Minsan napag-usapan namin ung tungkol sa pagsusugat ko. Bakit daw ndi ko itigil ang magsugat. Sabi ko, ndi ko kaya. Marami ang nagtatanong. Sa mga forums, support groups. Ano ba ang nagagawa ng pagsusugat sa amin? sa akin? Medyo mahirap intindihin kung wala ka sa kalagayan ko.
Ang pagsusugat o cutting (a kind of self-harm) ay delikado. Kahit sabihin pang ndi mo intensyong magpakamatay kundi magsugat lan, kapag hindi ka maingat, maari kang matigok sa isang iglap. Masakit ang magsugat. Isipin mo na lang ang isang blade o kahit anong matulis na bagay ang pumupunit sa laman mo, sa balat mo, natural masakit talaga un.
Pero para sakin. Para sa karamihan sa amin na gumagawa neto, nakakagaan nan pakiramdam ang pagsusugat. Kapag nasa "depressive state" ka, narerelieve neto ang sobrang kalungkutan. Kapag pakiramdam ko mawawala na ako sa katinuan dala nan sobrang kalungkutan, cutting makes me sane. It keeps me alive. It helps me feel I'm still living.
The hurt.
The blood.
The scar.
They're all signs of my existence.
C: Ako ang mas nasasaktan pag sinasaktan mo ang sarili mo. Mangako kang hinding-hindi ka na magsusugat.
L: Hindi ko kayang mangakong hindi ko na magagawa un. Pero kaya kong ipangakong pipigilan kong magsugat. At kung magsugat man ako, sasabihin ko sa'yo. Hindi ko pa kayang tigilan 'to. Panu kung ito na lang ang makakapgpatino sa akin?
C: Panu kung ako ang makapagpatino sa'yo?
-- edited conversation
Hinihiling ko dati na makatagpo ako nan taong makakapagpatigil sakin sa adiksyon kong ito. Ang dami ko nan nakilala. Na sa umpisa akala ko sila na. pero sa bandang huli, sila pala talaga ung mga dahilan kung bakit "mas" nagsusugat ako.
Ngayon, sigurado ako, natagpuan ko na yung taong un.
I'll try not to cut anymore, because you are worth the try.
hinahanap ko yung comment button..
ReplyDeleteyell pala.. hihihi..
sabi mo nga sa last sentence mo.. kaya...
don't cut yourself na ah?
ehhehe. I'll try ^_^
ReplyDeletewaaaaaa.... >_<
ReplyDelete