hmm.
bakit ganito. minsan ka lang makaranas ng konting kasiyahan, ilang saglit lang babalik na naman ung kalungkutan.
lagi na lang nagpapapansin kung kelan hindi pinapansin.
ang masaklap, lagi ko rin namang pinapansin. isang emosyong ksp. naku, san ka pa?
ngayon lang, narealize ko, that I really don't belong. I've been searching for someone, for anyone to make me feel that I belong.
I've been into groups also, makahanap lang ng security. ng care. ung tatanggapin ako. at akala ko natagpuan ko na un.
may mga nakilala ako. sa iba't ibang groups [The Anime Addicted, Societas Triskaideka, Youth On Fire, A Seek for Solace,]...
nung una ayos lang. masaya. pagtagal, ayun. hindi pa rin pala ako makacope-up. i still feel left-out.
they're all nice. they treat you as a friend. a family.
pero bakit ganito pa rin pakiramdam ko. hindi pa rin sapat. kulang pa rin.
ang selfish ko para isipin lang ang sarili ko. pero ano ba? I've been pleasing everybody for my whole damn life!
pero walang nangyayari. they still leave..
leaving you behind when you most need them. treating you like some trash after they've got all they needed from you!
sabi ko sa sarili ko, bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ito para sa kanila.
bakit ko sila kailangang i-please? why not please myself instead?
ano ba ang kasagutan sa mga tanong na ito?
ayun.
alam ko na.
gusto ko silang i-please dahil gusto kong magustuhan nila ako.
at kapag nagustuhan nila ako, tatanggapin nila ako.
mamahalin.
ituturing na kaibigan.
o higit pa.
pag nangyari un, na-please ko na rin ang sarili ko.
ganun nga siguro.
pero bakit ba hindi ko naisip na sa ginagawa ko, dalawa lang ang pwedeng mangyari.
ang tanggapin ako o ang i-reject ako.
at kailanman hindi ko natutunang paghandaan ung huli.
at un ang dahilan kung bakit nagawa ko ang post na 'to.
hayan ang napala ko.
kung bakit kasi naghangad pa ako ng kaibigan e.
ng kasama.
ng karamay.
masaya naman ako sa pag-iisa ko.
masaya ako sa paniniwalang hindi ko kailanman kailangan ang kung sino sa buhay ko.
sapat na ang ako lang.
sapat nang ang blog na 'to lang ang tanging karamay ko.
masaya na ako dito.
secured na rin ako. dahil alam kong kahit kailan, hindi ako iiwan ng blog ko.
ganun talaga sa mundo, kelangan may maibalance lagi. may purpose yun, and if you think of the purpose, malalaman mo kung bakit ganun ang nararamdamn mo, kung bakit hindi ka matanggap or whatsoever. because life is life. survival of the fittest. mourning is a part, grieving must be expressed but not for the of your life. sometimes you have to be rude so they'll notice you.and accept you that you are still there.na hindi ka rin balewala.na mahalaga ka sa cycle ng tao. TANGGAP KA O HINDI. YOU ARE STILL A PART OF IT.
ReplyDeleteso so me. haha. akala ko nung una, sa cors ko, i finally belong somewhere. something i can try to be good at. may makakaintind sakin at maiintindihan ko. in the end, hindi rin pala. pero happy na ko ngayon. hindi naman pala importante yun. pag-iniisip kong complicated akong tao kaya hindi nila ako maintindihan, natutuwa ako. yun na.
ReplyDeletehmm. siguro nga. masaya ako na masaya ka. at masaya rin ako dahil natuto na rin akong maging masaya. hehe.
ReplyDeletegood for you na happy ka na. mwah. stay happy.
ReplyDelete