Napabuntong-hininga si Kai dahil sa pag-iisip nang mga bagay na dapat nang itinatago sa kasuluksulukan nan kanyang isip at damdamin. Isa pang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumayo sa kaniyang pagkakahiga. Kinuha niya ang kaniyang sombrerong nasa study table sa kaniyang kwarto at isinuot. Kinuha ang gitarang nakasandal sa sulok at pahablot din niyang kinuha ang kaniyang jaket na nakasabit sa likod nang pintuan at tuluyang lumabas nang kaniyang kwarto. Nadaanan niya ang kaniyang amang lugmok sa kalasingan sa kanilang sala.
“Dad…” sabay tapik sa balikat nito. Walang sagot mula sa kaniyang ama. Niyugyog niya ito nang marahan. Napaangat ang ulo nito at tiningnan siya.
“Pumasok na po kayo sa kwarto niyo. Malamig dito sa sala…”
Napangiti lamang ito sa kaniya. Hinayaan na lamang niya itong matulog sa sala. Nagsisimula na naming umapaw ang galit sa kaniyang dibdib ngunit pinigil niya ito. Lumabas na lamang siya nan kanilang bahay at nagtungo sa garahe nang kaniyang ama at inilabas ang kaniyang bisikleta. Isinuot niya ang kaniyang jaket at isinukbit ang gitara sa kaniyang likod. At minsan pa mula sa limang taong nagdaan, muli niyang tinahak ang daan papuntang distrito.
Malamig ang hanging humahampas sa kaniyang mukha. Dinig niya ang alon sa baybayin ndi kalayuan sa kalsadang tinatahak niya. Maliwanag ang buwang sumisinag sa kaniyang dinaraanan bukod pa sa mangilan-ngilang streetlights. Maraming mga bituin ang nagkalat sa kalangitan. Tulad nang maraming gabing nagdaan, payapa ang kapaligiran. Walang anu mang nagbabadyang gulo. Kabaliktaran nang kaniyang nararamdaman. Mula nang araw na iyon, hindi na naging payapa pa ang kaniyang damdamin. At naniniwala itong hinding-hindi na magiging payapa pa kailanman.
Marami-rami nang mga katulad niyang musikero ang nakapwesto sa kanilang kaniya-kaniyang lugar sa parkeng iyon. Bagama’t maaga pa ay marami na rin ang nagsimula sa kani-kanilang munting palabas. Maraming siyang nadaanang mga nagbabanda. Ang ilan naman ay nagpapasikat sa pagsayaw. Ang iba, sa pamamagitan nang mahika. Marami na ring mga taong nagkukumpulan para panuorin ang kanilang mga iniidolo na dinadayo nila gabi-gabi sa bahaging iyon nang kanilang lugar. Maliit lamang ang lugar na bagaman at hindi niya kinalakhan, ay siya na ring kaniyang kinagisnan. Hindi yun isang syudad ngunit ito ay maunlad. Malinis at mababa ang krimen. Gabi-gabi’y buhay ang distrito na ilang kilometro lamang ang layo mula sa kaniyang bahay dahil sa mga nagpapakitang gilas ng kaniya-kaniyang mga talento. Street performers ang tawag sa kanila. Sila yung mga taong nais magpasaya nan mga tao sa pamamagitan nan kanilang mga talento. Marami nang mga performers ang nagdaan sa parkeng iyon. Ang iba'y tumigil na sa pagpeperform, ang ilan nama'y na-diskubre ng mga talent agencies at ngayon ay sikat na.
At siya, isa lamang siyang manunuod. Dati. Ngunit ngayon, isa na rin siya sa daan-daang mang-aawit ang pumupwesto sa lugar na iyon para iparinig ang kaniyang awitin. Ngunit hindi siya katulad nan karamihang mang-aawit sa lugar na iyon na maraming tagahanga. Iilan lang ang pumupunta upang panuorin siya. Maganda raw ang kaniyang musika, ngunit kadalasan ay malungkot ang mga kantang inaawit niya.
“Nandito lang ako para alalahanin siya. At ilabas ang natitirang damdaming inalay ko sa kaniya..” bulong niya sa kaniyang sarili.
Inayos na niya ang maliit na upuan sa kaniyang pwesto. Inalatag ang mga gamit, isinaksak ang kaniyang gitara sa amp at tinimpla ang tono. Pagkaraa’y tinipa ang gitara. Napalingon ang mga tao sa intro nang kaniyang awitin.
“Nakapagpasiya na ako. Huli na ang gabing ito… Paalam na…” aniya sa kaniyang isip.Pumikit siya. Pinaglakbay niya ang kaniyang diwa sa mga ala-ala nang nakaraan. At nagsimula siyang umawit.
“Tama… eto na ang huling awit. Awiting kinakanta nang damdamin ko para sa’yo.” Patuloy na sabi nang kaniyang isip.Tumatagaktak na ang kaniyang pawis ngunit hindi niya alintana iyon. Sa loob nang maraming taon, ngayon lang niya muling naramdaman ang sayang dulot nang pag-awit at pagtipa ng gitara.
“Even if that frail happiness had somehow lingered on, although bad memories have sprouted, I’d still treasure those. But now, I guess this is goodbye…”
“I guess… Goodbye, that is enough. You can cope anywhere. Goodbye, I’ll manage somehow without you. Goodbye, that’s what I’ll do. Goodbye from me to you…”Mabilis ang kaniyang paghinga nang matapos niya ang kaniyang kanta. Napamulat siya nang marinig ang palakpakan nang mga tao. Nagulat siya sa dami nang mga taong nanuod sa kaniya nang gabing iyon. Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman. Nagsimulang magtubig ang kaniyang mga mata. Humalo ang ilang patak nang luha sa kaniyang pawis. Napangiti siya.
“Kung nasaan ka man… sana nanunuod ka. Para sa’yo ang huling awit..“At doon sa kumpol ng maraming tao, nakita niya ang pigurang pamilyar na pamilyar sa kaniya. Napamulagat siya. Napanganga. Gulat na gulat. Pumikit siya nang mariin sa pagbabakasakaling dinadaya siya nang kaniyang paningin. Muli siyang dumilat ngunit andun pa rin ang pigurang iyon. Kinurot niya ang kaniyang sarili. Masakit.
“Hindi ito panaginip. P-pero…”Napalunok siya. Hindi ito maari. Ang sambit niya. Muli’y nabingi siya sa palakpakan nang mga tao. Diretso ang tingin niya sa nag-iisang taong kabilang sa kumpol nang mga nanuod sa kaniya. Pumapalakpak rin at nakangiti sa kaniya. Muling umalingawngaw sa kaniyang utak ang huling mga katagang nasambit niya.
“Para sa’yo ang huling awit.. A---“
“Ashley…” nasambit niya nang malakas. Tila nahulaan naman nang babae ang pangalang kaniyang sinambit. Nagsimula itong lumapit sa kaniya. Tumigil ito sa harapan niya. Tiningnan siya at nginitian.
“Para sa akin ba ang awiting iyon... Kai?” nakangiting sambit niya.
“A-ashley”
“Long time, no see. Kai.”
______________________________
itutuloy.
No comments:
Post a Comment