Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Sunday, September 13, 2015

Naisip ko lang.

People say you do not know what you've got until it's gone.

Minsan, gusto mong iwanan yung mga taong mahal mo.
yung mga taong nagsasabing mahal ka
yung mga taong nag iisip na hindi mo kaya pag nawala sila
na kahit anong pag iwan mo, babalikan mo pa rin sila
Minsan gusto mo silang iwan
Dahil gusto mong malaman kung anong mararamdaman nila pag wala ka na
Malulungkot ba sila?
Mababaliw sa kaiisip kung kumusta ka na o kung ano na ang nangyayari sa'yo?
Iiyak?
Magmamakaawang bumalik ka?
Magiging hungkag ang pakiramdam nila?

Dahil hangga't iniisip nila, na hindi mo kayang mawala sila, mas lalo silang nagiging mayabang
Mas lalong lumalaki ang bilib nila sa sarili
Mas lalo silang mag iisip na 'sige lang, iwan mo ako. Babalik at babalik ka rin naman sa akin. Hindi mo rin lang kakayanin.'

Mas lalo kang ite-take for granted.
Yung mga ginagawa mong efforts para sa kanila, yung mga paglalambing, ndi masusuklian ng tama.
Hanggang sa dumating sa point na ikaw nalang yung nagbibigay ng atensyon, ikaw nalang yung nag aalaga, ikaw nalang yung nagpapatakbo ng relasyon.

Dahil nagiging kampante sila.
Kampante na kahit anong mangyari, andyan ka lang para mahalin sila, alagaan, magbigay ng atensyon.
Hindi mang iiwan.

Paano kasi? Mahal mo ehh.
Hindi mo kasi kaya.
Na kahit umalis ka pa, babalik at babalik ka rin lan pala.

You don't know what you've got 'til it's gone.
Paano kaya kung...

















































































bigla akong mawala at iwan ka?
Maiisip mo rin kaya ang ibig sabihin nang nga katagang iyon?


No comments:

Post a Comment