Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Monday, February 27, 2012

Sagot sa Isang Pagkakaibigan

Nabasa ko ung sulat mo.

Hindi ko kailanman naisip kung ganu kabigat para sa'yo ung pangalang un.
O sa dahilan ng paglayo mo.
Kahit kelan hindi sumagi lahat sa isipan ko un.
Dahil ang alam ko, isa man ako sa mga naging bahagi ng pangalang yun, kung ano ka man ngayon, bahagi pa rin ako dun.
Kaya kahit kalimutan mo man, ibasura mo man, o sunugin mo man ang pagkataong nakapaloob sa pangalang un, hindi ako kasama sa mga mawawala.

Dahil ang akala ko, ginawa mo na akong bahagi ng ngayon mo. At magiging bahagi pa ng bukas mo.
Masakit isipin na.. hanggang sa nakaraan lang pala ang parte ko.

Oo. Sasabihin mo, "Hindi totoo yang naging konklusyon mo."
Baka sabihin mo "hindi ka lang naging bahagi ng nakaraan ko. Ayaw ko lang ibasura dahil dun sa bahaging un tayo mas naging tunay na magkaibigan. At ayakong kalimutan un"

Pero pwede pa din naman tayong gumawa ulit ng panibagong pagkakaibigan.
Pwede pa tayong gumawa ulit ng mga panibagong ala-ala.
Pwede pa nating pantayan ung mga nangyari noon. O higitan pa.

Pero ung ngayon natin, imbes na pantayan o higitan, lalong lumabo.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko.
Ayoko.
Ayokong mawala ka.
Pero ayoko din namang maging hadlang sa hinahangad mong pagbabago para sa sarili mo.
Sa totoo lang, natuwa akong malamang malakas na yung determinasyon mong kalimutan ang mga bagay na dapat kalimutan at subukang magbago. Natutuwa akong kahit paano, naibahagi mo yun.

Gusto ko din namang makita yung "Jess" na masaya, na walang inaalalang mga bagay-bagay na makakasama sa pakiramdam mo, o ung hindi "control freak" at higit sa lahat, ung Jess na kayang ibahagi ang nararamdaman niya tulad nan dati. Kahit konting pagbabahagi lang. Kahit pahapyaw lang.

Ang layo na nang inabot neto. Gayong sagot ko lang naman ang hinihingi mo.

Kung itutuloy ba natin ang pagkakaibigang ito, may magbabago ba?
Hindi pa rin kita makakausap tulad ng pag-uusap natin noon.
Nagbago rin ako. Mas naging reserved. Mas naging makasarili at mas naging malihim.
Sa ganitong paraan ko lan magagawang makipag-usap sa'yo.
Hidi pa rin kita magagawang kausapin. Hindi pa rin kita makukumusta, o matutulungan sa mga bagay na bumabagabag sa'yo.
Hanggang silip lang din ako sa facebook account mo. Nagbabakasakaling may malaman tungkol sa kalagayan mo.
Kahit sa text, minsan lang din ako sasagot.

Ito lang siguro ang magagawa ko. Ang maging hangin para sa'yo. Na kahit bihira man tayo mag-usap, mararamdaman mo pa din naman ako. Naghahangad na kahit konti lang, maging dahilan ako ng patuloy mong paghinga.

Gusto kong subukan mong muling ibasura si Ein.
At susubukan kong kalimutan na din siya.
Simula ngayon, burado na siya sa buhay ko.
Sana magawa mo ring burahin na siya sa buhay mo.
___________________________________


1 comment:

  1. Kung itutuloy ba natin ang pagkakaibigang ito, may magbabago ba? When I asked you...either yes or no lang yun iniisip ko na isasagot mo. Yun lang kase yun kelangan ko. Head or tail. Black or white.

    I wouldnt have bother sending you notes kung ayoko na ituloy. I could've pretended not seeing any of your posts. I could've just leave you alone. But I cant. I feel responsible for this mess.

    I'm being honest. I wanna lay it all out on the table, para walang kink, should we decide to be friends again. We could start with a clean slate. If my being honest is hurting you in any way then I'm sorry.

    ReplyDelete