Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, September 16, 2009

B R O K E N



I AM BROKEN.


sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ung pakiramdam na talagang wasak. ni minsan hindi ko naisip na wasak ako. pakiramdam ko kasi masyadong exaggerated un para sa isang pagkabigo lang. nasasaktan ako. madalas. nitong mga nakaraang araw. pero hindi wasak. ngayon lang.


masyadong matindi ung pakiramdam. UNG TIPONG BASAG KA NA, DUROG KA PA. ung tipong kahit ikaw mismo nasusugat na sa sarili mong bubog. ung tipong kahit anong gawing pagtagpi-tagpi sa nagkabasag-basag mong bahagi, hindi na kailanman maibabalik ito sa dati.


BROKEN.



SHATTERED INTO PIECES.


hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. kung ano ba ang dahilan. ang alam ko lang masyado talagang matindi itong pakiramdam. ung tipong gusto mong pagsusuntukin ung pader, o pagbabasagin lahat ng babasaging gamit, o pagtatadyakan lahat ng bagay na maabot ng mga paa mo sa tindi ng emosyon na nararamdaman mo.


ito lang ang totoo sa ngayon. hindi sapat ang pagtipa lang ng mga letra at paglalarawan sa pahinang ito ng mga nararamdaman ko ngayon. hindi ito sapat. gusto ko ng mas matinding paglalabas ng emosyon. higit pa sa paguukit [ng paulit-ulit] sa pangalan ko sa kaliwang kamay ko. higit pa roon. mas matindi. gusto kong mandamay ng iba sa nararamdaman ko ngayon. isisi sa lahat itong miserableng pakiramdam na 'to. hilahin kahit ang pinakinosenteng tao sa madilim na bahaging ito ng pagkatao ko.


hindi ito sapat.


hindi ito kailanman magiging sapat.


gusto kong sumigaw ng malakas. ung tipong maririnig ng buong mundo ang sigaw ko sa sobrang lakas nito. gusto kong umiyak. ung hindi lang simpleng pag-iyak o pagtulo ng luha. gustong humagulgol. umatungal. haha. gusto ko. gusto kong umiyak...


gusto kong hiramin ang balikat mo, pero natatakot akong baka masugatan ka sa mga bubog ko.


gusto kong hawakan mo rin ang mga kamay ko tulad ng pagkakahawak ko sa'yo.


gusto kong yakapin ka. ng mahigpit. ung tipong mararamdaman kong hinding-hindi mo ako pakakawalan sa pagkakayakap mo.


gusto ko ring punasan mo ang mga luha ko, tulad ng pagpupunas ko ng sa'yo.


gusto kong malaman mo, na wasak na wasak ako ngayon.


at marahil, dahil iyon sa'yo.



___________________________________________________________


YOU'RE IN RUINS.


~ 21 guns/green day


Sunday, September 13, 2009

Excerpt

'hindi ako magkwekwento ngayon. [sabagay, kelan ba ako nagkwento?] haha. puro pahaging lang naman. puro "excerpt" ng nobela ng buhay ko. toinks. korni.


hindi pa rin ako magkukwento. pero gusto kong maglabas ng nararamdaman ko. un naman talaga ang madalas na dahilan pag napapadpad ako dito..


arianne: ayoko sa sobrang masaya. dahil may kapalit.


tama siya. at ung kapalit na un. masahol pa sa pinakamasakit na pakiramdam. ibang klase talaga dumiskarte ang tadhana. papatikimin ka ng saya, tapos sa isang iglap biglang babawiin. parang pinaglalaruan ka lang. pinagtritripan. at nakakabadtrip madalas. un tipong gusto mong isumpa ang tadhana sa nakakaasar na joke niya.


nakakadepress nitong nakaraang araw. at hanggang ngayon hindi pa rin naaalis ung pakiramdam. ung matinding pakiramdam na kapag nakakita ka ng syringe e gugustuhin mong mag-aspirate nan sarili mong dugo. o kaya naman gawing parang puno ung kamay at kahit ano pang parte ng katawan at iukit ang kahit ano mang maisipan mong iukit. o i-drawing kaya. ang sa'kin, ung pangalan ko. LIAN. toinks.


*natatakot ako sa sobrang masaya. at sa maaaring epekto nito.


at andito na nga ung nakakatakot na epekto. ung emptiness na kahit anong gawin mong pagpuno, ayaw pa rin mapunan ung pakiramdam. nananatiling empty. hollow. butas. hungkag. at kahit anong gawin mong takip, susungaw pa rin ung totoong kalagayan. ung tipong kahit tumawa ka ng tumawa sa pinakakorning jokes at kulang na lang e batukan ka ng kung sino man dahil hindi naman talaga nakakatawa ung joke ipakita lang na masaya ka. na hindi hungkag ang pakiramdam.


pero sa huli, sarili mo lang ang niloloko mo.


sarili mo lang ang dinadaya mo.


sarili mo na nga gagaguhin mo pa.


haay. hindi ko masabi ung talagang nararamdaman ko. ganun nga siguro talaga. pag masaya ka, madali lang isalarawan ung pakiramdam. pero pag malungkot na, at nasasaktan kahit anong klaseng mga salita pa ang gamitin, mahirap pa ring ipaliwanag. mahirap ding intindihin. dahil ako, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kailangang maramdaman ang mga ganitong pakiramdam. bakit nga ba.



 


NP: Half Life - Duncan Sheik







 


 

Sunday, September 6, 2009

Thursday, September 3, 2009

'MAPUTIK NA ARAW

'naglakad lang kami sa sangkatutak na putik ni leslie sa bundok. katatapos kasing umulan. at bundok un. kaya natural na maputik. at kahit maputik, no choice. kailangan naming maghanap ng maiinterbyung family para sa lintek na FNCP ni ser mito. kaya aun. maputik. sobrang putik. nakakaputik ang lintek na maputik na araw. putik!


hindi naman ako masaya. nung isang araw malamang. haha. hindi rin ako malungkot. hindi rin naman gumagana ang [hindi talaga gumagana]ng utak ko. pero, wala lang. gusto ko lang talagang magpost ngayon at ilabas lahat ng nasa isip ko. mga bagay sa utak ko [may kwenta man o wala]..


pakiramdam ko lang kasi kailangan kong maglabas. ung tipong kailangang may masabi ako. kahit ano lang. dahil pakiramdam ko sasabog ang buong pagkatao ko pag patuloy akong nanahimik. pakiramdam ko, kakainin ako ng kung ano mang kalawang sa sistema ko ng buong-buo. pakiramdam ko galit ako. sa anong dahilan? hindi ko alam. pero hindi rin. pakiramdam ko lang marahil ito tulad naman ng madalas mangyari. puro pakiramdam lang. walang sapat na dahilan. walang sapat na basehan.


pero para sa akin, sapat na ang isang pakiramdam lang para paniwalaan ang isang bagay na walang sapat na dahilan. walang sapat na basehan. dahil may tiwala ako sa nararamdaman ng kinakalawang kong sistema. at sa putik.


___________________________________________________________________________


*kunwari lang.



"I'm stuck in a coma, stuck in a never - ending sleep. And someday I will wake up and realize I gave up eveything..."


~ Can't be Saved by Senses Fail