam ang presensya. kahit saglit lan. pero bakit di nila magawa. hay. sawa na ako sa ganito. ung ako na lan lagi ung andyan para sa kanila. pero di naman nila magawa un para sa'kin. alam ko, masyadong selfish un. sabi nga nila, kung mahalaga sa'yo ang isang tao, hindi mo naman kailangang magdemand ng kapalit. pero ano. tao lan din naman ako. gusto ko rin ng karamay. gusto ko ring mapahalagahan katulad ng pagpapahalaga ko sa kanila.
mahirap sigurong intindihin un. o mahirap lan talaga akong pahalagahan. o siguro sadyang hindi lan talaga ako worth it ng pagpapahalaga nila.
sana hindi ko na lang naramdaman minsan na may kasama ako.
para madali lang paghandaan ang mga ganitong bagay.
na kapag naiwan na ako, hindi ako masasaktan.
natuto na lan sana akong mag-isa.
hindi na lang sana ako naging mapaghanap.
ngayon, hindi ko na alam kung paano babalik sa dati.
kung kelan, sarili ko lan ang iniisip ko.
walang ibang makaksakit sa loob ko kundi ako lan.
______________________________________________________________________________________________________
minsan gusto ko rin talagang magsalita.
hindi langisulat ang nararamdaman.
sa totoo lang, marami akong gustong sabihin...
kaso, ang tanong, MAY MAKIKINIG BA?
*i'm feeling so blue..
meron...
ReplyDeletekahit pasulput-sulpot, meron namang makikinig sa'yo... nag-aabang ng tamang tiyempo... :)
sa totoo lang...I feel guilty. Tamang tama saken tong post mo...hindi man direktang saken *di nga ba? :)* pero natatamaan talaga ako...
hindi man ako laging nakakapagparamdam... may sitwasyon lang akong iniiwasan... pero pag may pagkakataon, sumusulpot na lang ako parang kabute...hehe
for the past years na nakilala kita, nalulungkot lang ako kasi tuwing susulpot ako, lagi ka na lang nasa ganyang estado... malungkot, unwanted at pakiramdam mo lagi kang nag-iisa...
siguro bru, you have to accept some things that is beyond your hold. naks english... pero un nga...
May mga pagkakataon kasi na hindi mo mapapanatili sa tabi mo ang isang bagay, kasi may iba pa siyang purpose bukod sa pananatili sa tabi mo. Sabi mo nga, nahihirapan ka na sa ganyang sitwasyon, siguro dapat mo namang pagtuunan ng pansin ang sarili mo ngayon bru...
parang andali magsalita anu? kasi hindi naman ako yung nakakaramdam at ako yung laging nang-iiwan, sino ba 'ko para magsalita ng ganito...pero, concern lang ako sa'yo... at maniwala ka, nasasaktan ako 'pag nalalaman kong ganyan ka, wala naman akong ibang paraan na alam para makausap ka... dito lang...
pero alam ko, hindi lang isa ang makikinig sayo... marami... at wag mong sabihing di ka pinahahalagahan... kasi magagalit ako sayo pag sinabi mo pa ulit un...
o sya napahaba na tong comment ko, parang blog...hehe
remember: andito lang ako ha... sumusulpot sulpot... ^^,
ang iyong kaibigan,
kabute. :)
nice, kabute :D
ReplyDeleteyeah misery maraming nakikinig sayo... always smile my friend !
nice kabute :D
ReplyDeleteyeah misery maraming nakikinig sayo, always smile my friend !
hmm. thanks po :D though, i don't know you? but still, thanks :)
ReplyDelete