Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, November 15, 2015

Alas diyes ng gabi.

Yung mga taong mas gustong isuka ka kesa manatili pa rin sa tabi mo pag hindi ka na jila kayang buhatin o iangat.

Hindi naman kailangang mang iwan at bumalik lang pag okay na.

Hindi ba pwedeng kahit konting alalay lang? Yung kahit ako na lang ang magsasalba sa sarili ko basta alam kong andiyan ka pa rin. Handang umalalay pag kakailanganin ko nan tulong.

Pero hindi...
Kailangan ako lang.
Kailangan mang iwan.
Saka na lang babalik.
Pag okay na. Pag napagtagpi-tagpi na ulit ang mga nagkapirasong sarili.

Ganun na ba ako kahirap samahan para mabigatan ka kahit sa konting alalay lang?


No comments:

Post a Comment