Hindi ko alintana ang malalaking patak ng ulan
Wala akong pakialam sa lakas ng hampas ng hangin
Kahit pa siguro bumaha nan pagkataas-taas
O kumulog nang malakas at gumuhit ang kidlat
Dahil ang makita ka palang, dinaig mo na ang malalaking patak ng ulan
Lakas ng hampas ng hangin
Matataas na baha
Malalakas na kulog at maliliwanag na guhit ng kidlat
Daig pa ng kasalukuyang super typhoon ang hatid mo sa akin.
No comments:
Post a Comment