“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo”
~ pinost yan ng isang friend ko dito sa FS. hindi ko dapat inopen un kasi naka-adress lang un sa mga kaibigan niya. pero dahil naka-post sa bulletin, naisip kong siguro may karapatan din akong buksan iyon. o ang kahit sino dahil kung wala malamang nag-PM na lang siya di ba? ehe. aun.
puro "words of wisdom" ung laman ng post. madami un. pero sa lahat, ito ang nakakuha ng atensyon ko. hindi ko alam pero sa sandaling mabasa ko 'to, nagbalik lahat sa ala-ala ko lahat ng mga pinagdaanan ko NOON.
alipin din ako ng kalungkutan noon. kalungkutang ayaw na akong lubayan. na tila ba nakahanap siya ng kanlungan sa puso ko. tama siya, kung sino man ang nagsabi nun. paano ka nga naman magiging masaya kung buong puso mong hinahawakan sa iyong mga kamay ang kalungkutan mo? paano ka niya iiwan kung ikaw mismo ayaw mo siyang pakawalan? ngayon ko lang naintindihan iyon. ngayon ko lang naunawaan.
at nagpapasalamat akong bago pa ako tuluyang lamunin ng kalungkutan ko, nagawa ko itong pakawalan. nagawa ko itong palayain. at sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa kong yakapin ang kasiyahan.
kasiyahang sa pananaw ko ay panandalian lamang.
..muli na naman siyang bumalik sa akin. ayoko na sa totoo lang. gaya ng nauna ko nang nasabi, muli na naman akong naglalakad ng paatras. kailangan ko nang sumulong, pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko patungo sa kinabukasan ko. tuwina'y bumabalik ako sa pinanggalingan ko. at tuwing nakakabalik ako, muli niya akong lulunurin. muling sasakalin.
kasalanan kong muli ito. wala namang ibang dapat sisihin e. pero sa ngayon hindi ko pa siya magawang pakawalan. at natatakot ako. natatakot akong muling bulagin ng kalungkutan ko. pero wala akong magawa. hawak niya ako. hawak ko siya. at hindi ko magawang bumitaw. hindi ko magawa...
nakakarelate pa rin ako sa post na 'to.. again, we have our choices but the situations leaves us no choice... mukhang malabo noh? pero ganun talaga...lalo na kapag nanghihina tayo, wala tayong magawa kundi bumalik sa dati nating niyayakap para maging malakas ulit... sa safe zone natin... pero sino nga ba ang madaling umalis dun?
ReplyDeletekailang lang talaga natin ng malaking paghakbang...lalim noh? anyways... dig mu na lang...hehe