Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Saturday, February 20, 2010

i don't know how to be alone anymore...

'matagal-tagal na rin mula nun huling post. hay. ano nga ba? gaya pa rin ng dati. hindi ko pa rin gaanong magawang magsulat. kahit ngayon. kaya lang naman ako nandito dahil hindi ko na kayang sarilinin lahat ng naramdaman ko.



ewan ko ba, pero nitong nakaraan, pakiramdam ko napaka-unwanted ko. hindi ko alam kung gawa lang to ulit ng guni-guni ko, seasonal depression na naman ba o epekto lan nan "red days". pero masakit sa loob. ndi naman mahirap iparamdam ang presensya. kahit saglit lan. pero bakit di nila magawa. hay. sawa na ako sa ganito. ung ako na lan lagi ung andyan para sa kanila. pero di naman nila magawa un para sa'kin. alam ko, masyadong selfish un. sabi nga nila, kung mahalaga sa'yo ang isang tao, hindi mo naman kailangang magdemand ng kapalit. pero ano. tao lan din naman ako. gusto ko rin ng karamay. gusto ko ring mapahalagahan katulad ng pagpapahalaga ko sa kanila.



mahirap sigurong intindihin un. o mahirap lan talaga akong pahalagahan. o siguro sadyang hindi lan talaga ako worth it ng pagpapahalaga nila.



sana hindi ko na lang naramdaman minsan na may kasama ako.

para madali lang paghandaan ang mga ganitong bagay.

na kapag naiwan na ako, hindi ako masasaktan.



natuto na lan sana akong mag-isa.

hindi na lang sana ako naging mapaghanap.

ngayon, hindi ko na alam kung paano babalik sa dati.

kung kelan, sarili ko lan ang iniisip ko.

walang ibang makaksakit sa loob ko kundi ako lan.

______________________________________________________________________________________________________

minsan gusto ko rin talagang magsalita.

hindi langisulat ang nararamdaman.


sa totoo lang, marami akong gustong sabihin...


kaso, ang tanong, MAY MAKIKINIG BA?


*i'm feeling so blue..