Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, August 26, 2009

Shadows and Regrets

'kani-kani lang. mga milliseconds ago, nagso-sort out ako ng mga letters and cards na natanggap ko mula sa kung kani-kaninong mga kaibigan at ka-ibigan [weh intriga? hehe]... puno na kasi un lalagyan ko, kaya naisipan kong tanggalin na ung mga [hindi] naman gaanong memorable. wehehe. ung mga tipong napadaan lang sa mail box at nagkataong sa akin naka-address [gaya ng mga sulat na galing sa Student Affairs Office ng SLU, sulat na galing sa SAO ng SLU, sulat na galing sa Student Affairs Office ulit ng SLU.. ahm, madami pang sulat galing ng SAO dahil sa madaming absences ko noon, haha].

syempre para ma-sort out ung mga dapat at hindi dapat pakikinabangan ng posporo, binabasa ko muna. at tinitingnan malamang kung kanino nanggaling. and it felt good na mabasa muli ung mga un. it reminded me a lot of memories way way back ages ago. [ano daw? mukhang redundant? ewan. haha. basta un..]


natawa pa ako sa letter nun unang [ka-ibigan] ko. haha. ngayon ko lang napansin na SOBRA pala sa pagka-wrong grammar nung sulat niya. haha. natawa talaga ako. at nakaka-turn off pala. [naalala ko tuloy ung isang tanong sa survey. haha]

but a particular set of letters ang mas nakakuha ng atensyon ko. marami un. galing kanino? galing sa EX-BESTFRIEND ko. binasa ko muli ang lahat ng iyon. iba-iba ang tema. iba-iba ang kwento. may masaya. may malungkot. may galit. lahat na yata ng emosyon nasa mga sulat niya. at pakiramdam ko naiiyak ako. [The Longest Story ng Daphne Loves Derby pa man din ung tugtog habang nagbabasa ako] kaya talagang nata-tats ako. haha. pakiramdam ko, napasok ako sa isang time machine o kaya sa PENSIEVE ni Dumbledore kung saan nakalutang ang mga ala-alang naiwan ng mga sulat na iyon at nagbalik ako sa mga oras na magkasama pa silang dalawa. siya at ako. at pinapanuod ko sila. parang pelikula. parang dula.

at sa mga oras na ito, mahirap aminin pero nami-miss ko siya. hindi ko naisip o naramdaman man lang nuon kung gaano ako naging mahalaga sa kaniya. o kung naging mahalaga man lang ba siya sa akin. pero ramdam ko na ang lahat ngayon. ngayon kung kelan huli na ang lahat. naisip ko tuloy, ano ba ang nangyari sa amin. bakit nawala ung magandang samahan. ung pagkakaibigan. pero ganun din siguro talaga. lahat ng bagay may hangganan. gaano man kaganda ang bagay na un. lumilipas din. kinakalawang. natutuyot. natutunaw.

Best,

imposibleng mabasa mo pa ito. pero makikipagsapalaran na rin ako. baka sakaling mapadaan ka, kaya sasabihin ko na rin lahat. hihingi na rin ako ng tawad. kasalanan mo, o ako, di bale na. ang mahalaga, napatawad na kita sa kung ano mang nangyari noon. at sana mapatawad mo na rin ako. pero ganun, mahirap mawalan ng tiwala. lalo na sa taong nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay mo. ganun lang ung naramdaman ko. kaya naipon ang lahat ng galit na 'to sa loob ko. pero mula ngayon, pinapalaya ko na iyon. para sa'yo at para sa'kin. hindi na maibabalik ung dati, alam ko iyon. pero sa pamamagitan nito, sana makapagsimula tayo ulit. mapulot ung mga nagkalat na alaala, maipagtagpi-tagpi ung nasirang pagtitiwala at nang mabuo ulit ang pagkakaibigan natin. sana.

Now Playing: Shadows and Regrets by Yellowcard

"And we were only kids and our time couldn't end. And how tall did we stand with the world in our hands. And we were only kids, and we were best of friends, and we hoped for the best, and let go of the rest. Shadows and regrets, we let go of the rest.."

Friday, August 21, 2009

*old school ;)

'may mga sandaling pakiramdam mo ang manhid manhid mo na. ung tipong wala ka na nga talagang maramdamang kahit ano [saya, sakit, takot, galit..] wala lang. parang hangin lang sa pakiramdam. un bang pakiramdam mo nasobrahan ka na sa mga kung anu-anong emosyon at wala ka nang mapaglagyan sa sarili mo kaya namamanhid ka na.. naranasan niyo na rin ba un?


If you'll be my star, I'll be your sky
You can hide underneath me and come out at night
When I turn jet black and you show off your light


I live to let you shine
I live to let you shine


You can sky rocket away from me
And never come back if you find another galaxy
Far from here, with more room to fly
Just leave me your stardust to remember you by

hmm. pakiramdam ko kasi ngayon ganun. haha. weird. hindi ko alam kung bakit. ganun lang siguro talaga ang kalakaran sa katawan natin. minsan tinotopak din. o baka tama lang ako sa teorya kong nasobrahan na sa pakiramdam kaya namanhid na. sabi nga nila [pansin ko mahilig ako sa sabi-sabi ng iba..] "feel 'til you couldn't feel it anymore.." [dunno the exact words, but it's something like that.


 


 


If you'll be my boat, I'll be your sea
Depth of pure blue to proke curiosity
Ebbing and flowing, and pushed by a breeze


I live to make you free
I live to make you free


And you can set sail to the west if you want to
Pass the horizon 'til I can't even see you
Far from here, where the beaches are wide
Just leave me your wake to remember you by

tama naman di ba? pero... naranasan mo na ba? ung akala mo manhid ka na. di mo na nga maramdaman e. lalo na ung pinakamasakit na pakiramdam [kagat ng langgam], pero mapapansin mo na lang, di mo namamalayan, umiiyak ka na pala. at ung ibinalot mong pagkamanhid natuklap na. tuloy-tuloy nang dumadaloy ung mga UNWANTED EMOTIONS na kahit anong gawin mong pagpipigil, hindi mo na mapigilan. patuloy lang na humuhulagpos. at sa bandang huli, maiisip mong: MAS MASAKIT PALA ANG MAGING MANHID.


_____________________________________________________


*naka! na naman?! *menthol, menthol~!*


_______________________________________


CREDITS: BOATS AND BIRDS by Gregory and The Hawk